webnovel

Chapter 336

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas at pumunta sa kusina. Inilabas ko na yung pagkain na dala ni Martin kanina. Dahil nga kanina pa iyon malamig na yung pagkain kaya naisip kong initin yung ulam lalo pa nga at nilagang baka yung dala niya.

Tinanggal ko muna yung gulay para di ma-overcooked bago ko sinalang sa kalan. Samantalang yung kanin ay pinasok ko nalang sa microwave. Habang hinihinatay yung pagkain na mainit nanatili akong nakatayo sa may kitchen counter at pinagmamasdan yung tubig dagat na tanaw na tanaw mula sa bintana ng kusina.

"Layo ng tingin mo ah," sabi ni Martin na naglalakad papunta sakin. Basa parin yung buhok niya kaya pinupunasan parin niya ito ng tuwalya. Di ako sumagot at lumapit na ko sa microwave kasi nga tapos na pala itong umikot.

Habang ginagawa ko iyong pinatay na rin ni Martin yung kalan at isinalin na rin niya yung sabaw sa bowl. Kumuha na ako ng pinggan at kutsara't tinidor. Samantalang siya naman ay kumuha na ng baso at nilagyan ng warm water kasi nga masebo yung ulam namin kaya di siya kumuha ng malamig na tubig.

Pagkatapos nun ay sabay kaming umupo sa may dinning table at nagsimulang kumain.

"Hon," tawag ni Martin sakin pero di ko siya pinansin at nanatili akong naka subsob sa pagkain ko.

"Galit ka parin?" tanong niya sakin pero di parin ako sumagot dahil nga wala siyang makuhang sagot sakin ay lumapit na siya.

"Problema?" tanong ko habang naka tingala sa kanya. Nakatayo kasi siya sa may gilid ko habang bahagyang naka yuko para magtama ang aming paningin.

"Tinatawag kita pero di mo ko pinapansin," sabi ni Martin na full of grievances.

"Di ko narinig na tinawag mo kong Michelle," sabi ko sakanya habang muli ako akong kumain.

"I've called you Hon," sabi ni Martin habang hinawakan yung pisngi ko para muling ibaling yung mukha ko sa kanya para muling magtama yung paningin naming dalawa.

"Let's stop this non-sense, alam mo naman at alam ko din naman na di mo ko dapat tinatawag ng ganyan because we are not in the relationship," sabi ko kay Martin habang inalis ko yung kamay niya sa pisngi ko.

"Sino nagsabi sayo na walang tayong relasyon?" sabi ni Martin habang tumayo ng diretso pero based sa boses niya alam kong nag-uumpisa nanaman siyang magalit.

"Oo nga naman pala nakalimutan ko na may relasyon nga pala tayo bilang may utang at ang nagpautang," sarcastic kong sabi.

"Yun ba talaga ang tingin mo?"

"Martin please meron na tayong deal di ba? Be professional and act like a mature man di ganyan."

"So anong ibig mong sabihin?" gritted teeth na sabi ni Martin and this time alam kong galit na talaga siya at dahil dun di na ko sumagot at muli kong binalingan yung pagkain.

"Hays!" buntong hininga ni Martin bago niya ko tinalikuran.

"Hays!" buntong hininga ko rin kasi nga nakita ko na di niya tinapos yung pagkain niya at sa huli wala rin kaming natapos na usapan.

Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko yung kinainan namin at tinakpan ko lang yung pagkain ni Martin if ever gusto niyang kainin ay initin niya na lang.

Naisip kong muling bumalik sa Casa Milan para matapos yung dapat gawin ko dun para bukas ay maka-uwi na ko. Di ko nakita si Martin at di ko rin alam kung saan siya nagpunta di rin ako nagiwan ng note basta umalis lang ako.

Pagdating ko sa Casa Milan pinagtitinginan ako ng mga empleyado, dahil yun siguro sa nangyari kanina pero umarte ako na parang di apektado kasi alam ko naman lilipas din yun at makakalimutan din nila.

Inabot ako ng gabi sa pagkuha ng mga sample ng wire at kung di lang kumalam yung tiyan ko ay di pa sana ako aalis pero dahil nga nakaramdam na ko ng gutom naisip kong ipagpabukas na lang yung iba.

Di ako bumalik sa tinutuluyan ni Martin sa halip ay nagpahatid ako sa bayan sa pamamagitan ng tricycle. Nag-stroll lang ako sa kalsada at nagbabakasakali makakita ako ng restaurant na pweding kainan. Makalipas ng ilang minuto na paglalakad at napili kong kumain sa isang fastfood chain na tambayan ko dati.

Omorder ako ng two piece chicken at one rice. Sinamahan ko rin yung ng isang coke float para kahit papano malamigan yung utak ko. Pagkatapos kumain ay pinili ko munang maglakas sa city park dahil maaga pa naman.

Habang naglalakad napadaan ako sa nagtitinda ng balot, bigla kong naalala si Martin nung time na magkasama kami sa Laoag. Sabi niya gusto niya yung tikman kasi nga sa buong buhay niya wala siyang pagkakataong makakain ng ganung klaseng pagkain.

"Pabili nga po anim na piraso," sabi ko sa tindera.

"Ito po," sabi ng tindera sa akin na agad ko namang inabot pagkatapos ko siyang bayaran. Naisip kong bumalik na sa tinutuluyan namin ni Martin.

Pababa pa lang ako ng tricyle ng makita ko si Martin na palabas ng bahay. Napahinto siya ng makita ako at nanatili lang siyang naka tayo malapit sa may pintuan.

"Saan ka galing?" tanong niya sakin nung mga halos isang dipa nalang ang layo ko sa kanya.

"Diyan lang naglakad-lakad," sabi ko sa kanya habang nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob.

"Kumain ka na?"

"Tapos na," sagot ko uli sa kanya habang dumiretso ako sa kusina. Sumunod naman siya sa akin.

"Ano na yang dala mo?"

"Balot," matipid kong sagot habang ipinatong iyon sa lamesa. Kumuha ako ng asin at mangkok para lagayan ko ng suka at kutsara, wala akong sabi-sabing umupo sa upuan sa dining table at ganun din siya.

Nagsisimula na kong kumain pero si Martin ay nanatiling naka tingin sakin na para bang pinagmamasdan niya yung paraan ng pagkain ko ng balot.

"Kung gusto mo kumuha ka wag mo kong tingnan," nasabi ko sa huli nung di ko matagalan yung tingin niya. Di naman na siya nag-inarte at kumain narin.

Saglit lang namin naubos yung balot tag tatlo kaming dalawa pagkatapos nun ay tumayo ako para ligpitin yung ginamit namin saka ako dumiretso sa banyo at naligo. Natapos ko na yung night routine ko pero wala parin sa kwarto si Martin pero di ko na ko nag-abala man lang hanapin siya or ano man nahiga na ko sa kama at di nagtagal ay nakatulog ako.

Nächstes Kapitel