webnovel

Chapter 321

Buti nalang natatakpan ng coat yung kamay ni Martin kaya di obvious sa paningin ng iba pero ewan ko ba sa lalaking ito feeling ko binabakuran niya ko and the same time nagiging possessive na siya.

Sinagad ko yung pagkakasandal sa upuan para maipit yung kamay niya para mapilitan siyang tanggalin yung pagkakapit niya sa baywang ko pero parang bale wala sa kanya yung ginawa ko, sabagay di naman talaga siya masasaktan kasi nga malambot naman yung sandalan ng upuan. Inirapan ko nalang siya para malaman niya na naiinis ako sa kanya.

"Sayaw tayo," yaya sakin ni Martin makalipas na ilang oras ang makalipas.

"Yoko!" mabilis kong tanggi.

"Sige na, pampatagal lasing!" pagpupumilit niya.

"Magsayaw ka kung gusto mo, wag mo kong damay!" pagtataray ko.

Actually, nahihilo na kasi ako kaya ayaw ko naring tumayo. Si Anna kasi ang bilis magpaikot ng baso akala mo may hinahabol. Si Xandra at Zaida ay sige ang sayaw na lang para makatakas. Si Nina ay kanina pa naka sandal kay Robert, feeling ko tulog na. Di na kasi siya sanay makipag sabayan sa inuman kaya kami nalang ni Analyn ang natitira.

"Pass!" sabi ko ng feeling kong babaliktad na yung sikmura ko.

"Bawal pass!" sigaw ni Anna sakin.

"Gusto mo sumuka ako dito?"

"Inumin mo muna ito bago ka sumuka!" pagpupumulit ni Anna.

"Langhiyang babae talaga 'to," sabi ko sa isip ko bago ko inabot yung baso at tinungga.

"Brrrrr!" dighay ko pagkatapos kong uminom kaya lang feeling ko babalik siya palabas kaya agad akong tumayo at mabilis na lumabas.

Dumiretso ako sa banyo buti nalang may bakanteng cubicle kaya dun ako sumuka. Di ko na nagawang isara yung pinto kasi talagang di ko na siya napigilan.

"Waaaaarhhhh!" Naka luhod ako sa toilet bowl ng may maramdaman akong humahaplos sa likod ko. Halos lahat yata ng kinain ko inilabas ko kaya hinang-hina ako.

"Pwe...Pwe...! paulit kong dura sa toilet bowl para mawala yung pait ng bibig ko.

"Tubig!" abot ni Martin sakin na agad ko namang tinungga bago ko uling idinura sa bowl para mawala yung lasa ng suka sa bibig ko bago ako uminom.

Sumundal muna ako sa para kahit papano mawala yung hilo ko. Nung medyo okay na yung pakiramdam ko saka ako nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinamahan ka!" non-chalant na sagot ni Martin sakin.

"Alam mo bang CR ito ng babae?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Ano naman?" taas kilay din niyang sagot sakin.

"Hmp!" tanging nasabi ko nalang sa huli. Paano ba naman di man lang siya nahiya or natakot na sabihan ng manyak o bastos kapag nakita siya ng ibang babae na gagamit ng banyo.

Wala man lang talaga siyang pake sa mundo buti nalang kahit papano sinarado niya yung pinto ng cubicle. Ito lang kagandahan sa banyo maluwag ang cubicle kaya kahit dalawa kami ni Martin sa loob ay nakakilos ka parin pero isang dipa lang ang pagitan naming dalawa.

"Labas ka na, iihi ako!" sabi ko pagkalipas ng ilang minuto kasi parang ayaw kumilos ni Martin. Okay lang na andun siya at naka tingin sakin.

"Eh di umihi ka, parang di ko naman nakita yan!"

"Ikaw!" gigil na gigil ko nanamang sabi ang kapal na talaga ng mukha niya. Napapikit nalang ako uli ng mata kasi feeling ko lalo akong nahihilo sa pinagsasabi ni Martin.

Pinipilit kong pakalmahin yung utak ko ng maramdaman ko yung paglapit niya sakin kaya agad akong nagmulat ng mata pero huli na ang lahat kasi mabilis niya kong hinalikan sa labi.

Itinulak ko siya pero naka pulupot na sa baywang ko yung isang kamay niya at yung isa naman ay nasa likod ng ulo ko. Gusto ko sana siyang sigawan nung bitawan niya yung labi ko kaya lang sakto namang may pumasok kaya pinandilatan ko lang siya ng mata para sabihin na, "Umayos ka nga!" pero sa halip na umayos ay muli lang niya kong hinalikan.

Nalalasahan ko yung alak at suka sa bibig ko pero ewan ko ba dito kay Martin parang walang paki kaya nung marinig kong lumabas na yung gumamit ng banyo agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya para tumigil.

"Bakit?" hinihingal niyang tanong.

"Anong bakit, nasa banyo tayo. Public toilet na babae for God sake. Isa pa kasusuka ko lang wala ka na talagang pinipili. Kainis ka!" di ko mapigil yung galit ko kaya muli ko siyang hinampas sa braso.

"Ano naman kung sumuka ka basta ang alam ko lang napaka sweet ng bibig mo!"

"Kadiri ka!" tuluyan ko na siyang itinulak kasi nga balak nanaman niyang yumakap sakin. Dahil nga sigurado akong wala ng tao ay lumabas ako at nagmumog sa lababo. Naghilamos narin ako para kahit papano mahimasmasan ako.

Inabutan ako ni Martin ng tissue na agad ko namang tinanggap. Patapos na kong magpunas ng muka ko ng may pumasok na babae medyo nagulat siya kasi nga nasa loob si Martin kaya agad ko na siyang hinila palabas habang hinahig ko yung tissue sa basurahan.

Paglabas namin nasalubong namin si Christopher medyo nagulat ako kasi nga di ko expect na makikita niya kami ni Martin na galing banyo. Gusto ko sanang magpaliwanag pero di ako hinayaan ni Martin kasi hinila niya ko paalis habang naka sunod samin si Christopher na nagtataka.

"Okay ka lang?" tanong ni Christopher ng maabutan kami. Hawak parin ni Martin yung kamay ko at kahit pilit ko yung hinihila ay di niya talaga binitawan.

"Oo," nailabas ko na lahat ng kinain ko.

"Gusto mo orderan kita ng may sabaw para mainitin yung tiyan mo?"

"Ha, ah...," papayag na sana ako pero nagsalita si Martin.

"No need inorderan ko na siya!" Parehas na kaming di naka sagot ni Christopher hanggang makabalik kami sa booth.

Di gaya ng sitting arrangement kanina nasa gitna na ko ni Martin at Christopher naka upo at take note parehas nila kong inaabutan ng soup.

Pagdating kasi namin sa loob ng booth sakto namang dating nung inorder ni Martin ng bulalo. Sabay sumandok yung dalawa at sabay ding inaabot sakin. Ngayon di ko alam kung kanino yung kukunin ko.

"Ate oh, para di mahilo!" makahulugang sabi ni Mike na inabutan din ako ng soup.

"Kaya nga eh, salamat!" Nagpasalamat ako di dahil inabutan niya ko kundi kasi inalis ako ni Mike sa sitwasyon ko. Kaya walang nagawa yung dalawa kundi inumin yung sinandok nila. Kaya lang sadyang makapal ang muka ni Martin kasi habang hinihigop niya yung sabaw niya nilalagay naman sa mangok ko yung laman nun.

Nächstes Kapitel