"Tarantadong yun, akala naman niya di ko yun alam! Alam ko yun!" gusto ko sanang isigaw kay Mike pero di pwedi lalo pa nga at madami paring tao sa canteen.
Pagbalik ko sa office andun na si Yago at Xandra kaya malamang andun na din si Martin at di nga ako nagkamali andun na siya sa loob, naka upo sa executive chair niya habang naka tingin sakin.
Di ako nagsalita at dumiretso na ko sa table ko. Sumasakit yung ulo ko sa pinagsasabi ni Mike di ko alam kung may narinig ba siya may nalaman ba siya tungkol samin ni Martin.
"Kumain ka na?" tanong ni Martin ng tumayo sa upuan niya.
"Tapos na po Sir!" sagot ko. Talagang sinadya kong lagyan ng Sir para malaman niya yung sitwasyon naming dalawa na ako ay kinuha niya bilang empleyado at siya ay bilang Boss ko.
Bigla siyang natigilan at nagulat sa sagot ko pero di ko na siya pinansin at nagsimula na kong magtrabaho kasi nga one narin naman ng hapon.
Akala ko okay na kay Martin kasi nga di ko na siya pinansin pero nagulat ako nga maramdaman ako na may naka tayo sa tabi ko, pagtingala ko si Martin iyon at naka tingin sakin.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko tapos na ko kumain...," medyo mabagal yung pagsabi ko kasi nga ang dilim ng mukha ni Martin na para bang kapag nagkamali ako ng sagot kakagatin niya ko.
"Samahan mo muna ako kumain, wala akong kasabay," sabi nito bago ako tinalikuran. Sinundan ko siya ng tingin at pumunta siya sa may mahabang lamesa dun ko lang napansin na may pagkain dun naka hain at dalawang pinggan naka latag.
"Tara na!" sabi ni Marting ng makita niyang di ako kumilos.
"Kumain na ko eh!" usal ko habang tumatayo para lumapit sa kanya.
"Mag-dessert ka na lang kung busog ka na," sabay lapit ng fruit salad sakin.
Yun na nga lang kinain ko habang si Martin ay kumakain ng kanin, ulam niya grilled chicken na parang ang sarap kaysa sa ulam kong pakbit kanina.
"Gusto mong tikman?" tanong niya sakin habang inilapit sa bibig ko yung tinidor na may nakatusok na manok.
Dahil nga napaka-appetizing nung isinubo ko iyon, at kagaya ng nasa isip ko kanina masarap nga talaga siya.
"Kain ka pa," sabi niya uli habang sinusubuan ako.
Naging ganun yung sitwasyon namin hanggang matapos siya sa pagkain.
"Busog ka na?" tanong niya ng makita akong nakasandal na sa upuan at binitawan ko na yung kutsara ko.
"Di na nga ako maka hinga sa kabusugan, subo ka kasi ng subo!" reklamo ko habang hinihimas yung tiyan ko na bilog na bilog na.
"Nga-nga ka naman kasi ng nga-nga," naka ngiti niyang sabi habang umiiling.
Inirapan ko lang siya bago ako tumayo, "Kaw magligpit ikaw nagyaya eh!" sabi ko bago siya iniwan. Bumalik na ko sa table ko at nagsimula na kong magtrabaho. Samantalang si Martin ay nagligpit ng pinagkainan namin.
Akala ko pagkatapos naming kumain ay babalik na din siya sa table niya at magtatrabaho na rin pero pumunta siya sa table ko at umupo run habang tinitinganan yung ginagawa ko.
"Bakit?" di ko na pigilang itanong makalipas ng ilang minuto na di siya nagsasalita.
"Anong sinabi sayo n Daddy kanina?" mahinang sabi ni Martin na para bang ang tagal niyang pinag-isipan kung dapat ba niya yung itanong ko iyon.
"Sinabi ng Daddy mo? Wala naman masyado tinanong lang niya kung sino ako at anong ginagawa ko dito," sagot ko habang nasa computer yung mata ko at patuloy na pag-type sa keyboard.
"Wala siyang sinabi na kung ano sayo?" tanong uli ni Martin na para bang duda sa sagot ko sa kanya
'Wala naman, Sa tingin ko nga di na ko matandaan ng Daddy mo," sabagay nung kami pa naman ni Martin iilang pagkakataon lang na nagkita kami at nagka-usap ng Daddy niya kaya malamang nakalimutan na ako nito.
"Kilala ka pa niya," sabi ni Martin.
"Talaga?" di ako makapaniwala.
"Hmmm!"
"Wala naman siyang sinabi na kung ano. Ang sinabi niya lang is bakit dito ako sa office mi nagtatarabaho at sinagot ko naman siya na confidencial yung pinapagawa mo kaya andito ako."
"Mabuti naman kung wala naman pala siyang sinabi," sabi ni Martin.
"Siya nga pala aalis ako bukas, kailangan kong pumunta ng Hongkong."
"Okay!" tanging sagot ko na para bang wala akong pake sa sinasabi niya.
"If ever may pupunta dito bukas at guluhin ka tawagan mo ko." Bigla akong natigilan ng marinig ko yung sinabi ni Martin. Napahinto ako sa pagtype sa keyboard ko at tumingon ako sa kanya.
"If ever lang naman!" sabi niya sabay ngiti sakin. If ever eh paano kung yung Lola niya yun or si Ellena di saki yun ng ulo.
"Pwedi bang wag na lang din ako pumasok bukas or sa bahay nalang ako!" proposed ko.
"Bakit takot ka?" pang-aasar niya sakin.
"Di naman sa takot ako kaya lang ayaw ko ng gulo!"
"Kaya nga kapag pumunta sila or kahit sino na sa tingin mo may dala ng gulo tawagan mo ko."
"Wala akong pang-international call!"
"Yung binigay kong phone sayo yung gamitin mo," sabi ni Martin sakin. Oo nga pala naka plan open plan yung kaya kahit ipangtawag ko sa international walang problema at ang masaya pa dun si Martin ang magbabayd nun.
"Okay!" nonchalant kong sabi.
"Kaya tangalin mo na sa pagkaka block yung number ko para matawagan mo ko." diretsong sabi ni Martin. Bigla akong napa-isip, "binolock ko ba siya?"
"Oo," sabi ni Martin sabay dampot sa phone ko na nakapatong sa gilid ng computer ko.
Ang bilis niya yun nabuksan at nakita ko kung paano niya tanggalin yung pangalan niya sa black list ko at muling ibinalik niya yun sa dating lagayan nito na parang wala siyang ginawa.
"Wag mong palitan yung pangalan ko ha!" muli niya pang sabi bago tumayo pagkatapos niya kong pat sa ulo na parang pet niya.
Doon ko lang naalala na di ko pa pala pinapalitan yung password ng phone ko birthday parin niya yun pati yung name niyang Hon ay di ko rin nabago. Di ba masyado kong na-expose yung sarili ko dahil dun.