webnovel

Chapter 273

"Uhhhh!" Sigaw ko ng magmulat ako ng mata. Sakit ng ulo ko parang mabibiak.

"Ayaw ko ng uminom!" reklamo ko habang minamasahe yung noo ko at nanatili akong naka higa sa kama.

"Asan ako?" tanong ko sa sarili ko kasi di ko matandaan kung paano ako naka-alis sa party.

Mabilis akong tumingin sa paligid at nakiramdam kung may iba ba akong kasama or kung nasaan ako. Nung masigurado kong wala akong ibang kasama bigla kong tiningnan yung sarili ko. Naka suot ako ng pantulog na bistida at wala na kong suot na bra kaya mabilis kong iniangat yung laylayan ng suot ko.

"Hays!" Buntonghininga ko kasi kahit papano may suot akong panty at yun yung suot ko kagabi. Pinakiramdaman ko yung sarili ko mukang wala naman akong marka na na-abuse ako or ginalaw kaya kahit papano naka hinga na ko ng maluwag.

Grabe kasi talaga yung lasing ko kagabi at di ko na matandaan paano ako naka alis ng bar at nakarating dito basta ang natatandaan ko lang ginising ako ni Zaida at may parang bumuhat sakin at yung mga sumunod na pangyayari malabo na.

Pinilit kong bumangon at pumasok ng banyo. Nasa hotel ako ng Casa Milan base sa logo ng Casa Milan na nasa tuwalya na nakatupi sa counter ng lababo. Malamang dun ako dinala ni Zaida kagabi kasi nga naalala ko sinabihan ko siya na sa hotel nalang ako patulugin pero di ko akalain na sa hotel na ito niya ko dadalhin.

Mabilis akong naligo para kahit papano mabawasan yung sakit ng ulo ko. Buti nalang napaka thoughful ni Zaida at iniwanan ako ng damit at may kasama pang underware. Jeans at simple white shirt iyon at saktong-sakto naman sakin para bang sinukat.

"Saan kaya yun?" Tanong ko kasi kanina ko pa hinahanap yung damit na suot ko kagabi pero kahit saan ko tingnan di ko yun makita. Samantalang yung phone ko naman at yung pouch ko nasa center table lang naka paton. "Dinala kaya ni Zaida?" tanong ko sa isip ko. Dahil di ko talaga siya makita hinayaan ko nalang at lumabas na ko.

"Good Morning!" bati ko sa receptionist nung bumaba ako sa Lobby. Laking gulat ko ng makita ko si Aiza. Siya yung receptionist sa Casa Milan Manila kung saan din naroroon yung Pad ni Martin. Lumingon ako sa paligid at doon ko nga nasigurado nasa Casa Milan Manila nga ako.

"Ma'am Michelle long time no see?" mabait na sagot niya sakin.

"Oo nga eh, hehe!" awkward kong sagot.

"Ano pong maitutulong ko sa inyo?"

"Check-out na ko!" Nahihiya ko paring sabi. Naasiwasa kasi akong isipin na nasa lugar ako kung saan full of memories namin ni Martin na magkasama.

"Ah, okay po Mam!" Naka ngiti paring sabi sakin ni Aiza.

"Magkano pay ko?"

"Settled na po siya Mam, tapos proceed na lang po kayo sa restaurant para po breakfast niyo. Tawagan ko na po para ma-prepare."

"Naku di na! Okay na ko!" Tanggi ko.

"Hindi Mam, bilin po kasi samin wag daw po kayong paalisin hanggat di daw po kayo kumain ng breakfast. Isa pa hinatid lang saglit ni Mang Kanor si Sir Martin wait mo nalang daw po at saglit lang naman siya."

"Hindi, okay na ko! I can manage, salamat!" sabi ko kasi nakakahiya naman sa abala. Paalis na sana ako ng bigla uli magsalita si Aiza.

"Kapag umalis daw po kayo na di kumakain at di hinintay si Mang Kanor singilin ko daw po kayo ng bill." Nahihiyang sabi niya saakin.

"Sige bayaran ko nalang!" Mayabang ko ding sagot kasi nga kahit papano mas maganda yun kaysa magkautang na loob ako.

"Fifty thousand po!"

"Bakit ang mahal?" gulat na gulat kong sabi.

"Yung room niyo po kasi is VVIP worth 25,000 per night po yun. Tapos yung meal niyo is 5,000 then yung damit niyo po is worth...!"

"Tama na! Ito na yung card ko!" sabi ko nalang kasi sa tingin ko lang pati shampoo na nagamit ko magkaka cost kapag inisa-isa pa niya yun.

"Cash lang daw po yung pwedi!"

"Good as cash naman itong card ko kasi debit card siya."

"Cash lang daw po talaga!"

"Wait lang lalabas ako para magwidraw!"

"Bawal ka daw po lumabas!" Nahihiyang sabi ni Aiza.

"Sino nag-utos?" galit ko ng sabi kasi nakakatawa yung mga pinapatupad niyang patakaran.

"Si Sir Lucas po!" Pinagmasdan ko yung muka ni Aiza para makita ko kung nagsisinungaling siya kasi ayon sa pagkakakilala ko kay Lucas di siya ganun ka unreasonable, kung si Martin pa pwedi. Kaya di ako naniniwala sa sinabi ni Aiza.

Dahil di naman nagbago yung muka ni Aiza, tumango nalang ako kasi wala rin naman siyang reason para magsinungaling sakin.

"Mam?" tawag uli ni Aiza.

"Sabi ko nga kakain na ko!" sabi ko nalang kasi nga wala naman akong magagawa at di naman masama yung pinapagawa sakin, papakainin lang naman ako. Dumiretso na ko sa restaurant kasi nga alam ko naman kung saan naroon yun.

Pagdating ko dun nakahanda na yung pagkain ko kaya wala na kong kagatol-gatol na kumain. kagaya dati di rin nagbago yung mga pagkain dun, masarap parin. Di ko alam kung dapat ba kong matuwa o lalong malungkot kasi naalala ko nanaman yung past naming dalawa ni Martin na masayang kumakain sa lugar na iyon. Ang masama pa dun ako dinala ng waiter kung saan kami laging naka pwesto ni Martin na para bang pinapaalala sakin yung past naming dalawa.

"Mam Michelle!" Paglingon ko si Mang Kanor iyon at kumakaway sakin papalapit sa table ko.

"Kuya, bilis mo naman makabalik?"

"Wala po kasing traffic."

"Ah kala ko pa naman mabait yung Boss mo sa Ex niya!" Pagbibiro ko.

"Hehe... hehe...!" tawa lang ni Mang Kanor at di na sumagot sakin.

Dahil nga patapos narin akong kumain naka alis na kami kagad ni Mang Kanor.

"Ingat po Mam Michelle!" kaway sakin ni Aiza.

"Hmp galit ako sayo!" sabi ko dito pero syempre di naman ako seryoso dun at tinawanan lang niya ko.

Habang naka upo ako sa kotse di ko mapigilang mapahawak sa labi ko feeling ko kasi nangangapal yun na para bang may humalik sakin ng napaka tagal. Pumapasok sa isip ko si Martin yung mainit na halik niya sakin nung naglalaro kami ng truth or dare.

"Hays!" Buntong hininga ko kasi di lang ulo ko ang sumasakit pati na puso ko.

Nächstes Kapitel