Alas tres ng madaling araw tumunog yung alarm clock ko kahit inaantok pa ko, napilitan akong tumayo.
"Saan ka punta?" Tanong ni Martin nung alisin ko yung kamay niya na nakayakap sa baywang ko.
Garalgal pa yung boses niya at halos di pa madilat ang mata.
"Tulog ka pa! Uwi muna ako sa Pad mo!" Sagot ko sa kanya habang inaayos yung kumot niya.
"Mamaya na!"
"Hon, nag-usap na tayo kagabi! Wag makulit!" Sabay halik ko sa pisngi niya.
"Mag-commute ka ba?" Muling tanong ni Martin at tuluyan ng nagmulat ng mata.
"Susunduin ako ni Mang Kanor, kaya wag ka ng mag-alala. Tulog ka pa," at tuluyan na kong tumayo Di narin ako pinigil ni Martin kasi nga napag-usapan na namin yun kagabi.
Paglabas ko ng banyo, nakita kong muling naka tulog si Martin. Di na ko nagpalit ng damit kasi nga wala naman akong ipapalit. Inayos ko lahat ng mga gamit ko bago ako tuluyang lumabas pero bago yun di ko kinalimutang halikan muli si Martin sa labi.
"Hmmm!" Ungol niya.
"Balik ako bago ka pa magising uli! Tulog pa!" Sabay haplos sa buhok niya.
Pagbaba ko ng hospital nasa baba na si Mang Kanor na naghihintay sa akin.
"Morning Kuya!" Bati ko.
"Morning po Ma'am!" Masayang bati rin niya sa akin na parang di masama yung loob niya na pinapasok ko siya ng maaga.
"Pasensiya na Kuya ha! Naistorbo ko yung tulog mo!" Pagbibiro ko.
"Naku Ma'am! Wala po iyong kaso!"
"Salamat po!" Sabi ko kay Mang Kanor kasi kahit papano naapereciate ko yung ginawa niya.
Pagdating ko sa Pad ni Martin, inayos ko kagad yung lulutuin kong lugaw sabi kasi ng Doctor light meal muna yung dapat kainin niya kasi nga matagal siyang nawalan ng malay.
Habang isinasalang yung lugawa nag-ayos na ko ng mga gamit na dadalhin ko sa hospital. Makalipas ng ilang oras natapos na ko kaya bumalik na ko ng hospital.
Pagbalik ko, tulog parin si Martin kaya naisip kong gisingin na siya kasi maya-maya kailangan ko ng pumasok sa opisina.
"Hon!" Tawag ko sa kanya habang hinhalikan ko yung muka niya. Inuna ko yung sa noo tapos sa dalawang pisngi para gisingin siya pero nung di parin siya nagising hinalikan ko naman yung baba niya then yung ilong.
"Hon, gising na!" Muli ko sanang hahalikan yung noo niya ng may biglang may humawak sa likod ng ulo ko at isinubsob ako sa muka niya para magdikit yung labi naming dalawa.
"Ikaw talaga!" Saway ko habang hinampas yung braso niya.
"Nilagpasan mo yung labi ko eh!" Reklamo niya habang naka ngiti sakin.
"Sabi mo kasi wag kitang halikan kapag di ka pa nagtooth brush!"
"Nag toothbrush na ko!" Proud niyang sabi sabay hinga sakin.
"So, ibig sabihin kanina ka pa gising!" Sabang pisil sa ilong.
"Hehe... hehe..., anong niluto Hon?" Tanong niya sa akin habang bumabangon sa pagkakahiga na mabilis ko naman inalalayan.
"Lugaw lang, diba sabi ng Doctor mo bawal ka pa ng heavy meal." Paalala ko sa kanya.
"Okey lang yan wag kang malungkot kahit ano pa yan basta ikaw nagluto gusto ko yan!"
"Gusto ko nga sana pagluto kita ng paborito mong adobo eh!" Malungkot kong sabi habang kinuha ko yung baunang naglalaman ng pagkain niya.
"Bango Hon ah!" Papuri niya sa akin.
"Syempre, nilagyan ko ito ng madaming luya eh saka bawang. Ay wait lang balatan ko muna yung itlog." Kaya muli kong pinatong yung bowl sa side table.
"Tikman ko na!" Sabay abot ni Martin ng kutsara at kusa ng sumubo. Marahil gutom narin kasi nga wala din siya kinain ng halos tatlong araw.
"Init!" Reklamo niya.
"Dahan-dahan kasi! Akin na nga!" Sabay kuha ng kutsara sa kanya.
Ako na yung sumandok at inihipan ko yung mabuti bago itapat sa bibig niya na mabilis naman niyang ibinuka yung bibig niya.
"Hon, parang ayaw ko ng lumabas sa Hospital ah!"
"Bakit?" Takang tanong ko habang sinusubuan siya.
"Kasi pag ganito para mo kong baby eh!" Naka ngiti niyang sabi.
"Baliw ka!"
"Bakit?"
"Naiisip mo yung mga ganyang bagay pero di mo naiisip yung pag-aalala ko sayo kapag nasa hospital ka!" Panenermon ko.
"Ito lang kasi yung time na ginagawa mo kong baby eh!" Paglalambing niya.
Bigla tuloy akong napa isip sa totoo lang di naman ako ganun ka showey kay Martin pag kami magkasama siya yung laging naka yakap, naka hawak at naka halik sa akin kaya siguro nasabi niya yun.
"Yaan mo lagi na kita ibe-baby!"
"Talaga!" Masaya niyang sagot.
"Opo.... Baby Damulag! Haha... haha...!"
"Okey lang kahit anong baby yun basta ang importante ako lang yung number one baby mo!"
"Oo naman, ikaw lang ang number one baby!" Sabay dampi ng halik sa labi niya.
Ang ganda ng pagkaka ngiti ng boyfriend ko na parang bata di mo aakalaing mag thirty years old na sa susunod na araw.
"Diretso ka uli dito mamaya Hon?"
"Baka uwi muna ako!"
"Bakit?"
"Bakit din?" Tanong ko rin sa kanya.
"Di pa ko magaling eh, dapat bilang baby mo alagaan mo pa ko!"
"Anong di ka pa magaling eh ang lakas mo na nga magmasahe?"
"Haha...haha... yun nga Hon eh need kong mamasahe yung mga fingers ko para bumalik yung mga reflexes ko lalo pa nga three days akong walang malay di ba?"
"Babalik na yan, dinala ko na yung cellphone at laptop mo!" Sabay tayo kasi naubos na yung dala kong lugaw. Inabot ko narin yung gamot at tubig para maka inom na siya.
"Pero yung dila ko Hon di pa bumabalik yung reflexes!" Sabay labas ng dila niya.
"Hmp... puro ka talaga katarantaduhan!" Di ko talaga mapigilang mabatukan siya.
Nasa ganung sitwasyon na siya yun pa yung iniisip, sa halip na magalit ay natawa siya.
"Haha...haha!"
"Wag ka ng makulit, aalis na ko at malapit na kong ma-late!" Paano hinawakan na yung braso ko para di ako maka alis.
"Di ka dumiretso mamaya ha!" Seryosong sabi niya.
"Uwi muna ako! Tapos balik nalang ako!" Kailangan ko parin kasi magpakita sa magulang ko at saka sabi ni Mama ipagluluto daw niya si Martin kaya kukunin ko din.
"Sigurado?"
"Opo, My Baby!" Sabay kindat sa kanya na labis naman niyang ikinaligaya.