webnovel

Chapter 197

"So pinagdududahan mo yung pag-ibig ko sayo?" Madiin niyang sagot.

"Di naman sa ganun kaya lang kasi di natin alam yung mangyayari sa future o kaya malay natin ako pala ang ma-inlove sa iba mga.....!"

"Screech.....!" Tunog ng gulong ng sasakyan namin dahil sa biglang preno nung sasakyan namin buti nalang naka seat belt ako kundi nauntog na ako marahil.

Nang maka recover ako sa pagkaka alog agad akong tumingin sa harap namin baka kasi may nasagasaan kami or may muntikan kaming mabungo pero laking pagtataka ko wala naman sasakyan sa unahan namin at wala ring tao kaya dahan-dahan akong lumingon sa gawi ni Martin. Doon ko napansin yung muka ni Martin na naka kunot ang noo at halatang pinipigilan ang galit.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Anong sinabi mo?" Gigil na gigil niyang sabi.

"Sinabi ko?" Ulit ko.

"Oo yung sinabi mo!" Galit niyang sabi habang nanlalaki yung singkit niyang mata.

"Hon, bumubusina na yung nasa likod natin." Paalala ko sakanya kasi nasa gitna kami ng kalsada.

Pero di parin siya tuminag di parin niya pinaandar yung sasakyan. Andun na yung sumisigaw na yung ibang tao kasi nga nakaka istorbo na kami at nag cause na ng traffic.

"Hon!" Muli kong tawag pero di parin siya tuminag hanggang sa may kumatok ng traffic enforcement sa may bintana niya.

"May problema ba yung sasakyan niyo Boss? Kailangan niyo ba ng tow?" Tanong ng traffic enforcer nung ibinaba ni Martin yung salamin ayaw pa sana niyang pansinin kaso sige ang katok nung tao.

"Pasensya na Sir pinulikat kasi ako." Paliwanag ni Martin.

"Ah okey po!"

"Salamat!" Sagot ni Martin.

Buti naman kumalma na siya nasabi ko sa sarili ko akala ko talaga bubulyawan niya yung enforcer.

Pagkatapos ng pag-uusap nila agad niyang pinaanar yung kotse akala ko okey na pero laking gulat ko ng bigla siyang magsalita.

"Dahil sa sinabi mo kanina na-realize ko na tama ka nga to prevent yung ganyang issue mas mabuti pang magpakasal na tayo sa soonest the better."

"Hon, di naman yun yung....!" Gusto ko sanang magpaliwanag kasi mukang na mis-enterpret niya yung sinabi ko pero di niya ako hinayaang matapos.

"Sa linggo pupunta kami sa bahay niyo para mamanhikan."

"Hon naman!" Reklamo ko.

"It's final!" Matigas niyang sabi.

"Hon, di pa nga ako fully accepted ng pamilya mo. Hayaan mo muna sanang matanggap nila ako lalo ng Lola mo bago tayo magpakasal." Actually yun talaga yung inaalala ko kaya ayaw kong madaliin yung kasal naming dalawa.

"Di mo yan dapat alalahanin kasi ako naman ang makakasama mo sa buhay at di sila."

"Hon di naman yun pwedi di naman sila basta sino lang mga magulang at grandparents nila mas magiging maayos ang pagsasama natin if tanggap nila yung relasyon natin."

"Isang paraan lang para matanggap ka nila ng buo?"

"Talaga may paraan?" Exited kong tanong.

"Oo meron!"

"Ano yun? Sabihin mo para magawa ko kagad." Exited kong sagot.

"Di mo yun kayang gawin mag-isa dapat dalawa tayong gagawa."

"Talaga?" Takang tanong.

"Oo"

"Eh di gawin na natin para matanggap na ko ng mga magulang mo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman! Kung yun lang ang paraan para makuha natin yung bendesyon nila!" Confidence kong sabi.

"Sige balik tayo sa Pad ko!"

"Bakit tayo babalik sa Pad?" Takang tanong ko.

"Doon natin gagawin yung bagay na gusto nila para matanggap ka." Inosente niyang sagot sa akin.

Bigla akong nagtaka sa sagot niya pero inisip ko baka nga kailangan private para walang maka kita.

"Sa bahay nalang natin gawin." Sagot ko sakanya kasi nga wala naman dun makikielam saamin if ever may gagawin kami na personal.

"Sounds proof ba yung kwarto mo?"

"Huh...?" Singhal ko at puro question mark yung nasa ulo ko pero bigla iyong napawi marahil maingay pag ginawa kaya need soundproof para di maka istorbo kaya muli akong nagsalita.

"Hindi eh, pero pwedi naman ata sa may rooftop kaya kahit mag-ingay tayo di tayo maririnig nila Mama." Solusyon ko.

"Mahirap yung gawin kapag walang kama lalo pa nga at first time mo." Naka ngiti niyang sagot sa akin.

Lalo ako nagtaka sa sinabi niya para di ma process ng utak ko kung anong bagay na dapat naming gawin na magugustuhan ng magulang at grandparents niya na kailangan in private, sound proof and dapat nasa kama.

"Ting" Parang biglang may tumunog sa utak ko at biglang namula yung muka at gritted teeth kong sinabi sa kanya.

"BWISIT KA TALAGA!"

Pero sa halip na magalit siya humalakhak siya ng pakalakaslakas.

"Ngayon mo lang naisip, di ko akalain Hon sa mga ganyang bagay is napaka naive mo."

"So tuwang-tuwa ka kapag nagmumuka akong tanga?" Naasar ko paring sabi.

"Ginantihan lang kita dahil sa sinabi mo kanina akala mo nakalimutan ko yung sinabi mo na may balak ka pang ma-inlove sa ibang lalaki sa future. Subukan mo lang!" Pagbabanta niya sa akin.

"Ikaw naman sinasabi ko lang yung mga posibleng mangyari. Eh ikaw ang alam mo puro kamunduhan!" Singhal ko uli sa kanya.

"Paanong naging kamunduhan yun eh yun naman ang totoo. Tiyak na matatanggap ka nila at wala na silang sasabihin once na may baby na tayo." Seryosong sabi ni Martin.

"So you mean di nila ako matatanggap hanggat di ako nagdadalang tao?" Malungkot kong tanong.

"Hon, Di naman yun ang ibig kong sabihin. Alam ko matatanggap ka rin nila bilang ikaw kaya lang alam mo naman sa ngayon medyo kumplikado pa yung sitwasyon natin lalo pa nga dahil kay Lola pero don't worry kapag kasal naman na tayo wala narin silang magagawa kundi tanggapin ka."

Paninigurado sa akin ni Martin.

"Gusto ko kasi sana matanggap muna nila ako para sayo. Saka paano yun di sila pupunta sa kasal natin?"

"Syempre obligado silang pumunta, kawalan nila yun kapag di sila pumunta sa kasal ng only son nila."

"Paano kapag di sila pumunta?"

"Pupunta sila akong bahala kaya wala ka ng dapat alalahanin." Pag-aasure sa akin ni Martin.

Kumindat pa para pawiin yung lahat ng agam-agam ko sa puso.

Sabagay sabi nga niya siya naman papakasalan ko at di naman yung parents and grandparents niya at malamang naman siguro if ever ikasal na kami bubukod naman kami ng bahay di naman na siguro ako obligadong maki salamuha sa kanila kaya lang mag maganda parin sana na okey ang lahat para buo ang blessing.

Nächstes Kapitel