webnovel

Chapter 180

Di ko na namalayan kung anong oras kami natapos ni Martin pag-usap kagabi kaya ang ending kagigising ko lang. Ang masaklap mag e-eleven na nang tanghali ang dami ko pa naman gagawin.

"Morning Ma!" Bati ko kay Mama na nagluluto ng ulam.

"Tanghali na kaya!" Sagot niya sakin.

"Kaya nga eh, di mo man lang ako ginising."

"Anong di ginising kanina ka pa kaya kinakatok ni Mike, para kang tuod kung maka-tulog!" Di na ko sumagot kay Mama kasi di ko talaga maalala na kumatok si Mike sa kwarto ko. Dumiretso na ko ng banyo para maligo ng ma-refreash naman yung utak ko bago simulan ang trabaho.

Nag-uumpisa na kong maglaba ng tumawag si Martin sa akin.

"Napatawag ka?" Bungad ko sa kanya.

"Na Miss kita!" Sagot naman niya sa akin.

"Muka mo! Halos mag-uumaga na nga tayo magkausap kagabi!" Reklamo ko sa kanya.

"Video call tayo!" Sabi niya sa akin sabay baba di man lang niya hinintay kung okey lang sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi buksan yung data ko para maka connect siya. Sakto naman natapos na yung isinalang ko sa washing machine kaya pinatayo ko phone ko para makausap siya.

"Naglalaba ka?"

"Hindi nagluluto ako!" Sagot ko naman sakanya sabay irap.

"Gusto mo tulungan kita?" Tanong niya sa akin. Buti na lang di niya pinatulan yung pagsusungit ko.

"Tulungan eh parang kagigising mo nga lang!"

"Oo nga eh, mag four na ng madaling araw ako naka uwi." Di naman niya tinanggi yung bintang ko. Paano gulo-gulo pa yung buhok niya at yung mata namamaga pa.

"Kumain ka na?"

"Di pa, nagkakape ako! Pero omorder na ko ng pagkain sa baba di pa lang hinahatid." Sagot niya sakin habang humihigop ng kape.

"Ano yan lunch na sabay meryenda?"

"Oo, hehe... napasarap kasi kwentuhan natin kagabi!"

"Napasarap ka diyan eh ayw mo kong patulugin sobrang kulit mo!" Reklamo ko pero kung iisipin wala naman talagang saysay yung pinag-uusapan namin minsan tungkol sa climate, sa politics, sa news at kung ano-anong anek-anek. Ngayon ko nga lang napagtanto na si Martin pala is aware din sa paligid niya kasi kahit nga yung gesture na pa puso-puso sa pamamagitan ng pagdidkit ng thumb at hintuturo ay alam niya.

"Naka gawa ka na ng itirenary natin?" Tanong niya sa akin habang lumalakad siya papuntang sala.

"Paano ako makakagawa eh halos kagigising ko lang din pinagsabay ko na nga yung breakfast at lunch ko." Nagsasalita ako habang nagpipiga ng damit sa washing.

"Madami kang labahan?"

"Medyo, One week namin itong damit eh!"

"Sabi ko naman sayo kumuha ka na ng taga-laba."

"Sinabi ko rin naman sayo maliit lang ito na bagay saka isa pa may washing naman kaya di naman talaga ako pagod."

"Bili ka nalang nung all in one na washing para sasampay mo na lang at di mo na kailangan pang kusutin at pigaan."

"Magastos yun sa tubig, kuryente at sabon." Tanggi ko uli.

"Ako na magbabayad ng tubig, kuryente pati sabon para di ka na magreklamo sa cost."

"Alam ko madami kang pera pero di naman pwedi lahat ng bagay iiasa ko sayo!"

"Ayaw ko lang naman kasing mapagod ka!" Paliwanag niya sa akin habang ngamamaktol kasi ayaw ko nanaman pagbigyan ang gusto niya.

"Martin pagtatalunan nanaman ba natin ito!" Pagbabanta ko sa kanya habang binuhat ko yung isang timbang damit at muling isinalang sa washing.

"Sanay na sanay ka na talagang maglaba."

"Naman, Ever since college ako, Naka toka na sakin ang paglalaba di ko na hinayaan si Mama na gawin ito!"

"Hayaan mo kapag mag-asawa na tayo di na kita paglalabahin."

"I'm looking forward for that!" Naka ngiti kong sagot sa kanya habang nagpupuno ako ng tubig sa planggana para makapagbanlaw na.

"Hon, gusto mo punta ako diyan tulungan kitang maglaba?"

"Hay naku wag ka ng magulo sa halip na mapaaga ang tapos ko malamang magtatagal pa ko lalo."

"Paanong magtatagal eh tutulungan nga kita!"

"Andiyan na ata yung pagkain mo, Kumain ka na muna at ako ay magbabanlaw na!" Sabi ko sa kanya nung marinig ko yung tunog ng doorbell sa background niya.

"Wait lang kwentuhan pa tayo, Saglit lang wag mong baba!" Pag-papaalam ni Martin sa akin at tuluyan na siyang umalis sa harap ng phone niya habang ipinatong ito sa lamesa. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

'Hon, kain tayo!" Sabi ni Martin habang nilalatag yung pagkain niya sa lamesa at bahagya niyang itinayo yung phone niya para kahit kumakain siya ay nakikita ko parin siya at nakikita rin niya ako.

"Sige na kumain ka na!"

"Anong ulam mo?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Nagprito si Mama ng isda kanina."

"Ako ito porkchop na prito!" Sabay taas pa sa porkchop na tinusok niya sa tinidor.

"Hmmm!" Sagot ko lang sa kanya kasi muli na kong tumayo para kunin yung damit uli sa washing.

"Hon, ako na yung maglalaba nung mga nasa pink na timba! Punta ako diyan kagad pagkatapos kong kumain." Sabi ni Martin kaya agad kong tiningnan yung timba na tinutukoy niya. Naglalaman iyon ng mga puro underware na hiniwalay ko para kuskusin kasi nga masisira kapag winashing.

"Pati panty at Bra ni Mama lalabhan mo?" Painosente kong tanong.

"Kasama ba diyan kay Tita?" Tanong niya at tinugon ko lang iyon ng tango habang naka tingin ako sa itsura niya sa phone. Gusto ko kasing makita yung reaksiyon niya.

"Pwedi bang yung sayo lang?"

"Sabi mo lahat ng andun!" Sabay turo sa timbang pink.

"Akala ko sayo lang 'yun lahat eh! Napaka ackward naman ata kung pati kay Tita ako maglalaba." Paliwang niya habang nagkakamot ng batok.

"Palibhasa pati panty pinagnanasaan mo! Manyak!" Sagot ko sa kanya habang umiiling.

"Lalabhan ko lang naman yung underware mo, Manyak na kagad!"

"Syempre di ka naman mag-oofer na labhan yung kung wala kang motive." Sagot ko sa kanya at muli na kong nagsalang ng damit sa washing.

"Madumi lang talaga isip mo Hon!" Pang-aasar niya sa akin.

"May masama ka lang talagang motibo!" Ganti ko sa kanya.

"Hindi Honey sa isip mo lang talaga iyon."

"Tigilan mo ko basang-basa na kita!"

"Anong nababasa mo? Yung pagmamahal ko sayo?" Exited niyang tanong sa akin.

"Hindi pagmamahal mo ang nababasa ko kundi ang pagnanasa mo!" Sagot ko sa kanya habang inilapit ko pa yung muka ko sa cellphone.

"Haha...haha.... sympre kasama na iyon lalo pa nga at ganyang basa ka na!" Pag-amin naman niya sa akin. Nagyon ko lang nga napansin na basa na pala yung damit kong suot dahil nga naka t-shirt ako ng manipis lang bakat na bakat na yung suot kong Bra at maaninag mo narin yung umbok nito.

"Manyak ka talaga! Kaya pala ayaw mong ibaba ko yung video call at may iba ka palang gustong makita!" Sermon ko sa kanya.

"Haha... nahuli mo ko!"

"Ikaw talaga!" Irap ko sakanya.

Nächstes Kapitel