webnovel

I THINK WE'RE NOT MEANT TO BE

Pagbaba ko living room nadatnan ko roon yung Lola ni Martin na umiinom ng tea kasama si Elena.

Kung di sana nila ako nakita pipiliin ko sanang magiba ng direksyon para hanapin si Martin pero dahil nga nakita na nila ako wala na kong nagawa kung sa kanila na magtanong.

"Ask ko lang po kung nakita niyo si Martin?"

"Kabago-bago niyo pa lang di na kagad nagpaalam sayo si Martin kung saan siya pupunta."

Mataray na sagot ng Lola niya sa akin habang umiinom ng tea.

"Sabi niya po kasi sa akin magbabalat lang siya ng mangga."

"Bakit naglilihi ka na?"

"Hindi po gusto lang sana niyang ipatikim sa akin yung bungga ng mangga niyo diyan sa bakuran."

"So ginagawa mo na palang alipin ang apo ko ngayon."

"Di naman po yun sa ganun." Mahina kong sagot sinusubukan kong wag maging bastos sa mga sagot ko pero mapigilang mapa kuyom yung palad ko sa sobrang asar.

"So anong ibig sabihin ng ginagawa ni Martin para sayo?"

"I know you don't like me for Martin and Elena is your bet. If you think na nakakasagabal ako sa pagbabalikan nilang dalawa okey fine makikipag break na po ako ngayon sa apo niyo so if you don't mind pweding paki sabi sa akin kung nasaan siya?" Nakita ko sa Lola niya yung pagkabigla sa sagot ko sa kanya. Naiinis kasi ako na wala naman akong ginagawa eh lagi niya kong nakikita at para matahimik siya eh di susundin ko na yung gusto niya.

"Elena sabihin mo kung nasaan si Martin." Utos ng Lola ni Martin kay Elena habang ibinagsak yung tasa niya sa center table.

"Umalis siya saglit kasama si Mommy bibili ng buko pie para sa meryenda."

"Ganun ba, sige paki sabi na lang na umalis na ko!" Maiksi kong sagot sabay marcha papalabas.

"Wait!" Sigaw ng Lola ni Martin sa akin kaya huminto ako at nilingon siya para hintayin yung gusto niyang sabihin.

"Sigurado ka bang makikipagbreak ka sa apo ko?"

"Oo, bakit? Feeling niyo di ko kaya? Don't worry di ko po siya kawalan." Mayabang kong sagot at muling lumakas palabas.

"ARROGANT!"

Mahinang sabit ng Lola niya sa akin pero narinig ko parin iyon. Yun lang ang meron ako bakit ko hahayaang pati iyong pagkakait pa nila sa akin. Sabi ko sa sarili ko.

Pumunta ako sa kotse ni Martin panalangin ko lang bukas iyon andun kasi yung bag ko. Kasi kung saado yun wala akong choice kundi hinataying maka balik siya and sad to say naka lock yun.

Kaya no choice ako kundi hintayin siya. May napansin akong swing sa isang puno ng mangga sa di kalayuan kaya pinili ko nalang na dun maghintay kaysa bumalik pa ko sa loob at makita nanaman yung Lola niya.

Tanam na tanaw mula doon sa kinauupuan ko yung isang malawak manggahan, niyogan at saginggan. Napaka ganda ng tanawin, napaka tahimik at napaka sariwa ng hanggin. "Kapag ako yumaman bibili rin ako ng ganito kahit di ganito kalawak ang importante pwedi akong mag-alaga ng mga hayop at makapagtanin ng mga halaman. Gusto ko kasi sa pagtanda ni Mama at Papa sa ganitong environment sila tumira" Naputol ang mag-iisip ko ng may magsalita sa likod ko.

"Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Naka ngiting sabi sa akin ni Martin habang lumalakad papalapit sa akin. Pero di ko na siya hinayaang makalapit at ako na ang kusang bumaba sa swing at lumapit sa direksyon niya.

"Uuwi na ko!" Mahina kong sabi sa kanya nung nasa isang dipa nalang ang layo namin sa isat-isa.

"Bakit? May nangyari ba habang wala ako?" Naka kunot na noong tanong ni Martin sa akin.

"Wala naman, gusto ko lang umuwi na!" Sagot ko sa kanya habang lumakad ako at nilagpasan ko siya.

"Michelle ay problema ba?" Habol niya sa akin habang hinawakan yung kamay ko.

"Wala naman!" Sagot ko habang iwinasiwas ko yung kamay ko para mabitawan niya.

"Walang problema bakit umaarte kang ganyan? Sabihin mo sa akin para maintindihan ko."

Pinigilan na ko ni Martin sa paglalakad. Hawak niya yung dalawa kong braso para mapilitan akong sagutin siya.

"I THINK WE'RE NOT MEANT TO BE!"

"Anong nangyari?" Muli niyang tanong sa akin at di pinansin yung sinabi ko.

"Uwi na ko!" Sagot ko sa kanya at pinilit kong kumawala sa kanya. Dumiretso ako sa kotse at sumandal sa may pintuan nun dahil nga naka lock parin yun. Di ko na siya tiningnan at pinili ko nalang tingnan yung sapatos ko paano namumula na uli yung mata at ayaw kong makita niyang iiyak ako. Pero sa halip na e-unlock niya yung pintuan ng kotse inipit niya ko doon at niyakap. Yun yung position na wala akong kawala.

"Honey please don't do this tell me ano nangyari?" Mahinang tanong niya sa akin na full of sincerity dahil dun di ko na napigilan ang luha ko.

"Huhu...huhu... I hate you!" Sabi ko sa kanya habang hinahampas siy sa dibdib.

"Shhh...shhh ano problema?" Alo niya sa akin habang hinahaplos yung buhok ko.

"Gusto ko ng umuwi!" Matigas kong sabi.

"Nagagalit ka ba kasi umalis akong di nagpaalam? Bigla kasi akong hinila ni Mommy, tinawagan kita sa cellphone mo pero naalala ko na iniwan mo pala iyon dito sa kotse kaya di na ko nakapag-paalam. Iniisip ko saglit lang naman kami wala naman sigurong masamang mangyayari sayo. Kaya sabihin mo sakin ano nangyari ha?" Pero nanatiling tikom yung bibig ko ayaw ko sabihin sa kanya yung insecurity ko sa sarili ko yung pagduda ko sa nararamdaman niya para sa akin at higit sa lahat yung pagkadisgusto ng Lola niya sa relasyon naming dalawa.

Dahil nga sa nanatiling tikom yung bibig ko wala siyang nagawa kundi sundin yung gusto ko. Binuksan niya yung pintuan ng kotse at pinapasok ako.

"Wait lang paalam lang ako sa kanila."

"Hmmm!" Sagot ko habang sumandal sa upuan at ipinikit yung mata ko. Ang sakit ng puso ko para siyang pinipiga kaya ng umalis si Martin para magpaalam muling tumulo ang luha ko. Iniisip ko kung ano bang dapat kong gawin dapat ba makipag break na ko sa kanya para sa ikatatahik ng lahat ayaw ko ng ganitong relasyon.

Nächstes Kapitel