webnovel

I WON

"Michelle may bisita ka!"

Tawag sa akin ni Papa mula sa may hagdan sa second floor. Nasa roof top ako ng bahay namin at nagpapakain ng alaga kong gold fish. May maliit kasi akong pond doon saka apat na pares ng love birds kaya every night umaakya ako dun para bisitahin sila at if ever wala naman ako si Mike yung inuutusan ko para mag alaga sa kanila. May mga halaman din akong namumulaklat at herbal yung lang kasi libangan ko since high school kaya naging tambayan ko yung roof top namin.

Napa tingin ako sa relong nasa kaliwa kong braso alas dyes na ng gabi. "Sino naman kaya ang posible kong bisita sa ganitong oras?" Tanong ko sa sarili ko. Pero bumaba pa rin ako mula sa taas para malaman kung sino ang dumating. Nadatnan ko si Papa nasa paanan ng hagdan at hinihintay ako.

"Sinong bisita tinutukoy mo Pa? Baka naman bwisita yan."

Naka ngiti kong tanong ko kay Papa habang humawak ako sa braso niya at sabay na kaming bumaba sa hagdan.

"Ikaw na lang ang humusga kung bisita or bwisita yung panauhin mo!"

Pang-aasar sa akin ni Papa. Malapit na kami sa first floor ng marinig ko yung boser ni Mama.

"Pasensya ka na hijo sa ulam namin ito na lang kasi ang natira sana pag ramutan mo na lang."

"Okey lang po Tita di naman po ako mapili saka ako nga lang itong pumuntang di man lang nagpasabe pasensiya na po sa istorbo."

"Ano ka ba naman walang kaso yan di ka naman na iba. Sige na kumain ka na! Oh ito na pala si Michelle!"

Announced ni Mama ng makita kami na pababa na at agad niya kong inutusan.

"Michelle asikasuhin mo nga itong boyfriend mo!"

"Anong ginagawa mo rito ng ganitong oras?"

Direkta kong tanong kay Martin nung makalapit ako sa lamesa kung saan siya kumakain.

"Hinatid ko yung mga pasalubong ko sa iyo."

Sabay turo sa mga paper bag na naka patong sa center table namin sa sala.

"Sana bukas mo na lang dinala gabi na ah. Anong oras ka ba dumating galing Singapore?"

"Kadarating ko lang!"

Maikli niyang sagot sa tanong ko habang sumusubo. Naka upo na kami nila Papa at Mama sa dining table habang hinihintay namin siyang matapos kumain.

"Dito ka dumiretso?"

Gulat na gulat ng tanong ni Mama habang pinagsalinan siya ng inuming tubig sa baso at inilapit sa kanya.

"Opo pinili ko ng dumiretso dito sa may Subic kasi nag landing yung eroplano kaya po dumaan na ko dito."

"Sinundo ka ni Mang Kanor? Asan siya?"

Tanong ko habang lumingon ako sa labas wala dung naka park na sasakyan kaya nagtataka ako paano siya nakarating.

"Nag taxi lang siya."

Si Papa ang sumagot sa tanong ko.

"Bakit di ka nagpasundo?"

"Papasundo sana ako kaya lang may sakit si Manong kaya nagtaxi na lang ako dahil mas malapit ka pinili ko na lang dumaan dito saka gutom na ko kaya nakikain na rin ako.

Salamat po Tita ang sarap po ng luto niyo!"

"Naku binola mo pa ako! Oh siya dun na kayo sa sala magkwentuhan. Ako ng magliligpit niyan bitawan mo na."

Pagtataboy ni Mama kay Martin nung makita niyang nililigpit na nito yung kinainan niya. Kaya ako na nagkusang magyaya sa kanya sympre naman kahit papano bisita namin siya.

Pagka upo namin sa sala agad niya ibinigay yung mga pasalubong niya.

"Para po sa inyo Tito , tapos ito po kay Tita. Asan si Mike?"

"Nasa kwarto niya yun malamang ka chat yung niligawan niya."

Sagot ko sa tanong niya at itinabi ko yung para kay Mike.

"Ito para syo!"

Naka ngiting abot niya sa akin ng isang paper bag din. Na agad ko naman ding tinanggap.

"Salamat pero sana di ka na nag-abala nakaka hiya."

"Oo ng hijo sana di ka na nag-abala pero salamat ha!"

Pag sasang ayon ni Papa sa akin.

"Wala pong anu man yun Tito simpleng bagay lang po yan kaya sana tanggapin niyo saka di naman na po ako iba diba?."

Sagot ni Martin sabay hawak sa palad ko na parang nakiki usap na wag ng gawing issue yung pasalubong niya kaya di ko na pinush.

"Hays! Gabi na hatid na kita para maka pagpahinga ka na."

Pagtataboy ko kay Martin.

"Saan mo siya hahatid?"

Tanong ni Mama sa akin ng sumali na uli sa usapan namin.

"Sa labasan, tapos magtaxi na lang siya pauwi sa bahay niya. Wait kunin ko lang susi ng motor."

Patayo na ko para kunin yung susi ng magsalita si Papa.

"Dito mo na patulugin yang boyfriend mo at gabi na saka pagod na yan sa mahabang biyahe kawawa naman kung pababyahiin mo pa."

"Naayos ko na yung higaan dun sa kwarto ni Mike dun mo na siya patulugin. Pagpasensyahan mo na yun Martin di ganun kalambot yung kama ni Mike."

Sagot ni Mama na ikinagulat ko mabilis kong tiningnan si Martin pero kibit balikat lang siya na parang wala siyang alam sa gusto ng magulang ko.

"Salamat po Tito at Tita. Wag niyo po akong alalahanin okey lang po ako. Salamat po uli!"

"Okey lang hijo! Mauna na kami sa inyo at may pasok pa bukas. Magpahinga na rin kayo. Salamat uli dito ha!"

Pagpapa alam ni Papa sa amin at mabilis tumayo bitbit yung pasalubong nila ni Mama.

"Michelle kaw na bahala kay Martin ha! Nagbaba na ko ng tuwalya para makapag hilamos siya nilagay ko na sa CR."

"Okey po Ma!"

"Salamat po Tita... goodnight!"

Nang masiguro kong naka pasok na si Mama at Papa sa kwarto nila. Mabilis kong kinurot si Martin sa tagiliran niya.

"Ito yung plano mo noh?"

"I WON!"

Mayabang na sagot ni Martin sa akin sabay yakap. Napa iling ako di ko akalaing ipagbibili ako ng mga magulang ko. Pero sabagay nasa mukang pagod na nga yung isa at makikita ko yun sa muka niya.

"Ewan ko sayo! Maglinis ka ng katawan mo para maka pag pahinga na at gabi na!"

Itinulak ko siya para bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Agad naman siyang bumitaw at kumuha ng damit sa maliit niyang maleta. Ako naman sinilip ko yung CR namin para sure na malinis baka mamaya may mga di kanais nais ng bagay na nandun. Nang masiguro kong okey naman pinapasok ko na siya. Pero bago siya tuluyang pumasok binigyan niya ko ng isang smack sa labi.

Nächstes Kapitel