"Pagod ka na?" Tanong niya sa akin matapos niyang uminom ng tubig.
"Oo, Kailan ba tayo babalik sa Manila?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik na sa hotel.
"Ayaw mo na ko makasama?" Malungkot niyang tanong sa akin.
"Pakasalanan mo na ko para makasama mo na ko lagi." Pagbibiro ko.
"Sige... tara!" Sabay hila sa akin sa ibang direksyon.
"Hoy... saan mo ko dadalhin!"
"May nakita akong simbahan banda dun eh... pakasal tayo dun."
"Ewan ko sayo!" Sabay hampas sa braso niya.
"Bakit? Nagbago kagad isip mo?" Seryosong tanong niya.
"Pwedi ba Martin, Tigilan mo nga ako. Tara na balik na tayo sa hotel masakit na paa ko." Pagrereklamo ko.
"Sabi mo kanina pakasal na tayo, tapos ngayon ayaw mo na. Ang bilis naman magbago ng isip mo." Pagmamaktol niya.
"Ikaw para kang sira! Alam mo naman nagbibiro lang ako saan ka nakakita ng nagpakasal na dalawang tao na halos ilang araw palang magkakilala. Saka hello... wala ka ngang dalang mga papeles basta ka lang pupunta simbahan at magsasabi dun na papakasal na tayo. Gusto mo kutusan tayo ng Pare dun!" Mahaba kong salaysay sa kanya. Kaya muli ko siyang hinila pabalik sa direksyon ng hotel namin.
"Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo ko pakasalan. Pakakasalan talaga kita."
"Ewan ko sayo!"
"Sige pag-isipan mong mabuti pag gisto mo na sabihin mo sa akin ha!" Mahinahon niyang sabi. Agad ko siyang tiningnan pero di na ko nagsalita para matapos na yung topic tungkol sa pagpapakasal.
Alam ko naman na nagbibiro lang siya dahil imposible talagang pakasalan niya ang isang katulad ko bukod sa di kami magkalevel. Iilang araw palang kami magkakilala di pa namin lubusang kilala ang isat-isa para pumasok sa masalimuot na buhay mag asawa.
Nakabalik kami sa kuwarto namin sa hotel na yun ang iniisip ko. "Pahinga ka muna saglit may aayusin lang ako!" Narinig kong sabi ni Martin at muli siyang lumabas ng hotel room namin.
Agad naman akong pumasok sa higaan ko at iniaayos ko yung mga binili kong pasalubong. Hinubad ko yung suot kong couple shirt na binili ni Martin kanina at nagpalit ako ng kumportableng t-shirt.
Muli akong lumabas dala yung t-shirt ni Martin na hinubad kanina. Paglabas ko nakita ko si Martin nakaupo na sa sala nakapit yung mga mata.
"Bakit di ka matulog muna sa kuwarto mo para makapagpahinga ka ng maayos, kaysa diyan ka sa upuan". Sabi ko kay Martin habang naglalakad ako papunta sa kanya.
Agad naman siyang nagmulat ng mata ng marinig niya kong magsalita.
"Naka impake ka na ba?" Tanong niya sa akin. Sabay upo ng maayos binigyan niya ko ng space sa upuan na agad ko namang inupuan.
"Oo, nakaayos na lahat ng gamit ko. Bakit uwi na tayo?" Balik na tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko siya sa muka.
"Oo, alis tayo mamayang twelve midnight. Mas maganda kasing bumiyahe ng madaling araw para walang traffic." Sabay ngiti sa akin.
"Ah, okey! Ay siya nga pala yung damit mo." Sabay abot sa kanya nung t-shirt niya na agad naman niyang kinuha.
"Dadaan pa ba tayo sa Laoag?" Muling tanong ko habang nakatingin ako sa may bintana.
"Di na siguro, bakit may nakalimutan ka ba dun?"
"Wala naman, di lang ako nakapag paalam kina Sir Ronaldo at Sir Arnold."
"Tawagan no nalang sila. Kahit naman dumaan tayo dun di mo rin sila maabutan kasi mga two o' clock dating natin sa Laoag pag nagkataon. Maliban nalang kung gusto mo palipas muna tayo dun ng isang araw at sa Lunes na tayo bumalik ng Manila."
Nakangiting sabi niya sa akin.
"Wag na! Dumiretso na tayo ng Manila. Wag na tayong dumaan ng Laoag!" Mabilis kong tanggi baka kasi mamaya di na talaga ako makauwi ng Manila nito.
"Haha... Haha...!" Malakas na tawa ni Martin.
"Anong nakakatawa?" Maang tanong ko at muli ko siyang tiningnan.
"Wala...!" Sagot niya sabay tayo sa pagkakaupo. "Tara!" Sabay lahad ng kamay. "Samahan mo ko magligpit ng mga gamit ko.
"Bakit pa kita sasamahan? Mahaba pa naman ang oras ah. Saka kunti lang gamit mo kayang-kaya mo na yun ligpitin. Wag mo na kong idamay!" Sabay tayo at iwas sa kanya. Alam ko naman na may iba pa siyang balak. Mamaya maisama pa ko sa ililigpit niya wag na lang.
Pero bago ako tuluyang makalayo sa kanya agad niya kong hinablot sa baywang sabay hila sa akin papunta sa kuwarto niya.
"Hoy anong ginagawa mo! Bitiwan mo ko Martin!" Pagpupumiglas ko habang sumisigaw. Pero parang balewala yun kay Martin para lang akong unan na binitbit niya papasok sa kuwarto sabay hagis sa akin sa kama.
"MARTIN!" Sigaw ko sa buong pangalan niya.
"YES... HONEY?"
Sagot niya sa akin na parang nang aasar.
"Anong binabalak mo?" Sabay yakap sa dibdib ko habang umuusog ako papunta sa gilid ng kama para makatakas sa kanya kung sakaling may balak talaga siyang masama sa akin.
"Ano bang balak na pinagsasabi mo diyan." Sabay higa din sa tabi ko at yakap sa baywang mo. "Gusto lang kitang makatabi, wala akong balak na masama sayo. Pero kung gusto mo, pwedi din naman!"
"Ewan ko sayo!" Sabay hampas ng unan sa kanya sa muka.
"Haha...haha...! Tawa niya uli. Kaya muli ko siyang hinampas ng unan. Na agad naman niyang inagaw sa akin. Agad naman niya iyong itinakip sa muka naming dalawa at agad niya kong kinabig papalapit sa kanya. Bigla akong nanigas ng dumampi yung labi niya sa labi ko.
"Hmmm... Martin!" Agad ko siyang itinulak pero dahil nga sa pagkakayakap niya sa akin di ako nakawala. Pero nagpatuloy parin ako sa pagpupumiglas.
Samantalang siya patuloy naman sa paghalik sa labi ko. Sa bawat pagpupumiglas ko ganun din ang pagkagat niya sa labi ko.
"Sakit!" Pagrereklamo ko, Sinadya kong maging maarte yung pagrereklamo ko na parang bata. Kasi mukang di umuubra yung pagiging matapang ko. Nung marinig niya yung reklamo ko agad naman siyang tumigil at tinanggal yung unan na nakatakip sa muka namin.
Tiningnan niya yung labi ko na felling ko talaga nangangapal na. Agad niya iyong inihaplos ng hinlalakai niya. Sabay sabi ng "Kaw naman kasi kiss lang ayaw mo pa ko pagbigyan."
"Kung gusto mo ng kiss, sabihin mo! Hindi yung umaarte kang parang rapist."
"RAPIST!"
"Ako... parang rapist tingnan mo nga ako!" Sabay upo sa kama halatang galit siya sa sinabi ko.