webnovel

Young Miki

(Tatagalugin ko na dito yung mga conversation nila)

Third Person's POV...

Nang iniangat ni Aki ang kanyang paningin ay hindi siya makapaniwala sa taglay na kagandahan ng batang babae na nasa harap niya.

Suot ang napaka kapal niyang kimono ay nagmukha siyang sinaunang prinsesa ng japan.

"Ang pangalan mo ay Aki, diba? " mahinhing tanong ng batang babae kay Aki at siya naman niyang pag amin sa pangalan.

Napangiti ang batang si Miki at tumayo at biglang hinila ang batang si Adam papalabas.

"Saan po tayo pupunta Lady Miki?" nagtatakang tanong ni Adam.

"Shhh wag ka maingay tatakas tayo" napatigil sa paglalakad si Adam dahil sa sinabi ng batang babae.

"Lady Miki hindi ko po kayo pwedeng paalisin" Dahil sa sinabi ni Adam ay makikita sa mukha ng ni Miki na nainis siya at hindi na lang niya pinansin ng sinabi ng lalaki at hinila niya ulit ito.

"Maglalakad lang tayo" nakangiting sabi ni Miki.

Nagkataong handa si Miki ngayon kaya walang nakabantay sa harap ng pintuan niya at naka abot silang dalawa ni Adam sa garden at doon na siya binitawan ni Miki at humiga ito sa flower bed.

Napangiti na lang si Adam sa inasal ng batang babae.

'Napakacute naman niya'

Yun na lang ang naisip ni Adam habang tinitingnan ang ginagawa ng prinsesa.

Maya maya ay may narinig silang paparating kaya napahiga na rin si Adam sa flower bed pero hindi niya alam ay nadaganan niya si Miki dahil sa pagmamadali.

Tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Miki at nginitian siya.

"Shh" Yun na lamang ang sinabi ni Miki at nakinig kung sino ang dumating.

"Nahatid mo na ba kay Miki si Aki?" tanong ng isang lalaki na ikinagulat ni Miki. Nagtaka naman si Adam sa ekspresyon na ipinakita ni Miki pero hindi niya na lang muna ito pinansin dahil si Master Furuki at siguradong lagot siya kapag nalaman nitong hinayaan niyang makalabas si Miki.

"Yes master Furuki I'm sure our plan will take place perfectly" Yun na lang ang narinig nila at unti unti nang nawawala ang mga tunog kaya tumayo na si Aki sa pagkakadagan kay Miki at inilahad niya ang kamay para makatayo rin si Miki.

Nang makatayo si Miki ay tiningnan niya ng matagal si Aki dahilan para magtaka ito?

"Bakit po Lady Miki? " May sasabihin sana si Miki pero hindi na lamang niya tinuloy at nginitian na lamang si Aki.

Dumating ang ilang linggo at ganoon pa rin ang ginagawa ni Aki at Miki tumatakas tuwing hapon at nagpapahinga nasanay na si Aki sa ugali ni Miki na masayahin at walang takot hinahayaan niya na lang ito dahil ito ang pinakamamahal na anak ng great master at lahat gusto nito ay kailangang masunod.

Isang araw ay inihanda na si Aki sa una niyang misyon sa organisasyon, ito ay ang patayin ang anak ng lider ng Koizumi Clan.

"Lady Miki ako po muna ang magbabantay sa inyo hanggat nasa misyon si Aki" Pagpapaalam ni Hayate sa prinsesa. Nabalot ng pag aalala si Miki dahil sa sinabi ni Hayate tungkol sa misyon.

'Kung ganon isa na rin siya'

Malungkot na sabi niya sa isip at tumango na lamang kay Hayate.

"Hayate pwede bang dalhan mo ako ng orange juice? " Mahinhing utos niya kay Hayate pero makikita ang pagdadalawang isip sa mukha ni Hayate.

"Lady Miki hindi po ako pwedeng umalis sa tabi niyo dahil baka kung saan na naman po kayo pupunta" Dahil sa sinabi ni Hayate ay unti unting makikita ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Miki.

"Hi... Hindi naman ako aalis eh *hik* nauuhaw lang ako huhu Hayate bilis na" Nang umiyak na si Miki ay nataranta na si Hayate kaya dali dali siya ritong nagpaalam at mabilis na umalis.

Nang umalis na si Hayate ay ngumiti ng nakakaloko si Miki.

"Hehe"

Dali dali siyang lumapit sa pintuan at pagkabukas ay tiningnan niyang mabuti kung may taong nakabantay sa labas at nang makitang may bantay na iniwan si Hayate sa labas ay kinabahan siya at dali daling sinara ang pintuan.

'Hmmp akala niya hindi ako makakaalis ah hehe'

Binuksan niya ang bintana at tumalon  hindi ito gaanong kataas at may damuhan sa likod nito kaya hindi siya nasaktan.

Nang makatayo ay dali dali siyang tumakbo habang nakangiti.

Dire deretso siya hanggang sa kwarto ng papa niya at nang nasa harap na siya ng pintuan ay pinakingan niya muna kung may tao sa loob at nang wala siyang marinig na ingay sa loob ay binuksan niya ito at dumiretso sa lamesa ng ama.

Nakalapag doon ang isang envelope, tiningnan niya ang laman noon at nang makita niya ang laman nito ay tinupi niya kaagad ito at dali daling lumabas sa kwarto ng ama.

Tinanggal niya ang makapal na damit at iniwan lamang ang damit na itinago niya sa ilalim ng makapal na kimono.

Tiningnan niyang mabuti ang paligid at dahan dahang tinungo ang gate. Kahit hindi niya hinahayaang magsanay ng pamilya niya ay kabisado naman niya ang oras kung kailan dumarating ang mga bantay.

Nang makalabas siya sa gate ay duon lamang tumunog ang alarm.

"Hehe tamang tama lang" Iyon na lamang ang sinabi ni Miki sa sarili at dali daling tumakbo sa damuhan at hindi sa daanan mismo.

'Patawarin niyo ko Oka Sama, Otou Sama, Onee Sama kailangan kong iligtas si Ate Akane'.

Nang makalabas na siya sa magubat na parte ay pinag titinginan siya ng mga tao.

"Kyaa Mariko ang cute nung bata oh" Sabi nang isang babae na nakapansin sa kanya.

Hindi na lamang niya pinansin ang mga tingin ng mga tao at pumara ng taxi.

"Sa Shinjuku po" Sabi niya sa driver at agad itong nagpatakbo pero ng tumalikod siya ay nakita niya ang mga itim na kotse ng ama na sumusunod sa kanya.

'Nakakainis talaga si Papa pero hindi na rin masama'

"Kuya hinahabol na po ako ng mga kidnappers pakibilisan po! " Natatarantang arte niya dahilan para kabahan ang driver.

Binilisan ng driver ang pagmamaneho pero hindi pa rin niya matakasan ang mga sumusunod.

Ano nga ba ang laban ng isang normal na driver sa isang propesyonal na driver ng mga Assassin.

Habang kinakabahan na ang driver ay ngumiti si Miki.

A suivre....

Nächstes Kapitel