webnovel

Missing and betrayal

Heidi's Pov...

Kakaiba ang pakiramdam ko parang nasa isa akong van pero imposible kasi alam kong nasa kwarto ako, siguro nananaginip lang ako.

Pagkamulat ng mata ko ay doon ko napagtantong nasa isa nga akong van at may mga lalaking hindi ko kilala ang nasa loob.

Bigla akong nagpanic at napatingin sila sa akin.

At biglang may kinuha yung isa sa jacket niya.

"Young master gising na po siya ano pong gagawin namin? " tanong niya sa kausap sa telepono.

"Si... sino kayo, palabasin niyo ko waa! Tulong! " Sigaw ko pero parang wala sa kanila ang nakikinig.

"Don't do anything that will lead you to death my lady" saad ng isa sa sa dalawang lalaki sa harapan na ikinagulat ko kung sino.

"I... ikaw si... "

******************

Gian's Pov...

Kanina pa kakaiba ang hangin dito sa templo at alam kong ang dahilan nito ay ang pagkawala ni lady Miki. Hindi ko mawari kung anong iniisip ngayon ni Adam, hindi niya pinakikitang sobrang apektado siya sa pagkawala ni Kerei.

Nangyari na ito sa kanya noon noong unang mawala si Kerei pero di tulad noon dahil mahahalata ang takot at pagkataranta niya noon.

Siguro ayaw niyang mangyari ulit ang nangyari noon.

"Gian call Hyphens and Delos Santos I'm giving you three a very special mission." Tumango na lang ako at pinuntahan yung dalawa.

Habang naghahanap sa kanila ay nakita ko si Amasona may kausap sa telepono.

"Na... naiintindihan ko, masusunod lahat ayon sa pinaplano pangako ko iyan, salamat."

Pagkatapos ng pag uusap niya ay naging kakaiba ang kilos niya at napapatingin sa paligid.

Isa lang ang mahihinuha ko, kakaiba ang kinikilos ng isang 'to.

"Amasona anong ginagawa mo diyan?" Walang gana kong tanong na ikinagulat niya.

"Gi... Gian ka... kanina ka pa ba diyan?" Kabado niyang tanong na nakapagpahinala sa akin.

"Gian, Cass! Anong ginagawa niyo?" Biglang sabat ni dugo na biglang sumulpot.

"Wa... wala naman Ranzel may iuutos ata si Adam sensei eh. Diba Gian" Kabado pa rin niyang sagot.

"Oo may ipapagawa daw siya sa ating mahalaga." Sabi ko na lang para hindi niya mahalatang naghihinala na ako sa kanya.

Habang naglalakad kami ay kakaiba pa rin ang kilos na pinapakita ni Amasona siguro dahil akala niya ay napakinggan ko yung pag uusap nila nung nasa telepono kanina. Oo narinig ko pero hindi lahat pero ano ba yung pinag uuaapan nila at anong plano?

Pagkadating namin sa harap ng kwarto ni Adam ay binuksan ko kaagad ito pero wala kaming nakitang Adam aa loob.

"Gian nasaan na si sensei akala ko ba." Natigil ang pagtatanong ni amasona ng biglang pumasok si Adam at sinara ang pinto.

"Sensei anong misyon ang ipapagawa niyo sa amin?" Seryosong tanong ni Dugo.

"We found the Rin clans hideout and I want the three of you to capture and kill Kamio Rin tonight" Nang sinabi ni Adam ang mission ay nag iba ang mukha ni Amasona, parang nagulat at natakot.

"Ayos ka lang Cass?" Nag aalalang tanong ni Dugo.

"O... oo naman bakit hindi?" Hindi na lang sumagot ulit si dugo at napansin ko rin ang itsura ni Adam.

Galit at puno ng pagdududa ang tingin niya kay amasona.

Dahil pati ako ay kinalilibutan na sa tingin ng pinsan ko ay hinila ko na ang dalawa palabas.

....

"Gian bakit parang galit si Sensei kay Cass?" Nagkibit balikat lang ako dahil ayokong pati malapit na kaibigan niya ay pagdudahan siya.

"Nakakainis kayo, may alam ka eh halata sa itsura mo" napatigin sa akin si Amasona at mukhang takot.

"Wala akong alam, ganon talaga siya ngayon dahil nawawala si Kerei" mukhang nawala ang pagdududa sa akin ni dugo dahil sa sinagot ko.

Ayoko ngang maluto sa mga tanong ng isang 'to.

....

Kanina pa ako nakatingin kay Amasona dahil kanina pa siya wala sa sarili sa biyahe, sigurado akong may kinalaman iyon sa mga Rin.

"Cass ayos ka lang ba talaga? Ok lang iyan magiging maayos din ang lahat." Pagpapagaan ng loob ni Dugo kay amasona.

"Andito na tayo." Napatigil kami sa mga iniisip namin dahil sa sinabi ni Karin na tinigil pala ang sasakyan sa harap ng isang mataas na building, pero nasa likod kami nito. Napatingin ako uli kay Amasona at nakahawak na siya sa mga braso niya habang nakayuko.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Karin at may binulong na hindi ko kinayang paniwalaan.

Bago mag umpisang lumabas ay sinuot namin ang mga kagamitan namin pati na rin ang mga panakip sa mukha.

Mabilis kaming nakapasok dahil hindi masyadong binabantayan ang likod ng gusali, Pero...

*bang bang bang*

Mabilis naming nailagan ang mga balang pinatatama sa amin at habang umiilag ay palapit kami sa kanila hanggang sa pwede na namin silang atakihin at patayin.

Tsh, mga baliw akala naman nila mananalo sila. Napatigil ako at napatingin sa kanila Dugo at madaling nagtago sa likod ng isang pader.

"Nandito nanggaling yung mga putok" Sabi ng isa sa Rin clan.

Unti-unti ko nang naririnig ang mga yabag nila, napakarami.

Bago pa makalapit sa amin yung naunang lalaki ay hinila ko siya kaagad at binali ang leeg.

Dumiretso na ako sa direksiyon ng mga kalaban at kasabay ko sila Dugo.

"Ayon sila." Sigaw pa ng isa at madali kong inilabas ang katana ko at iwinasiwas ko sa kanila. "Ang galing mo talaga Gian haha ang dami na kaagad dugo" Nakangiting sabi ni dugo.

"Magbabayad kayo!" Sigaw pa nung isang katabi niya habang yung iba ay masama ang tingin sa amin habang nakatapat ang baril.

Pinutok nung isa ang baril pero pinansalag ko ang aking katana kaya hindi ito tumama at habang natulala siya sa ginawa ko ay iwinasiwas ko na ito sa kanya.

Napatingin ako kay dugo at ayan na naman ang kakaiba niyang ngiti. Mag uumpisa na naman ang babaeng ito.

"Hahahaha dugo, kayo bakit di pa kayo patay hahaha" Biglang natakot ang mga lalaki at napatakbo qqaang isa pero hindi ko iyon hinayaan at tinapunan ko siya sa ulo ng kunai.

*Ahh! *

Mukhang nagsisimula na si dugo.

"Sige mamatay kayo! hahahaha" Masaya niyang sigaw at sa isang iglap ubos na niya lahat ng lalaki.

Nang matapos na namin lahat ng lalaki ay hinanap namin kung nasaan si Kamio Rin at sigurado akong nandoon siya sa lugar na iyon.

Kung nasaan si Amasona.

"Teka Gian alam mo ba kung nasaan si Kamio? Tsaka nasaan na si Cass?" Naawa ako para kay dugo.

Nang tumigil ako biglaan ay nagkatinginan kami ni Dugo at sabay na napatingin sa pintuan na nasa harap namin. Nasaloob ang presensiya ni Amasona at meron pang isang tao sa loob.

Pagkabukas ng pinto ay napatingin sa amin ang dalawang nasa loob.

"Cass bakit ka nawala nag alala ako sa iyo" bungad ni dugo kay amasona kasabay ng yakap at tsaka napatingin sa lalaking nasa harap.

"Ka... Kamio Rin" biglang naglabas ng kunai si Dugo para tamaan si Kamio Rin pero...

"Ba... bakit Ca... Cass." Madali kong nilapitan si Dugo na nasasaksak ng katana sa tiyan.

"Patawad pero sa simula palang hindi ako isa sa inyo"

Malamig na tingin niya sa aming dalawa.

"Mukhang nilalabas mo na ang tunay mong katuhan... Kanari Rin" Sabi ko ng may ngiti sa aking labi...

A Suivre...

Nächstes Kapitel