Pagdating ni Janine sa Hospital, siya namang pagpasok ng mga pulis. Lumapit kaagad siya kay Brent
Janine- May I talk to you Brent?
Brent- Hindi ba makakapaghintay yang sasabihin, you see Janine I'm busy looking for my babies.
Biglang natahimik ang buong paligid sa biglang inasal ni Brent sa Ex.
Brent- I'm sorry, I am just tired.- paliwanag niya sa lahat. What is it?
Janine- Alam ko kung nasaan ang kambal, They'd taken to St. Jude Orphanage para ipaampon.
Pulis- Maam, pwede po bang kami na lang po muna ang kausapin nyo tungkol jan? Saan nyo po ba nakuha ang impormasyon na yan?
Janine- Hindi na importante kung saan, basta kailangan na nating putahan ang mga pamangkin ko para mabawi natin sila at malaman natin kung sino ang taong kumuha sa kanila.
Nagpaalam na si Brent kay Dra. Legazpi at iniwan kay Charlotte ang pangangalaga sa asawa at binilin na huwag na huwag babanggitin kung saan sila pupunta. Nagpaiwan din naman ang Parents ni Janine para sumulyap sa Anak at uuwi daw muna sila para sa business meeting na gaganapin sa Condo nila.
Pulis- Sir, Mauna na po kami doon. sabi niya kay Brent na pasakay na ng kotse.
Brent- Okay susunod kami.
Tinawagan muna ni Brent and Daddy niya para ipaalam na doon sila papunta at sabay sila ni Janine sa kotse na sumunod sa mga pulis.
Janine- I'm sorry Brent, it's my fault. Sana mapatawad mo ako.
Brent- Hindi mo kasalanan, Dapat pa nga magpasalamat ako sayo dahil binigyan mo kami ng impormasyon. Paano mo nga pala nalaman?
Janine- Ayaw ko sanang sabihin to pero si Danica ang may kagagawan ng lahat. She want you to suffer dahil ikaw daw ang may kasalanan kung bakit namatay ang Mommy niya.
Brent- I don't think Danica will do this, Iba ang pagkakakilala ko sa kanya.
Janine- at meron siyang kasabwat. Hindi ko lang sigurado kung iisa sila ng nasa isip ko. It's Niel.
Brent- Niel?? Yung bestfriend ni Jenna?
Janine- Pati ako naguguluhan din. Basta sigurado akong siya ang magdadala sa kambal doon sa ampunan.
Brent- Hayop siya! Sinasabi ko na nga bang may masamang plano ang gagong yun.
Janine- Kung alam ko lang sana ng mas maaga na kapatid ko si Jen, Hindi na sana nangyari lahat ng 'to. Nagkaroon kasi si Danica ng idea because of me.
Brent- Anong ibig mong sabihing magkapatid kayo?
Janine- Saka ko na sasabihin sa'yo ang lahat. Ang importante ngayon makuha natin ang mga pamangkin ko.
SA HOSPITAL
Nagising si Jenna at nagtataka nang mapagtantong walang tao doon. Tinanggal niya ang oxygen sa bibig at bumangon ng dahan-dahan. Pinindot niya ang buzzer ang taas ng mesa at ilang sandali lang dumating na ang Nurse na si Charlotte.
Charlotte- Naku Ms. Jenna, gising na po pala kayo. Kumusta po pakiramdam ninyo? Gusto nyo po tubig?
Jenna- Yes, please. Anyway nasaan sila? Kumusta ang mga anak ko?
Charlotte- Ahh. Si Dr. Reign, may kukunin lang daw sa bahay nyo. Okay lang po ang mga baby ninyo. Nailabas na po sila sa Encubator kahapon kaya lang hindi pa po sila pwedeng mailabas ehh.- pagsisinungaling ni Charlotte
Biglang pumasok si Danica at bumati kay Jenna.
Danica- Hi, Jenna how are you feeling?
Jenna- Much better ate.
Danica- Pwede bang maiwan mo muna kami Nurse?
Charlotte- Sige po mam.-iniabot ang tubig kay jenna. Maiwan ko muna kayo.
Pagkaalis ni Charlotte. Biglang tumahimik ang paligid.
Danica- Jen, bilang ate mo, ayaw ko sanang sabihin to since kagagaling mo lang sa sakit, pero ayaw ko sanang pagsisihan to sa huli.
Jenna- Ano po bang ibig nyong sabihin? Hindi ko po kayo maintindihan.
Danica- Hawak ko ngayon ang Annulment papers nyo ni Brent. He filed it yesterday and instructed his lawyer to gave it to you na ako na ang nagkusa dahil ayaw kong biglain ka. Pirma mo na lang ang kulang at magiging Okay na ang lahat sa kanila ni Janine. Tutal naman daw dahil lang sa sakit mo kaya kayo nagpakasal.
Jenna- Hndi makapaniwala si Jenna na sinabi pala ng asawa kay Danica ang sekreto niya. Baka nagkakamali ka lang ate. HIndi ako iiwan ni Brent, nangako siya sa akin.
Danica- Nabigla nga rin ako ng marinig ko sila ni Janine na nag-uusap. Paalis na sila ngayon kasama ang kambal nyo. Nagsisinungaling ang nurse kanina dahil yun ang binilin sa kanya ni Brent.
Jenna- Bakit mo to ginagawa ate. Magkapatid kayo, Bakit mo siya sinisiraan sa akin.
Danica- Dahil pareho tayong babae, alam ko ang mararamdaman kung sakali. At hindi ko siya sinisiraan, totoo ang sinasabi ko, kahit tingnan mo pa ang mga litratong ito. Ikaw na ang maghuhusga. Iiwan ko na sa'yo pati itong papeles. Paalam Jenna. I hope you will be fine.
Umalis na si Danica sa kwarto. Naiwang luhaan si Jenna. Hindi siya makapaniwala sa mga litrato. Inaalalayan ni Brent si Janine habang pasakay ng kotse nito. At nang tingnan niya ang mga papeles may pirma na ni Brent at nakasaad doon na hahatian parin siya ni Brent ng naging conjugal property nila sa kadahilanang siya ang ina ng mga anak nito. Ito na ba ang gustong ipahiwatig ng mga panaginip niya.
- ST. JUDE ORPHANAGE-
Pababa na sila Brent sa kotse nang makitang may isang lalaking papasok sa gate ng ampunan at may tulak-tulak na cart.
Pulis- Sir, papsukin na po namin.
Brent- Sandali, ako muna. Pag aabot ng limang minuto at Hindi pa ako nakakalabas bitbit ang mga anak ko, doon na kayo pumasok.
Pulis- Sige po sir.
Janine- Brent, sama ako.
Brent- No, baka may dalang baril si Niel. AYaw kong madamay ka JAnine. Just stay here.
Walang nagawa si Janine kundi maiwan sa kotse. Pumasok na si Brent at dahan-dahang sinundan ang lalaki. Nang malapit na siya ay agad niya itong sinunggaban nang suntok. Hindi nakaiwas ang lalaki at bumulagta sa sahig.
Brent- nang masiguradong si Niel nga lalaki. Hayop ka! Sinasabi ko na nga bang may masama kang binabalak. palapit sa lalaki at sinuntok na naman.
Pagkalipas ng limang minutong pagpapalitan nila nang suntok pumasok na ang mga pulis. Pareho silang hingal na hingal.
Mga pulis to, taas ang kamay.
Itinaas naman ni Niel ang mga kamay at nilapitan na siya ng mga pulis. Lumapit naman si Janine at tiningnan ang mga kambal na himbing na himbing ang tulog. Nagring naman ang telepono ni Brent..
Brent- Hello?
Sir, nawawala mo si Ms. Jenna- sabi ng nasa kabilang linya.
Anong ibig mong sabihing nawawala? - sagot ni Brent
Magkausap lang po sila kanina ni Ms. Danica at pagbalik ko wala na po siya.
Shit!.
Binaba na ni Brent ang telepono at sinulyapan ng kambal. at hinalikan ang mga noo.
Brent- Sa mga pulis ka na lang sumama Janine. Ikaw na muna bahala sa mga anak ko. Jenna is missing.
Janine- What? Paanong-
Brent- Hindi ko din alam. Please take care of them. Kayo na po muna bahala sa kanila- puna ni Brent sa isang pulis.
I do need your rate or powerstone vote please. Just happy to share my nawiwindang na utak here. Idaan na lang sa istorya ang lahat