webnovel

Chapter 48

Chapter 48

Ms. Louise Mariano ~

Mabilis ang ginawa kong pagbalik sa kinaroroonan ng ogre na iyon. Napailing na lang ako ng maalala kong itinuro ko sa kanila ang pakikipaglaban sa isang ito. Tss.

Nang makalapit ako sa kinaroroonan nya, saka ko ginawa ang pinakamabisang paraan upang matalo ang mga ito. Muli kong ipinikit ang mga mata ko upang ipunin ang lahat ng enerhiyang pakalat – kalat sa paligid. Ramdam ko rin na nakita na nila ang presensya ko kasama na ang iba sa mga halimaw na nasa paligid namin. Kaunti pa, kaunting – kaunti pa!

" Die! "

Bago pa sa akin maihampas ng halimaw na iyon ang kanyang malaking sandata ay saka ako umatake papailalim sa kanilang lahat.

" Disintegration! "

Napangiti na lang ako ng makitang kalahati ng populasyon ng mga halimaw na nasa ibaba ang kusang naging abo, maging ang Ogre King na nakalaban ng mga bata kanina.

What a day.

Air Maverick Delos Santos ~

Howling ~

Malakas akong umungol sa kinatatayuan ko habang nasa gilid ko si Allyson. Kailangan naming makuha ang atensyon ng ibang halimaw upang hindi matambakan ang iba.

" A werewolf! What a day? "

Malakas na sinangga ni Allyson ang malalaking pangil ng isang Orthros gamit ang mga bato sa lupa. Hindi naman kami magiging dehado, after all, she's a mass manipulator. Mabilis nyang nahawakan ang isa sa mga pangil ng halimaw dahilan upang maisakatuparan namin ang isa sa aming mga balak.

" Minimize! "

Pag – atake nya dahilan upang lumiit ng napakaliit ang halimaw. Hindi na rin naman sya nag – aksaya pa ng panahon upang patayin ito. The Orthros King is gone. What a day?

Third Person's Point of View ~

Lalo pang dumarami ang mga halimaw kahit na patuloy itong nababawasan. Kaunti na lang rin ang kalaban nila lalo na sa mga namumuno. Kalaban ngayon ni Bryan at ni Lyra ang Satyr King na nagngangalang Nick – he has the ability to control fire as what he said that he is a pyrokinesis user.

" Hanggang buga ka na lang ba ng apoy? Why don't you burn yourself with your own fire ng malaman natin kung hanggang saan ang kaya mong ilaban! "

Nanunuyang sabi ni Bryan dito. Kailangan nya lang itong aliwin upang maisagawa ni Lyra ang kanyang plano dito. She's an ability absorber kaya madali lang sa kanyang pumatay ng mga katulad nito, lalo na at kalaban nila ang kaharap nila ngayon.

" Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang mo, bata! "

Biglang naglaho ang apoy nito sa bibig dahilan upang sumugod ng mabilis si Lyra, yun nga lang at hindi nya napaghandaan ang gagawing Body Fire ng kalaban. Napasama sya dahil dito.

" Ahhhh! "

Sigaw nya, ng dahan – dahan nyang maramdaman ang nasusunog nyang balat ngunit ng di kalaunan ay nawala rin ang apoy at kusang natuyo ang katawan ng halimaw.

" What a jerk? "

Huling sabi ng dalaga bago mawalan ng malay sa mga kamay ni Bryan.

***

Nagsama – sama sa iisang direksyon at kinatatayuan ang lima sa mga malalakas na halimaw sa Hell Society – the Pixie Queen which is Bianca, the Valkyrie Queen which is Lyka, the Siren Queen which is Aira, the Gorgon Queen which is Colleen and the Mother of all the Creatures – Aivie.

" We are the five strongest creature from the Hell Society. At hindi namin hahayaang saktan nyo ang Hell Prince! "

Nagbabaga ang mga mata ng Pixe Queen na si Bianca. Kaharap nya ang iba sa mga kasamahan ni Axel. Nandoon na rin sina Mr. Coreen Witchton, Ms. Olivia Cameroon, Mr. Black Alvey at si Ms. Sharon Generoso. Wala doon si Axel dahil kasama nito sina Riley at Avin na tulong na nakikipaglaban kay Ax.

" Let's see then! "

Malamig na pahayag ni Ms. Olivia – she has the ability to generate heat. Bigla na lang napaluhod ang lima dahil sa sakit na iniinda sa dibdib, kasunod nila ang halos lahat ng halimaw sa bawat panig ng buong silid na iyon.

" A – anong gi – gina – gawa mo sa – sa amin? "

Nahihirapang sabi ni Aira sa guro. Ngumiti naman ito sa kanya at pagkatapos ay nagsalita.

" Killing you! "

Walang emosyon ang mababanaag sa mukha nito. Tanging nakakatakot na enerhiya lang ang mararamdaman mo kung kaya't wala nang nagawa pa ang mga ito ng bigla na lang sumabog ang mga halimaw di kalayuan sa kanila. That is the power of Ms. Olivia's heat.

" No! "

Hindi makapaniwalang sabi ni Aivee habang unti – unting tumatayo.

" Why don't we melt you? I think it's better than making you explode! "

Saad ni Ms. Sharon sa dalaga ng hindi man lang tumitingin sa direksyon nito. Nagulat at napasinghap pa ang lahat ng kusang malusaw ang halimaw at namatay kasunod ang apat pa.

" All we need now is the guarantee of Axel's win over Ax! "

Ani Mr. Black at muling nawala sa hangin katulad na lang ng pagsulpot nya sa harap ng mga bata.

Axel Valerie De Guzman ~

" Ax! Ano ba? Gumising ka nga! "

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko matapos namin syang itali gamit ang sacred rope na bigay ni Avin sa akin kanina. Hindi na rin magkamayaw ang mga luha ko sa pagkawala nito sa mga mata ko!

" Ax! Please! "

Pagmamakaawa ko pa. Nahinto lang ako ng dumilat ang isa sa mga mata nito, ngunit katulad ng nauna – kulay itim pa rin ang mga mata nito.

" Ax! Gum – "

Nahinto ako sa dapat na sasabihin ko. Dahan – dahan pa akong tumingin sa mga kukong bumaon sa likuran ko na tumagos sa dibdib ko. Nadagdagan pa iyon ng makita kong ngumiti sa akin si Ax ng nakakakilabot habang nakabaon ang kanyang espada sa tyan ko.

" Axel! "

Hindi na ako lumingon pa dahil kilala ko ang mga boses na tumawag sa pangalan ko. Maging si Sir Franco ay naririnig ko, ngunit bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang namamanhid na ang bawat laman na meron ako sa loob ng katawan ko? Bakit hindi ko na maigalaw ng maayos ang kamay ko? Bakit?

Dahan – dahan kong hinawakan ang mukha ng taong nasa harapan ko. Napangiti na lang ako ng kusang mawala ang kulay itim sa kanyang mga mata. I won.

" Ackk! "

Pagdaing ko dahil sa lalong pagbaon ng kanyang espada. Doon ko na lang nalaman na pati pala ang taong nasa likuran ko ay nasaksak nya. Ginamit nya lang ang pagkakataon upang matamaan ito. Kaya pala.

" Heaven's Punishment! "

Hinayaan ko na lang ang sarili kong mawalan ng malay sa gitna ng laban. After all, I will die eventually. At least, I save them, I save him. Hindi masasayang ang pagkawala ko sa maraming buhay na naligtas ko. A useless being like me is destined to die weakly and helplessly.

End of Chapter 48

“If you can't go back to your mother's womb, you'd better learn to be a good fighter.”

― Anchee Min, Red Azalea

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts
Nächstes Kapitel