webnovel

The New Dimension: Earth

"Gising na kayo! Dapat maaga tayong umalis para makarating tayo agad sa hide-out." saad ni Casimir na agad naman binatokan ni Carlisle dahil siya pala ang huling nagising.

"Kanina pa kami gising, ikaw lang tong ang tagal bumangon Mir." sabi ni Cloyce.

"Akala ko pa naman tulog pa kayo siguro nananaginip lang ako nun. Hahaha"

Naghanda na sila para maagang makaalis sa Claristun at ng maibigay agad ang bulaklak kay Charice. Habang naglalakad ay nilapitan ni Chayanne si Christopher at kinurot.

"Aray! para san yan?"

"Hindi kita tatantanan ng kakakurot kung hindi mo sabihin sakin ang totoo."

"Anong totoo?" pa-inosente nitong tanong.

"Ay huwag mo akong dalhin sa patanong-tanong na yan. Bakit bigla kang hindi makontak kagabi nung nawala si Carlisle?"

"Yun ba? Bigla ka nalang nawala."

"Anong nawala eh ikaw tong nawala tapos si Carlisle nagtatago na pala."

"Bakit mo pa ako tinatanong eh nagustuhan mo naman yung halik niya di ba?" panunukso ni Chris.

"Wag ka nga! Ikaw ha kakontsaba ka rin ano?" pinandilatan niya ito at mas kinurot pa.

"Siya nakaisip nun, sumabay lang ako." halatang nasasaktan na sa kurot si Chris. Inalis ni Chayanne ang pagkakakurot niya sa tagiliran nito.

"Sabi na nga eh."

"Pero hindi mo ba nagustuhan?" namula bigla ang pisngi ni Chayanne sa biglaang pagtatanong ni Chris patungkol doon. Yumuko lamang siya at umiwas ng tingin saktong napatingin naman si Carlisle sa gawi niya at nagkasalubong ang mga mata nila. Mas lalo pa itong namula at pinagtawanan naman siya ni Christopher. Ang iba sa kanila ay panay kwentuhan sa mga nangyari at kung ano ang kahihinatnan nila. Ang namuo lang sa isipan nila sa mga oras na iyon ay ang maihatid kaagad ang bulaklak para gumaling si Charice. Biglang sumagi sa isipan ni Carlie ang tungkol sa umatake sa kanilang si Charlemagne. Ito ang naging paksa ng usapan nila.

"Siya nga pala. Paano yung si Charlemagne? Di ba nasa hide-out yun? Baka may ginawa na naman yun." saad ni Carlie.

"Siguro tulog pa yun hanggang ngayon, sa dami ng sugat na natamo niya hindi agad yun makakabangon." saad naman ni Carlisle.

"Tingin ko naman nilamon lang yun ng kapangyarihan niya kaya naging masama. Lalo pa't kontrolado niya ang mga taga-roon." saad naman ni Chayanne.

"Maalala ko nga pala, di ba may taga-Claristun kang inutusan para ipaalam ang nangyayari ng mga oras na yun? Andun pa kaya yun sa hide-out?" tanong naman ni Christopher.

"Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa kanya. Pinukpok ko pa naman ang ulo nun ng umatake siya sakin." pahayag ni Carlie. Nang maalala ang lalaking tinulungan ay muli niyang inaninag ang mukha nito kaso dahil din sa madilim ang parte ng gubat na yun ay hindi niya nakita ang mukha nito.

Hindi na nila naalintana ang layo ng kanilang nilakad dahil panay kwentuhan sila. Ilang oras na paglalakad at ilang minutong pagpapahinga ay narating din nila ang hide-out. Sinalubong sila ng kasamahang nakatokang mag-ikot sa paligid na si Vladimar. Laking tuwa nito ng makita ang bulaklak na kailangan nila para matanggal ang lason sa katawan ni Charice. Pagkadating ay agad nilang pinuntahan si Charice na sobrang putla na ng balat at hinang-hina na ito. Inilapag naman ni Cryptic ang batong kinatatayuan ng bulaklak sa harapan nito. Pinuntahan naman ni Ciara ang kakambal na si Cornelia na nagpapahinga sa mga oras na iyon. Tinanggal ni Cryptic ang healing bud at tsaka piniga ang katas nito para ipa-inom kay Charice. Naka dalawang patak lang ang katas ng bulaklak pero kahit ganoon lang ay agad naman itong umpekto kay Charice. Bumalik ang sigla sa mukha nito at hindi na ito maputla. Laking pasasalamat niya sa lahat ng mga tumulong na mahanap ang bulaklak.

"Maraming salamat sa inyong lahat, kung hindi dahil sa inyo malamang tuluyan na akong nalason." aniya ni Charice.

"Hindi mo naman kailangang magpasalamat, responsibilidad natin ang buhay ng isa't isa." saad naman ni Carlisle.

Niyakap ng mahigpit ni Cassiel si Charice at ganun din ang iba. Pinuntahan nina Carlisle si Charlemagne na kasalukuyang nagpapahinga dahil hindi pa nanunumbalik ang lakas nito. Kahit na naging kalaban nila ito ay inalam pa rin nila ang kalagayan nito.

"Hayaan muna natin siyang makapagpahinga ng maayos bago natin siya kausapin." saad ni Cyrus. Kinalabit ni Charlene si Cyrus para kausapin ito.

"Pwedeng dito lang muna ako, iba kasi ang pakiramdam ko sa tuwing titignan ko siya. Para bang matagal ko na siyang hinahanap." saad ni Charlene sa isipan nito ngunit kahit anong pilit ni Cyrus ay hindi na niya magawang marinig ang sinasabi ng isipan nito. Sa di malamang kadahilanan ay si Christopher ang nagpasa ng mensahe ni Charlene.

"Gusto ni Charlene magpaiwan muna dito kung pwede lang daw." aniya ni Christopher. Napatingin naman ang lahat sa kanya dahil ang alam nila ay si Cyrus ang nakakarinig sa sinasabi ni Charlene ngunit sa pagkakataong ito ay si Christopher na mismo ang nakarinig.

"Kung yan ang gusto mo Charlene okay lang naman." saad ni Carlisle. Umalis na silang lahat at nagsipunta sa meeting hall para talakayin ang nangyari at upang magpakilala na rin ng pormal sa isa't isa. Sa silid na kinaroroonan ni Charlemagne ay nagpaiwan si Charlene, nilapitan niya ang nakahigang si Charle at tinitigan ang mukha nito. Kumuha siya ng pamunas at tubig at nilinisan ang mukha nito, ng sumayad ang kamay niya sa noo nito biglang lumiwanag ang kanyang marka sa batok at ganun na rin ang markang naka-ukit sa noo ni Charlemagne. Ibinuka ni Charlemagne ang mga mata nito at bumalik ang dating lakas nito pero sa pagkakataong ito ang balanse sa pagitan nilang dalawa ni Charlene ay naibalik na rin.

"Charlemagne." sambit ni Charlene sa pangalan ng kakambal niya at ang unang salitang nasabi niya sa unang pagkakataon.

"Charlene, ikaw si Charlene ang aking kakambal." naalala ni Charlemagne ang pagkakaugnay nilang dalawa. Sabay silang lumabas ng silid at nagpunta sa iba pang kasamahan.

Naalarma ang ibang kasamahan dahil sa biglaang pagbangon ni Charlemagne na ang akala nila ay matagal pa bago ito makabangon.

"Sandali, hindi na natin siya kalaban." saad ni Charlene. Nabigla naman sila dahil nakakapag-salita na ito. Ipinakita niya ang marka sa batok niya at ipinakita din ni Charlemagne ang marka niya sa noo. Magkapareho ang mga ito.

"Ibig sabihin kagaya namin ay magkakambal din kayong dalawa?" tanong ni Cyrus.

"Tama ka, dahil nagkasama na kami ulit naibalik na ang balanse ng kapangyarihan sa pagitan naming dalawa. Si Charlemagne ay may kakayahang kontrolin ang sino man sa pagitan ng boses niya, dahil nagkahiwalay kami nawalan ito ng kontrol at ito ang lumamon sa kanya. Dahil nawala ang balanse sa pagitan namin ay kasabay ng pag-gamit niya sa boses niya ay nawala naman yung sa akin." pagpapaliwanag ni Charlene.

"Alam kong galit kayo sakin dahil sa ginawa ko sa inyo, alam ko ring hindi niyo ako kayang patawarin sa ngayon dahil nasaktan ko ang mga mahal niyo. Pero kahit na ganun gusto ko parin iparating ang aking paumanhin sa lahat ng nasaktan ko."

"Kaya bang ibalik ng paumanhin na yan ang mga buhay na nawala?" may tonong saad ni Chayanne.

"Hindi ko na kayang ibalik ang mga buhay na napahamak dahil sa kagagawan ko, kaya dadalhin ko hanggang sa aking kamatayan ang pagsisising nararamdaman ko ngayon at susubukang ituwid ang kamalian kong iyon."

"Teka lang naman, hindi niya naman ginusto ang may maipahamak." pagtatanggol ni Charlene sa kakambal.

"Nangyari na ang nangyari, hindi na natin maibabalik yun ang importante ay alam niya ang ginawa niya at handa siyang panagutan iyon. Diba nandito tayo para pag-usapan ang nangyari at pormal na kilalanin ang isa't isa?" sabat ni Ciara sa usapan.

"Tama si Ciara, kailangan nating pag-usapan ang nangyaring labanan sa pagitan ng demonyong si Caien." sabi naman ni Cornelia na nasa likuran na nila.

"Cornelia! Bakit ka na tumayo? Kaya mo na ba?" sunod-sunod na tanong ni Cyrus.

"Okay na ako. Kaya ko ang sarili ko." lumakad si Cornelia sa harap at may ipinakitang mga imahe.

"Ano yan?" tanong ni Casimir.

"Hindi ba yan yung grim reaper na tinawag mo? Pero ano yang kadenang nasa gitna?"tanong naman ni Cassiel.

"Si Caien ang binabantayan ni Oxidious. Ilalahad ko lahat ng nangyari kaya pakiusap makinig kayo." nagsi-upo silang lahat at matamang na nakinig sa nangyari. Tatlong magkaka-ibang imahe ang pinakita ni Cornelia. Isa ay ang kinaroroonan ni Oxidious the Grim Reaper, ang pangalawa ay ang kinaroroonan ng kahong pinagtataguan ng kapangyarihan ni Caien at pangatlo ay isang hour glass.

"Ano ang mga yan Cornelia?" tanong ni Carlie.

"Ang unang imahe kung saan binabantayan ni Oxidious si Caien na nakakulong sa chains of hell, simula ng tinawag ko siya may kontrata na sa pagitan naming dalawa. Ang summoning spell na ginamit ko ay napapaloob sa forbidden spells. Ibig sabihin lang ay may kaakibat itong kapalit. Nakapaloob sa kontrata namin ay kaluluwa ko ang magiging kapalit sa pagtawag ko sa kanya. Bukod tanging si Oxidious lamang ang makakapanatili sa pagkakahawak  ng chains of hell kay Caien. Sa mga tinuran ni Caien ay magulo pa rin sa isip ko kung ano  ang tinutumbok niya."

"Di ba sabi niya mapapakawalan mo siya sa ikalawang pagkakataon?"  Pag-alala ni Cydee sa sinabi ni Caien.

"Yan ang gumugulo sa akin ngayon. Hindi ko alam kung paano at kailan ito mangyayari." Kitang-kita sa mukha ni Cornelia ang pag-aalala at pagkalito sa mga pangyayari.

"Baka tinatakot ka lang ng Caien na yun, huwag mo ng isipin yun." Saad naman ni Carlie. Ipinakita ni Cornelia ang ikalawang imahe.

"Dito papasok ang hour glass na ito na nagsisimula ng bumaba ang buhangin. Sa oras na maubos ang buhangin sa taas ay oras na para kunin ni Oxidious ang kaluluwa ko kahit na ako hindi ko alam hanggang kailan na lamang ako mabubuhay."

"Kailangan ba talagang kaluluwa mo ang pamalit? Baka may ibang paraan pa Cornelia!" Halos galit na turan ni Cyrus.

"Sa kontrata namin ng Grim Reaper, pag nagpagtagumpayan niyang mapanatili si Caien sa pagkakakulong nito sa mga kamay niya ay makukuha niya ang kaluluwa ko."

"Ibig sabihin hangga't hawak ni Oxidious si Caien ay unti-unti kang manghihina hangga't sa maubos ang kapangyarihan mo. Maaari mong ikamatay yun. Sa gayon ay makakaya na niyang kunin ang kaluluwa mo." Pagkakaintindi naman ni Christopher.

"Ganun na nga. Ang kapangyarihan ko ang ginagamit niya para masiguro na hindi makakawala si Caien doon. Kaya hindi ko alam hanggang saan pa ang kaya kong itagal bago ako tuluyang maubusan ng kapangyarihan."

"Kapag nakuha na ni Oxidious ang kaluluwa mo, paano si Caien? Makakawala ba siya?" Seryosong tanong ni Carlisle.

"Naisip ko rin yun kaya ko pinalipat ang kapangyarihan niya sa isang kahon. Kung magagawa niyang makawala, sigurado naman akong harmless na siya. Wala siyang kapangyarihang makalabas sa impyernong iyon. Dahil sa isang larawan naman na ito, nakapaloob sa kahong yan ang kapangyarihan ni Caien, binabantayan ito ng mga witches sa isang dimensyong sila lang din ang may alam. Kahit mga kaluluwa na sila ay dala-dala pa rin nila ang kani-kanilang kapangyarihan. Hangga't nasa loob ng kahong yan ang kapangyarihan ni Caien hindi natin kailangang mabahala." mahinahong pahayag ni Cornelia.

"Ibig sabihin kahit buhay ka pa ay nasa hukay na ang kalahati ng pagkatao mo." nakayukong saad ni Ciara.

"Ganun na nga." nakangiting saad ni Cornelia.

"Baka yun ang ibig sabihin ni Caien na ikaw ang magpapalaya sa kanya sa ikalawang pagkakataon. Pag nakuha na ni Oxidious ang kaluluwa mo ay magiging malaya na siya." Malungkot ang boses ni Charice.

"Walang saysay ang sakripisyo mo kung ganun lang din naman ang mangyayari sayo." Matigas na saad ni Cyrus.

"Hindi ka patas makipaglaban Cornelia, nakuha mo pang ngumit sa sitwasyong kinalalagyan mo?" nakatikom ang mga kamao ni Vladimar habang nanginginig sa galit. Agad siyang umalis sa kinaroroonan nila at lumabas.

"Cornelia, patay na ba si Caien?" tanong ni Carlie.

"Hindi siya patay kundi nakakulong lang pero hanggat nasa loob niya ang punyal hindi siya makakagalaw lalo pa't nakagapos sa buong katawan niya ang chains of hell." inalis na ni Cornelia ang mga imahe at nagpa-alam na susundan si Vladimar. Namayani ang katahimikan sa loob ng meeting hall dahil sa nalaman. Ang mga kakambal niyang sina Cyrus at Ciara ay hindi malaman ang pwedeng gawin para maligtas ang kakambal nila. Habang ang iba ay nalungkot sa mangyayari pagdating ng panahon.

"W-well dapat siguro ay ipagpatuloy natin ang pakay natin sa usaping ito." basag ni Carlisle sa usapan.

"Dahil nandito na tayo lahat pwera kay Cornelia siguro dapat na tayong pormal na magpakilala sa isa't isa." pasiuna ni Carlie.

"Ako na ang magsisimula ako si Carlisle Samuel alam ko sa sarili ko na ako ang panganay dito. Kaya kong higupin ang kapangyarihan ng isa at ilipat sa iba o hindi naman kaya ay tanggalin ito hanggang sa manghina siya."

"Ako naman si Carlie Samantha, hindi ko pa alam ang kakayahan ko pero nagagawa kong e-conceal ang isang kapangyarihan at gamitin ang Chains of Light. Pero hindi ko maintindihan kung bakit tila may kulang sa links na ginagawa ko----" nagsasalita pa si Carlie ng biglang may black hole na lumabas sa itaas nila. Mas malaki ang black hole na ito kumpara sa naunang humigop sa kanila. Isang anino ang nasa gitna nito na tila tinatatawag sila papasok sa black hole. Wala ni isa sa kanila ang kumilos kaya mas lumakas pa ang hanging taglay nito at isa-isa silang hinigop papasok. Kahit anong kapit nila ay tila hinihila sila ng kung anong bagay para maipasok sila sa black hole. Naunang nahigop ang grupo nina Venz, sumunod naman sina Cassiel, Charice, Cloyce, Casimir at Charlemagne na hinawakan si Charlene kaya ito napasama sa kanila. Sina Cyrus at Ciara naman ay nahigop din habang nakahawak sa bakal na posteng ginawa ni Cyrus. Sumunod naman sina Chayanne at Carlisle pati na rin si Carlie. Si Christopher at Cloudia ay hinigop din at ang pinakahuling nahigop ng portal ay ang papasok na sina Cornelia at Vladimar. Ngunit isang silid ang bumukas at iniluwa doon si Nigel na ng mabuksan ang pinto ay deretso siyang hinigop ng black hole. Nang masiguro ng anino na wala ng natira ay sumara ang blackhole at nawala ito na parang bula.

Magkakahawak kamay silang lahat na nagpa-ikot-ikot sa loob ng black hole. Alam nilang sa ibang dimensyon na naman sila babagsak at kung saan ay hindi pa nila alam. Bumukas ang lagusan papunta sa bagong dimensyong kalalagyan nila. Sa pagkakataong ito ay malumanay silang naibaba sa lupa. Pinagmasdan nila ang paligid at inobserbahan.

"Alam ko kung nasaan tayo!" bulalas ni Cloyce.

"Totoo ba ito?" halos maluhang saad ni Cassiel.

"Ang mga bata, puntahan natin sila!" tugon naman ni Charice.

"Nasa Los Angeles tayo, Planet Earth ang tawag nila sa dimensyong ito. Ibang-iba ito sa mga napuntahan naming dimensyon." Ang apat na magkakaibigan na magkakasamang bumagsak sa Planet Earth ay tuwang-tuwa at nakabalik sila dito habang ang iba ay naninibago sa paligid at sa mga nakikitang matataas na building at mga magagarang kotse at kung anu-ano pa.

"Cloyce diba ito yung port? At sa pangtatlong warehouse doon natin iniwan ang mga bata." pagbabalik-tanaw ni Cassiel.

"Tama ka pero ibang-iba na ang itsura nito kompara sa dati. Tila marami ng improvements at kilala na yata ang port area na ito dahil sa mga barkong nakadaong dito." pagmamasid ni Cloyce sa paligid.

"Yung doctor, sino nga ulit yun?"

"Hindi ko na maalala Mir. Pero sigurado akong siya ang nangangalaga sa mga bata ngayon buti pa puntahan natin ang clinic niya." aniya ni Charice.

Agad na pinuntahan nila ang clinic ng sinasabing doctor na kakilala nila, nakasunod naman ang iba pa nilang kasamahan na mababakas sa mga mukha nila ang pagkamangha sa naturang lugar. Nang makarating sa clinic na alam nilang kinaroroonan ng doktor ay malaki na ang kaibahan nito. Isa na ito ngayong ospital na nakatirik mismo sa clinic ng kakilala nitong doktor. Dahil sa kaibahang nakita ay nawalan na sila ng pag-asang makita pa ang mga batang iniligtas nila. Nalungkot sila at tumalikod na para maghanap ng bago nilang pagtataguan. Mula sa ospital ay may lumabas na isang lalakeng doktor, may naka-wheel chair na isang matandang lalake ang inaakay nito para makalanghap ng sariwang hangin sa garden ng ospital. Napansin ng doktor ang mga taong nakatayo sa harapan ng ospital at namumukhaan nito ang apat na nasa unahan. Natigilan ito ng makilala ang mga ito. Itinulak niya ang wheel chair papunta sa gawi nina Cloyce at pati ang matanda ay nagtaka sa direksyong pinuntahan nila.

"C-cloyce? Casimir? Charice? Cassiel?" tawag ng doktor sa apat na sabay-sabay napalingon sa kanya.

"K-kilala mo kami?" nagkatinginan naman ang apat. Ang iba ay nagmamasid lang sa paligid at nakikiramdam sa sitwasyon.

"Of course!" halos maiyak ito sa tuwa ng makita muli ang apat na nagligtas sa kanila sa kapahamakan.

"Sino ka?" tanong ni Charice.

"Hindi niyo ba ako namumukhaan man lang? Sure not, it's been 20 years since all four of  you disappeared." sabay kamot sa batok nito na mannerism na niya kahit noong bata pa siya. Tila nakilala ni Cassiel ang batang laging nagkakamot sa batok pag may gusto itong sabihin.

"D-drake?"

"Good grace you remembered!" niyakap agad ni Drake si Cassiel.

"Drake? ang laki-laki mo na ganun ba kami katagal nawala?" tanong ni Charice.

"Yeah, 20 years had past by and now you came back that's all that matters to me now. Hindi yata kayo tumanda kahit konti, ganun pa rin kayo. By the way remembered Doctor Callaghan? He took us in the day you disappeared. 19 kids and he supported us all through the way. Sampu sa amin ang naging doctor habang yung iba ay nurses and iba naman ay sa ibang field ang kinuha."

"Doctor Callaghan maraming salamat at pinalaki mo silang lahat ng walang alinlangan."niyakap ni Charice ang matanda ngunit dahil na rin sa katandaan ay hindi na sila naalala nito at medyo hindi na ito nakakarinig.

"Saan kayo nakatira ngayon? At bakit nga pala kayo biglang nawala?" sunod-sunod na tanong ni Drake.

"Actually, hindi lang kami ang nagbalik, may mga kasama na rin kami. Kagaya namin hindi rin sila ordinaryo." pahayag ni Cloyce.

"Kahit gaano pa kayo kadami walang problema yan." nakangising saad nito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at ipinaalam sa iba ang pagbabalik ng apat nilang tagapagligtas. May lumabas agad na dalawang nurse na naiiyak na rin sa tuwa at isang doktor na babae at yumakap sa kanilang apat. Ibinalik sa loob ng ospital si Doctor Callaghan ng babaeng doktor at ng isang nurse habang ang isang babaeng nurse at si Drake ay nagpalit ng damit at nagpaalam ng umuwi.

Dahil sa dami nila ay dalawang van ang kumuha sa kanila at inihatid sila sa tinitirhan ni Drake at ng ibang kababatang ayaw mapalayo sa kanya. Isang mansion ang tinitirhan nito ngayon dahil halos lahat ng mga batang nailigtas nila ay naging matagumpay sa kani-kanilang propesyon. Mas lalong namangha ang kasamahan nina Cloyce sa istruktura ng mansion, sa mga bagong kagamitan at mga kasuotan ng mga tao roon.

"Ituring niyo nang inyo ang mansion na ito, sinadya naming lakihan ito dahil gaya niyo nililigtas din namin ang mga batang walang uuwian."

Naglibot ang iba sa kanila habang ang iba ay nasarapan sa malambot na higaan. Sina Casimir at ang mga batang nailigtas nila na ngayon ay malalaki na ay nagkaroon din ng oras na makapag-usap at inilahad ang mga nangyari simula ng sila ay mawala.

Sa loob ng play room ay naka-upo si Christopher sa isang malambot na upuan at kinalikot ang flat screen tv na nasa harapan. Napindot niya ang power at nagulantang sa ingay at mga imaheng lumabas mula sa tv. Nagmistula siyang sinaunang tao sa inasal niya. Ang kasama namang si Cloudia ay natuwa sa napapanood at sa naririnig nito. Sina Carlie at Chayanne naman ay nagpunta sa kitchen at pinagmasdan ang paligid, may isang bata ang nagbukas ng ref at kumuha ng malamig na tubig. Nginitian sila nito at ginantihan naman nila. Nang maka-alis ang bata ay binuksan din nila ang ref at nasarapan pa sa lamig na nagmumula dito. May mga pagkaing laman ang ref at mga inumin. Kumuha sila at inilapag sa mesa. Inaya pa nila si Carlisle na sobrang seryoso ng mukha na tila nagpipigil mangialam pero hindi niya natiis ang nakikitang contentment sa mga mukha nina Carlie at Chayanne sa kinakain nila kaya kumuha rin ito ng makakain at sumabay na sa dalawa.

Nangangapa pa man sa bagong mundong ginagalawan ay unti-unti naman silang nagkakaroon ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay. Ang hindi nila alam ay ang aninong nagdala sa kanila sa Earth ay nakasunod lamang sa kanila at nagmamasid. Nang walang paalam ay umalis ang grupo nina Venz pero nagpa-iwan si Vladimar, hindi naman siya nagawang pilitin ni Venz dahil kita niya na buo ang loob nitong manatili sa tabi ni Cornelia. Si Nigel naman ay hindi napansin ng mga ito na napasama pala sa kanila. Masaya naman itong nakikipaglaro sa mga bata sa mansion. Ang hindi nila alam na may dahilan pala ang pag-alis nga grupo ni Venz ng walang paalam. Kinausap pala sila ng aninong nakabantay sa mga Gods and Goddesses.

"Kung maaari sana ay humiwalay na kayo ng direksyon at huwag ng magpakita ulit." isang boses ng babae ang biglang kumuha ng atensyon nila at isang anino lamang ang nakita nila.

"Bakit naman kami hihiwalay sa kanila?" aniya ni Venz.

"Magiging hadlang lang kayo sa mga balak ko kaya kung maaari habang mahinahon pa ako ay lumayo na kayo."

"Ano naman ang makukuha namin sa pag-alis namin, wala kaming alam sa kinalalagyan namin ngayon at wala kaming kapangyarihang protektahan ang sarili namin." matigas na saad ni Venz.

"Alam kong sasabihin mo yan."

"Anong ibig mong sabihin?" isang itim na usok ang pumasok sa bawat isa sa kanila pati na rin kay Vladimar na walang ka-alam alam sa usapang nangyayari.

"Ano ang ipinasok mo sa katawan namin?"

"Ang katawan niyo na mismo ang maghahatid sa bago niyong pagtataguan, Doon kayo magsisimula ng bagong buhay." pagkasabi noon ay parang nahipnotismo sina Venz na biglang umalis. Ang hindi nila alam ay ang usok na ipinasok sa loob ng katawan nila ay magsisilbing bangungot na kanilang kahaharapin. Gabi na ng mapansin nina Carlie na wala na sina Venz at si Vladimar na lamang ang nagpa-iwan. Tinanong nila ito ngunit hindi rin nito alam ang pupuntahan nina Venz. Si Nigel naman ay hindi na umalis sa tabi ni Carlie, buo ang loob nitong kilalanin pa ng husto ang pagkatao ni Carlie pati na rin ng iba pang kasama nito.

Sa Planetang Earth na kung saan bago sa paningin nila ang lahat ng kanilang nakikita, dito sa mundong ito masisiwalat ang lahat ng katotohanang naghihintay sa kanila. Dito rin nila makakatagpo ang dalawang bahaging kokompleto sa link ng bawat isa. Habang sinasanay ang sarili sa makabagong teknolohiya ng mundo ay sinasanay na rin nila ang mga sarili nila sa kakahayang taglay ng bawat isa.

Nächstes Kapitel