webnovel

Love Undefined

Even before, the Gods maintains the balance in all of the Universe. Kahit na may kapangyarihan sila, tulad pa rin sila ng mga tao na nasasakatan, nagagalit, sumasaya at umiibig. Beyond human imagination, hanggang ngayon they still exist. Hindi man natin sila nakikita pero nasusubaybayan nila ang bawat galaw natin. Naririnig nila ang mga hinaing natin pero hindi sila direktang nangingialam sa mga tao.

Ang Father Sky na si Uranus ay sobrang in love sa consort niyang si Gaia na Mother Earth. Bawat gabi ay tinatabunan niya ng makakapal na ulap ang kalangitan sa tuwing nagtatalik ang dalawa. Dahil din sa pagmamahal na yun ay nabuo sa puso niya ang selos mula sa sariling mga anak. Nang ipanganak ni Gaia ang bunsong si Cronus dito napagdesisyonan ni Uranus na pangkatin ang mga anak . Ang 6 sons at 6 daughters niya ay tinawag niyang Titans, habang ung one-handed giants ay tinawag niyang Hekatonkheites at ung one-eyed giants ay Cyclopes. Magkakaiba man ang mga mukha at katangian ng mga anak nito ay bunga pa rin sila ng pagmamahalan nina Gaia at Uranus.

One time, yung buong atensyon ni Gaia ay nalaan na sa kanyang mga anak. Dahil dito nagalit si Uranus at binilanggo ang mga nakakabatang anak sa kailaliman ng Tartarus. Sobrang nasaktan si Gaia sa ginawa ni Uranus at dahil dito nakabuo ng plano si Gaia na i-castrate si Uranus.

"You shouldn't have sent your sons into the deepest dungeon in Tartarus. They haven't done anything wrong Uranus!"

"Gaia my beloved, I want you to look at me. Just me Gaia." malambing na tugon ni Uranus na nakayakap sa asawa at hinahalikan ang leeg nito.

"Attention? I gave you everything I have Uranus! You're talking non-sense. Your being jealous by your own flesh and blood!" tinulak niya palayo ang asawa.

"The way they look at you, it's getting in my nerves. You are mine alone Gaia, mine and mine alone!" galit na saad ni Uranus.

Pagkaalis ni Uranus ay mabilis na lumabas si Gaia papunta sa kinaroroonan ng mga anak nito. Nang makarating ay agad niyang tinawag ang mga anak.

"Coeus, Crius, Oceanus, Hyperion, Iapetus and Cronus!"

"Mother!" sabay-sabay na sambit ng magkakapatid.

Sa tindi ng hinanakit ni Gaia she shaped a great flint-bladed sickle at sinabihan ang mga anak tungkol sa plano nito.

"Sons, here's a flint-bladed sickle, if you want to be freed from this dungeon there's only one thing you should do."

"Mother, you want us to kill our Father?" nagtatakang tanong ni Crius.

"No! killing him is too much. I only want you to castrate him. In that way he won't be able to bare a child anymore. By removing his testicles, I won't be able to bare another child that he will lock up in this sickening dungeon because of jealousy." giit ni Gaia na mahigpit na ang hawak sa sickle.

Matamang na nagtitigan ang magkakapatid, parehong nakayuko dahil hindi nila kayang gawan ng masama ang kanilang ama o hindi naman kaya ay masyado silang takot sa kapangyarihan nito. Pero iba ang tumatakbo sa bunsong anak nilang si Cronus. Masyado itong ambisyoso at uhaw sa mas malakas na kapangyarihan. Ito ang tumayo at lumapit sa ina.

"Will castrating my father lessen up your burden mother?" buo ang loob na tanong niya sa ina.

"It will son. That's the only way I can be relieved of such burden. My heart aches seeing my sons locked up in this dark dungeon." halos maiyak na si Gaia.

Kinuha ni Cronus ang sickle mula sa pagkakahawak ng ina at determinado itong gawin ang kagustuhan ng ina. Hindi para sa kapakanan ng ina kundi may ibang nais mangyari si Cronus.

"Cronus I have faith in you. Tonight I'll be inviting your father into my place and you'll be waiting there to ambush him." pinakawalan ni Gaia ang mga anak at naunang bumalik sa itaas.

"Brothers, tonight I will reign and from this night onward no on will dare to stop me for even our feared father he will bow down and kiss my feet." itim ang aurang lumalabas kay Cronus na naging dahilan ng panginginig at pangamba ng ibang kapatid.

Masayang binati ni Gaia ang asawa nito na siya rin namang ikinagulat ng huli. Walang kaalam-alam si Uranus sa trahedyang paparating sa kanya. Ang buong akala niya ay nagbago ang isip ni Gaia at napagtanto nito na mas mahalaga siya kesa sa mga anak nila. Pinulupot ni Gaia ang mga kamay sa leeg nito at matamis na hinalikan si Uranus.

"My King, would you mind paying me a visit tonight in my place? I finally realize how much you mean to me more than anything possible in this Universe." mapang-akit na niyaya ang kabiyak para hindi ito magduda. Si Uranus naman na hibang na hibang sa consort niya ay nagpadala sa sexual desire niya kesa matunugan yung paparating na panganib.

Padilim na at naghahanda na si Uranus para sa pagbisita kay Gaia. Si Cronus naman ay nauna na sa kwarto ng ina. Sa di maipaliwanag na kadahilanan, sa mundo ng mga tao ibang dilim ang kanilang nararanasan. Madalas kasi, sa bawat pagpunta ni Uranus kay Gaia dala-dala nito ang ulap na nagtatago sa kanila ng asawa niya. Pero sa tingin ng mga tao sa lupa, parang may bagyong paparating. Itim ang ulap na dala at walang bituin na nagkikislapan sa mga oras na yun.

"Something's not right !" puna ng isang matandang taga-lupa.

"What's not right granny?"

"The sky, look up." Tinuro ang maitim na ulap na unti-unting lumamon na kalangitan. "It is said that the Father Sky is visiting the Mother Earth every time the clouds covers the sky. But this time, something's not right."

"It might rain granny, right now you must rest."

Pawis na pawis na si Cronus habang naghihintay sa amang papalapit na sa kinaroroonan ng ina. Si Gaia naman ay atras-abante ang lakad at tulirong di mapakali sa kinalalagyan.

"Mother, stay calm. If you wanna back out now's not the time." buo ang loob na sabi ni Cronus.

"There's no turning back now son. This is all that's left for me to do."

Tatlong mahihinang katok ang pumagitan sa usapan ng mag-ina.

"My beloved, it's me."

"Be there in a minute my love." inayos ni Gaia ang sarili at inihanda ang ngiting ubod na mapang-akit para matabunan ang kaba nito.

Pagkabukas ni Gaia sa pinto ay sinalubong agad siya ng umaapoy na halik ni Uranus. Unti-unti siyang hinubaran at pinilit niyang gumanti sa mga halik nito. Inihiga ni Uranus si Gaia pero ng makahiga na ito ay sinipa siya nito ng malakas at bumagsak sa sahig. Cronus then ambushed his father and castrated him. Sa pagkabigla ni Uranus ay wala na itong nagawa. Tanging sigaw lang ang naiganti nito sa anak na nagtagumpay sa pagtanggal ng testicles nito. Tinapon ni Cronus ang ang severed testicles ni Uranus sa karagatan. Bawat patak nito ay nagbigay ng bagong buhay doon sa lupa. Ang hindi alam nina Gaia at Cronus ay dahil sa kanilang ginawa may namuong bagong nilalang sa lupa at kabilang na dito si Aphrodite na nabuo sa ilalim ng karagatan.

Takot na takot si Uranus sa sariling anak. Biglang nawala ang makakapal na ulap na nakapalibot sa kalangitan. Tumatakbong duguan si Uranus paalis sa territoryo ni Gaia. Nanginginig si Gaia sa nasaksihan at ang mas lalong nagpabigla sa kanya ay ang nakitang ngiti sa labi ng anak. Para itong nasiyahan sa ginawa. Nilapitan ni Gaia ang anak at kinuha ang sickle na ginamit pero bago pa man makalapit ay umalis si Cronus dala-dala ang sickle. Napaupo na lamang si Gaia at napaiyak. Bumaba si Cronus sa lupa at ibinaon ang sickle na ginamit sa kailaliman ng lupa sa Sicily tsaka siya bumalik.

Sa kanyang pagbalik ay andun na ang kanyang mga kapatid pati na ang mga Hekatonkheires at Cyclopes. Taas noong naglakad si Cronus at deretsong pumunta sa upuan ng hari. Hinarap niya ang mga kapatid pati na ang ina nito. Hindi niya nakita ang ama sa paligid, naisip niyang naduwag na itong humarap sa mga anak nito. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at inideklara ang sarili niya bilang bagong hari ng kalangitan.

"Whoever forsake the new King will be punished by the heavens."

Lahat sila ay nagbigay pugay sa bagong hari kahit na napilitan lamang sumunod. Hindi masikmura ni Cronus ang ibang mga nandoon at inutusan niya sina Coeus at Oceanus na ikulong ang mga Hekatonkheires at Cyclopes sa Tartarus at hindi kailanman makakabalik sa kalangitan. Walang magawa ang dalawa kundi ang sumunod.

"I the new King, who depose Uranus, shall be the only one you'll obey. He who shall not obey will be accused of treachery and will be sent into the dungeons of Tartarus or be exiled." umupo na si Cronus sa kanyang ina-asam asam na trono. Nakita ni Gaia na nanaig ang kasakiman at uhaw ng anak sa kapangyarihan, pero huli na ang lahat at lubos siyang nagsisisi.

"Leave me and the throne alone. Whoever wants an audience with me shall ask my permission first. Everyone go!" humagalpak ang tawa ni Cronus ng makaalis na ang lahat.

"Uranus, you're such a fool to be devoured by your sexual desires and let down your guard. Throwing us into that dungeon wasn't a nice thing to do for your own son. And now, look at where you stand. Haha!" sinira ni Cronus ang imahe ng ama na nakalagay sa likod ng trono ng hari.

"With this authority I can do anything and everything I want and desire. First, I need to find me a wife." naglalaro sa isipan ni Cronus ang magagandang kapatid na babae. Pero isa lang ang kanyang naisip na maaari niyang gawing reyna at asawa, si Rhea. Pinatawag niya ang kapatid at inilahad ang gusto nitong mangyari. Hindi na umangal si Rhea at hinayaan si Cronus na gawin siyang asawa. Sa isip nito, ito lang ang maaari niyang gawin para makakuha ng impormasyon tungkol sa tinatakbo ng utak ni Cronus. Sa maaari nitong gawin na ikapahamak ng ibang mga kapatid. Pinuntahan ni Gaia si Uranus at sinalaysay nito ang pagbabago ng anak simula ng maupo ito sa trono.

Pinuntahan ni Gaia si Uranus at kinausap ito tungkol sa inaasal ng anak ng maupo ito bilang hari. Sa pag-uusap nila ay sa iisang bagay lang sila nagkasundo.

"I am destined to be overthrown by my own son."

"Yes you are, and I've played a great role to Cronus' success in overthrowing you ." nakayukong saad ni Gaia. Itinaas ni Uranus ang mukha ni Gaia at hinalikan ito sa labi. Niyakap ni Gaia ang kabiyak at tahimik na umiyak.

"Just like me, Cronus will walk the same path as mine and be overthrown by his own son." hinimas ni Uranus ang likod ni Gaia.

"There's one way I can make up for what I've done." sinalubong ni Gaia ang mga tingin ni Uranus, hinila niya ito at sinama sa harap ng pintuan sa trono ng hari. May nakabantay na dalawang guards na may hawak na spear at taas-noong nakatayo sa bawat gilid ng pinto. Akmang bubuksan ni Gaia ang pinto ngunit hinarang sila nito gamit ang spears.

"What business do you have with the king?" tinutok ng mga guard ang sandata nila sa mag-asawa.

"We would like to request for an audience with the new king and please relay my sincerest apologies if ever we end up disturbing your highness." utos ni Gaia sa mga guards. Nagkatinginan ang dalawang guards at ng magkaintindihan ay sumenyas ang isa para katokin ang nakaabang na mensahero sa loob. Bumukas ng kaunti ang pinto makatapos ang dalawang katok. Bumulong ang isa sa mensaherong nakatingin kay Gaia at Uranus. Batid nilang sinasabihan ito na nagrequest silang makipag-usap sa bagong hari. Isinara ng mensahero ang pinto tapos mabilis na naglakad papunta sa nakaupong hari at reyna.

"Your Higness! Sorry for interrupting your conversation. Lady Gaia and Lord Uranus would like to request and audience with the new king." nakaluhod ito at nakayuko habang nagrerelay ng mensahe.

"Oh! my mother and father, what's up with these two and they decided to pay a visit ." sarkastikong tugon ni Cronus na nakatingin sa kabiyak na si Rhea.

"What am I suppose to do Sire? Would you grant their request?"

"Maybe mother is up to something. How foolish of her to rebel so soon."

"Cronus! That's ridiculous! What makes you think that mother's up to something?" inis na saad ni Rhea.

"As you can see my Queen, without mother's plan, I won't be here sitting on this golden throne. If I were you, I will just serve my other half before he loses his temper." may pagbabantang sabi ni Cronus. Tumahimik na lamang si Rhea at hinayaan na lamang si Cronus sa gusto nito.

"Tell Gaia and Uranus that their request is denied."

"Yes, mi lord." tumakbo ang mensahero papunta sa pinto at kumatok ito ng tatlong beses which indicates the request is denied. Tinutukan ng mga guard sa dibdib ang dalawa tsaka tinulak paalis. Nagalit si Uranus sa inasal ng dalawang guards kaya hinawakan nito ang spear na gamit ng dalawa at naging abo ito. Sa isang kumpas ng kamay ni Uranus ay tumilapon ang mga ito. Hinawakan ni Urnaus ang kamay ni Gaia at inalalayan palapit sa pinto. May barrier na nakaharang sa pinto kaya hindi ito basta-basta nabubuksan sa pisikal na lakas. Sa kapangyarihang taglay ni Uranus ay nagawa niyang basagin ang barrier at kusa ng bumukas ang pinto. Sa pagbukas nito, sandamakmak na living corpses ang sumalubong sa kanila. Nabasa ni Cronus ang plano nilang sapilitang pagpasok sa trono ng hari.

"I know you'll force your way in." bungad ni Cronus sa mga magulang nila pagkapasok na pagkapasok nito.

"Is this how you greet your parents Cronus?" ganti ni Uranus sa anak.

"When I heard you two are asking for an audience with the new King, I know both of you are up to something." tumayo si Cronus sa pagkakaupo at dahan-dahang bumaba sa hagdan, naglakad sa gitna ng mga living corpses at tumigil sa harap ng mga magulang nito. Humalik si Cronus sa pisngi ng ina at tinapik ang balikat ng ama.

"I am most delighted to see my parents with that fierce faces intact."

"I am honored to hear that the new king is delighted that we are able to break into that useless barrier."

Nagkainitan ang mag-ama, pero si Cronus ang unang nagalit at tumalikod. Sumenyas sa mga living corpses na nag-uutos na atakihin ang mga magulang.

"You call yourself a King, when you can only summon this bunch of ashes to fill the whole room?" hambog na saad ni Uranus. Pagtingin ni Cronus sa mga living corpses ay mga abo na ito. Mas lalo siyang nagalit at lumikha ng isang malaking fire ball na napapalibutan ng napakalakas na electric charges at itinapon papunta sa mga magulang nito. Tinulak ni Uranus si Gaia at hinarang ang fire ball gamit ang sariling katawan. Tumilapon si Uranus matapos sumabog ang fire ball sa kanya at duguang nakahiga sa sahig. Pinilit niyang tumayo pero sinipa siya ng sinipa ni Cronus. Halos mawalan na ng malay si Uranus sa natamong sugat sa katawan. Hindi nakatiis si Gaia sa kasamaan ng anak kaya ito na mismo ang gumawa ng paraan.

"Stop it Cronus!" utos niya sa anak.

"Why would I? When I'm just starting to enjoy the show." nanlilisik ang mga mata ni Cronus sa galit nito. Patuloy pa rin siya sa pagsipa sa amang hindi na nakakagalaw.

"How dare you treat your parents like this!"

"How dare you rebel against the King!" hinarap ni Cronus ang ina habang nag-aapoy ang dalawang kamay.

"Run Mother!" sigaw ni Rhea na hindi makalagaw sa kinauupuan.

"I won't run!" matapang na tugon ni Gaia na handa ng harapin ang anak hanggang sa katapusan.

"You choose to die mother? I will spare your life if you beg for it. Hahaha!"

"I'd rather die than to beg and live alongside a demon!" pagkasabi ay naglabas si Gaia ng napakalakas na aura. Halos liparin si Cronus sa lakas nito.

"What do you intend to do mother?" sinalubong ni Cronus ang kapangyarihan ng ina.

"Ending your reign son!" nagpakawala si Gaia ng puting liwanag na sumakop sa buong kwarto. Pinilit pa rin ni Cronus na humakbang palapit sa ina nito, paunti-unti pero palapit na ng palapit. Sa tindi ng liwanag ay tanging imahe lang ng ina ang nakikita ni Cronus. Ang hindi nito alam ay patibong lang pala ang liwanag na iyon.

Sa kabilang banda, takot na takot ang mga tao sa nakikita nilang liwanag sa madilim na kalangitan. Malakas na ugong sa tahimik na nayon. Ni isa ay walang nagtangkang lumabas ng bahay dahil takot silang tamaan ng napakalakas na kuryenteng nanggagaling sa langit. Tinawag nila itong lightning, at ang malakas na ugong na nakakabingi ay tinawag nilang thunder.

"The Gods are fighting in the heavens!"

"It's our end!"

"They're mad at us and we are being punished!" panay sigawan at iyakan ang maririnig mula sa mga taong walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa itaas.

Hinayaan lamang ni Gaia na makalapit ang anak para maisakatuparan ang binabalak nito.

"You can't stop me Gaia! I ought to stay here as a King!" nahawakan na ni Cronus ang balikat ng ina. Pero laking gulat nalang nito ng may naramdaman siyang may gumagapang sa kanyang mga paa at kamay.

"You're such a fool son, you're taking up the bait. " nginitian ni Gaia ang anak tsaka umatras ng dalawang hakbang.

"I can't move! What did you do to me?"

"Nothing really." itinaas ni Gaia ang kaliwang kamay at tuluyang nabatid ni Cronus na nakagapos na ang kanyang mga paa at kamay. Kulay gintong chains na may spikes sa bawat gilid ang dahan-dahang humila sa katawan ni Cronus pataas. Sinubukang kumawala ni Cronus pero mas lalo lang humihigpit ang mga ito at dumidiin ang mga spikes sa balat nito.

"If I were you Cronus, just stay still. The more you struggle, the more it will cause you pain. In fact, the spikes serves a purpose." ngumiti lang si Gaia.

Tinignan ni Cronus ang mga spikes na dumidiin sa balat nito. Sa dulo nito ay may likidong puti na pumapasok sa balat nito.

"I am Gaia, the Mother Earth, the consort of the Father Sky Uranus and the mother of this ambitious God chained by my command. In my name and in my blood I prophesied that this King shall also be overthrown by his own son. Suffer the punishment of his own greediness. By all the Gods and Goddesses, You Cronus shall tremble in fear every time your consort bare a child!"

Nakakabulag ang liwanag na lumabas sa mga chains, pero sa isang iglap din ay naging isang buong liwanag ito na pumasok sa katawan ni Cronus. Nang lahat ng liwanag ay nasa loob na ni Cronus, nawala na ang mga chains at bumagsak siya sa sahig.

"You fool!" bunangon si Cronus at gumawa ng scythe. Tumatakbo siya papunta kay Gaia na nakatalikod na at inaalalayan si Uranus. Akmang puputulan na ni Cronus ng ulo ang ina ay hinarang ni Uranus ang sarili sa ikalawang pagkakataon. Si Uranus ang napugutan ng ulo. Ikinatuwa pa ni Cronus ang pag-gulong ng ulo ni Uranus habang napasigaw si Gaia at Rhea sa nasaksihan. Yayakapin pa sana ni Gaia ang katawan ni Uranus pero naging golden dust na ito. Tanging iyak na lang ang nagawa ni Rhea pero si Gaia sa tindi ng galit nito nawalan na siya ng kontrol sa kapangyarihan nito.

Sa liwanag na napakawala, nabura lahat ng may buhay sa lupa bilang epekto nito. Sa mga Gods at Goddesses ay nawala lahat ng memory nila pati na si Gaia at isa-isa silang bumagsak sa lupa.

Nächstes Kapitel