webnovel

Chapter 8

Nagpaalam muna ako sa kanila na mauuna nang lumisan at hindi ko na pinaalam kung saan ako patungo. Pupuntahan ko muna yung sinabi kong isang misteryo na tanging ako lamang ang nakakaalam.

Naglakad muna ako palayo sa aming bahay kung saan wala na akong makitang tao. Ayaw kong masundan nang kung sino man kaya kailangan kong magteleport papunta doon.

And this is also the secret I've been hiding from them for almost 7 years, hindi nila alam na kaya ko nang gamitin ang kapangyarihang iyon.

Teleportation ang pinakaunang kapangyarihang natutunan kong gawin at lingid ito sa kaalaman nila. Hindi naman sa bawal o natatakot akong malaman nila, sadyang dapat ko lang itong itago dahil iyon ang nararapat.

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit wala akong pinakilalang Queen Demen? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit merong King Demen Arthur, ngunit wala yung asawa niya? Iyon ay ang isa pang misteryo sa Dementia na ako lamang ang nakakaalam.

Never nila sinabi sa akin kung na saan na ang Queen Demen, kung anong nangyari sa kanya, kung bakit sa pagmulat ko sa mundo ay hindi ko na siya nakikita, kung bakit sa kabila ng mga panahong nakasama ko ang buong pamilya ng aking tatay ay hindi ko man lang narinig na pinag-usapan nila ang kanilang nanay.

Pero nalaman ko ito lahat nang mag-isa nung minsan na rin siyang nagpakita sa akin at inalok akong sumama sa kanya noong sampung anyos pa lamang ako.

Siya ang nagturo sa akin kung paano magteleport. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano magbasa ng isip ng tao at kung paano gamitin ang apat na elemento ng mundo na akala ng aking pamilya na kusa kong natutunan.

Ang totoo ay hindi ko alam ang buong kwento patungkol sa kanya dahil kapag tinatanong ko siya, halatang ayaw niyang sabihin sa akin dahil umiiwas siya.

Pero may isa pa akong sikreto. Hindi lamang ako ang nakakaalam patungkol kay Queen Demen pero hindi niya alam na alam kong may isa pa siyang taong kinikita maliban sa akin. Isang lalaki. Isang lalaking hindi ko mamukhaan dahil kapag iniisip ko ang kanyang mukha ay sumasakit ang aking ulo at tila ba parang may sumpa na hindi ko dapat siya makita.

Pupuntahan ko siya kasi biglang umilaw ang pulang batong ibinigay niya sa akin. Nagulat ako dahil umilaw ito habang kumakain kami sa hapag kaya madali ko itong hinimas para mamatay na yung ilaw.

Nagteleport na ako nung masigurado akong wala ibang tao ang makakakita sa akin. Agad na rin akong nakarating sa harap ng Queen Demen, sa kanyang misteryong isla na hindi ko alam kung saan. Siya ay nakaupo sa isang gintong silya na may hawak na itim na baston na may batong kapareha ng batong ibinigay niya sa akin. Lumuhod ako at yumuko.

"Magandang araw, Queen Demen." tugon ko. Agad na akong tumayo at mas lumapit pa sa kanya.

"Mabuti naman at agad ka ring nakapunta rito." agad na bati niya.

"Nagsimula na ang aming pagsasanay para sa malapit na digmaan, Queen. Unti-unti nila akong tinuruan ng iba't ibang kapangyarihan na dapat ko na rin matutunan para sa labanan." sagot ko rito.

"Pagsasanay? Malapit na digmaan?" takang tanong niya habang nakakunot ang mga noo.

"Labanan para kunin ang susi ng Corpse City." deretsong sagot ko.

"Corpse City? Anong alam mo sa siyudad na iyon? Alam mo ba kung kanino dapat iyon nakalaan? Alam mo ba kung kanino ito tunay na pagmamay-ari?" tanong niya samantalang ang kanyang boses ay puno ng pagtataka.

"H-Hindi ko a-alam, Q-Queen." nagtataka ko ring tugon. Ngayon ko lang rin naisip, hindi nila sinabi sa akin kung kanino talaga nakalaan ang siyudad na iyon. Ibig sabihin, maaaring kinuha ito ng mga Demen sa tunay na nagmamay-ari nito?

"Alam kong alam mo na ang Corpse City ay isang siyudad na puno ng kaluluwang walang alaala. Ngunit, higit pa ito sa iniisip mo. Hindi mo ba natanong sa sarili mo kung bakit pinag-aagawan nila ang susi ng siyudad na iyon? Ito ay dahil may isang misteryong nakalagay doon. Isang misteryong walang nakakaalam kung anong laman. At may dalawang tao ang nakalaan para makita ito, malaman, at magdedesisyon kung ano ang dapat gawin sa misteryong iyon." paliwanag niya.

"Ang puso ng bawat dimensyon." bigla kong sabi matapos niya sabihin iyon.

Nanatili siyang nakatitig sa akin habang sinusubukan kong basahin ang kaniyang utak ngunit wala akong makita. Biglang sumakit ang ulo ko na tila parang umikot ang mundo.

May naaninag akong lalaking papalapit na parang nahihilo rin. Nagtama ang aming mga mata at doon nagsimulang sumikip ang aking dibdib at napadapa ako sa sakit. Bago ko pa man isarado ang aking mga mata, nakita ko siyang nakahawak sa kanyang dibdib at nahirapang huminga habang hindi niya pa rin inaalis ang kanyang mga mata sa aking mga mata. At tuluyan na akong nawalan ng malay.

Isa lang ang masasabi ko, siya ang nakita kong lalaking nakausap si Queen maliban sa akin.

Nächstes Kapitel