webnovel

Pretzel

It was the worst point of my life siguro nung nakita ko yung listahan ng shiftees sa Business Ad. I tried to take it lightly and get myself composed, pero di ko mapigilang umiyak sa Ikot jeep pag-alis ko. Para bang sinayang ko lang yung 9 units kong pinilit isiksik sa Summer sem. Pero mas lalo kong naisip, magiging opisyal na akong patapon at wala na akong patutunguhan.

I mean, sino bang ginawa kong tanga nung mga panahong iyon, na tatanggapin nila ako sa dami ng binagsak ko sa dati kong course. Ang masama pa, di ako nagkaroon ng back-up, ng plan B.

At sa gitna ng lahat, nanaig sa akin yung anti-social self ko kasi feeling ko yung buong mundo, lahat ng tao, pati na rin yung kung-sino-man-sa-taas gustong gawing miserable ang buhay ko. Ang masama pa, pati si Justine nadamay sa depression ko. Matapos ng sem, hindi ko na nagawang lumabas ng bahay, di ko na siya magawang i-text o tawagan o sagutin mga messages niya sa Facebook. Kahit nga magulang ko di malaman anong gagawin sa akin at pinabayaan na lang ako, dahil siguro sawa na rin silang magalit sa lahat ng kalokohan ko.

Bandang huli, nalaman din niya anong nangyari at kinalampag ako para lang makausap niya.

"Ano bang nangyayari sa iyo? Kung tingin mo di ko alam, tanga mo, alam ko kaya. Tapos ngayon magmumukmok ka diyan?"

Iyon ang bungad niya sa text. Nung nabasa ko iyon, feeling ko galit siya sa akin at di ko naisip na malamang paraan niya iyon ng pag-aalala.

"Alam ko depressed ka ngayon, but just so you know, nandito lang naman ako, eh. But don't act like this, kasi nasasaktan din ako sa nangyayari sa iyo. If you feel down, I feel even more kasi it felt like I've failed."

Hindi ko alam anong dapat maramdaman sa mga sinabi niya, o kung anong isasagot ko. Pero nung mga oras na iyon, feeling ko pagod na ako sa mundo, na pati siya gusto ko nang layuan. Hindi man lang ako nag-isip nung kinuha ko yung cellphone para mag-reply sa kanya ng ganito:

I think we should end this. Pagod na ako.

At ang sagot niya, "WTF are you even thinking?"

"Pagod na ako, I don't even have the motivation to live. I need to fix my life."

"Who are you even fooling? At bakit ka nagsasalita ng ganyan? You don't have to face this alone!"

Nakatulog na lang ako matapos ang kabaliwan kong iyon, walang malay na seseryosohin niya iyon talaga. Ilang oras ang lumipas, nagising na lang ako nang kumatok ang nanay ko sa kwarto. May naghahanap sa iyo, kaibigan mo daw. As if di ko alam na siya iyon.

Mukhang kalmado lang siya nung nakita ko sa sala, tinatago yung tensyon sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa naka-akyat na kami sa kwarto ko, at doon na nagsimula ang lahat.

"Ano bang mga pinagsasabi mo, ha? Nababaliw ka na ba?"

"Paki mo ba, gusto ko eh-"

At bigla na lang niya akong tinulak sa higaan, pinipilit na hagkan ako.

"Ano ba, yung nanay ko..." Di pa rin siya nagpaawat, na pakiramdam ko parang gusto niya akong gahasain na ewan. "Justine, ano ba!"

Napatahimik lang niya ako ng halik niya. Ang tagal at ang gaspang, di gaya ng dati. Di ko namalayan, umiiyak na siya habang pinagmamasdan ako.

"Bakit mo ba ako ginaganito?" Sabi niya habang sinusubukang punasan mga luha niya. "Bakit mo ba pinapamukha sa akin na wala akong kwentang tao, na wala akong kwenta sa iyo, na kahit anong gawin ko di kita mapapasaya?"

"Di mo naman kailangang gawin iyon, eh."

"Alam mo ba kung bakit ko 'to ginagawa? Kasi ayokong maranasan mo mga naranasan ko. Ayokong maging malungkot ka, maging pakiramdam mo walang kwenta kang tao, kasi naranasan ko na iyan. Tell me, what should I do para mapatunayan ko sa iyong mahal kita?"

"Wala naman, eh. You've done it all. You've done it well. But then, ayoko na ring maging pabigat sa iyo, kasi masyado mo na kaya akong spinoil." Tawa ko sa sarili ko habang nakapatong pa rin siya sa akin. "Just give me time to fix my life, and I'll be back."

"Kailan?"

"I dunno. It takes time."

"At ayaw mo 'kong makasama?"

"Parang sa running lang iyan. Pwedeng coach kita, pero di naman pwedeng kasama kitang tumakbo."

Hindi na siya kumibo pa hanggang sa inayos niya ang katawan ko para makasandal ang likod niya sa pader. Bumalik siya ulit sa paghalik sa akin, na para bang nagbibigay permiso sa akin na magpaalam sa kanya.

"Hihintayin kita. Mag-message ka lang."

"Sa PR?"

"Oo."

At iyon na siguro ang huling beses na nagawa naming madama ang isa't isa.

Hindi na rin kami nagkausap ni Justine pagkatapos. Ilang buwan din akong natenga sa bahay, bilang nag-pullout na rin naman ako, bago ako matanggap sa isang school sa Taft. Iba na rin talaga may kakilala, kasi kung hindi baka di nila maisip na tanggapin ako sa basis lang ng grade. Ano naman, grade lang naman iyon, na para bang wala na akong tsansang magbago.

Kung may maipagpapasalamat man ako sa kanya, iyon ay yung naturuan niya ako ng disiplina sa pag-aaral. Di ko namamalayan, nakaka-uno na pala ako't nakakasali sa dean's list, na di ko nagagawa dati sa Diliman.

Nung mga panahong iyon, pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na yung desisyon ko was for the good of everyone. Na kapag mas nagtagal pa kami ni Justine, di rin iyon magwo-work out kasi out siya at ako hindi, kahit anong kumbinsi niya sa akin. Saka mas matanda siya sa akin, at may mga responsibilidad kaming dapat gawin. Born-again siya, ako medyo atheist na noon.

Nakaka-miss siya at mga ginagawa niya, pero sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong magtiis kasi ginusto ko naman. Gusto ko noon, kapag bumalik na ako sa kanya, yung ready na talaga ako, walang sabit, na kaya ko na siyang ipagsigawan gaya ng kung gaano siya ka-proud sa akin.

May profile pa rin ako noon sa PR pero hindi ko nagawang pumatol sa kahit sino nung mga oras na iyon, kasi may pangako ako sa kanya. Nagulat na nga lang ako isang araw nung nabalitaan ko na sila na daw ng kaibigan ko ding blogger na taga-Davao. Di ko rin alam anong nangyari kasi di ko ka-close masyado yung tao, saka long-distance din naman sila kung ganun. Pero ganun talaga ang pag-ibig, eh. Nabalitaan ko na lang na pumunta pa si Justine sa Davao para lang makita siya.

Ipokrito na ako kung sabihin kong di ako nasaktan sa mga nangyari, na di niya ako hinintay. Pero kasalanan ko na rin naman dahil sa sobrang drama shit ko dati. Saka feeling ko, mukhang mas bagay sila kasi magka-sing-edad lang naman. Nung mga panahong iyon, kahit nung di pa sila, para bang unti-unti na ring nawala sa akin yung tsansang mababalikan ko pa siya, kaya di na rin ako masyadong nasakatan nung naisip kong magpaubaya na rin.

Pero isang araw, biglang nag-message sa Facebook yung bago niyang boyfriend sa akin. "Three years ka na niyang gustong kausapin", bungad niya.

"Ayos lang naman sa akin. Ako pa nga nahihiya sa kanya," Sabi ko.

"Sige, sabihin ko i-add ka na niya." Ilang minuto pa, naka-receive na ako ng request mula sa kanya. Ganun pa rin siya, nakangiti sa lahat ng kanyang profile pics, ako walang kamalay-malay na may pinagdadaanan na pala siya, na yung pag-message ng boyfriend niya ay sign na pala na binabalik na niya si Justine sa akin.

Hindi nga lang sa parehong porma tulad noon dahil na rin sa matinding kinumpisal niya, na bumago sa buhay niya at sa pag-asang magkabalikan pa kami muli.

Nächstes Kapitel