"Ikaw ang problema ko Miss Mcain Xen Fetherston" sagot niya habang unti-unting nawala ang ngiti nito kanina.
"Anong problema mo sakin?" tanong ko na kalmado pa rin.
"Problema kita kasi hindi kita makuha" agad nitong sagot na ipinagtaka ko
"Anong hindi makuha?" malumanay ko ng tanong dahil pagdating sa kaniya parang may magic na gusto akong sumunod sa bawat salita nito.
"Gusto kitang makuha bilang girlfriend ko." madadala na sana ako at malapit na yung kuryente sa puso ko pero kabaliktaran yung nangyari dahil hinila nung kuryente at itinapon yung puso ko nang sinundan niyang sabihing.
"Para magpanggap na girlfriend ko sa publiko, dahil ikaw si Ms. Mcain Xen Fetherston. Aangat ako ng husto kung ikaw ang magiging girlfriend ko at makikilala pa ako ng lubusan sa buong mundo." muntik ko ng mabitawan ang cellophone ko sa pagkagulat. Sa sinabi niyang dahil ako si Mcain Xen, isang sampal yun sakin na magugustuhan lang ako dahil isa akong Fetherston. Masakit sakin kung paano siya magsalita at ngayon lang ako napaisip ng husto kung bakit ko siya nagustohan, pero ako si Mcain Xen Fetherston 'Calm Down Xen'...
"So.. you want me to be your girlfriend?" nakangisi kong tanong; hindi ako isang Fetherston na magpapatibag dahil sa salita at nararamdaman ko. Kaya kong baliwalain ang puso ko kung kinakailangan at ngayon ko yun kailangan.
"Yes" diretso niyang sagot na seryoso pa rin.
"Gusto mo 'kong maging girlfriend para gamitin?" paglalahad ko sa gusto nitong mangyari at nakita ko kung paano siya tumango sa cctv.
"Gagamitin mo 'ko? Sige, papayag ako. Hahayaan kitang sabihin sa publiko na girlfriend mo 'ko at bahala ka na sa publiko kung ano man ang itanong nila tungkol sakin. Hahayaan kita sa lahat ng gusto mong mangyari pero sa oras na masira ang pangalan ko dahil sayo, 'wag mo ng tangkain pang mabuhay." gusto kong burahin ang ngisi niya habang nakikinig sa sinasabi ko pero bastos at wala man lang pinakitang tuwa at pagkagulat na pumayag agad ako bilang girlfriend niya.
"Ngayong girlfriend na kita, pwede na ba kitang makita?" tanong niya na ikinatuwa ko naman ngayon...
"Sino ka sa akala mo? Hindi, hinding hindi mo ako makikita, kaya ko nga sinabing bahala ka na kung tanongin nila ako tungkol sayo; bahala ka ng gumawa ng kwento mo. Magpapakita lang ako sayo kapag nagkaroon na ako ng 88 reasons para ipagmalaki kang boyfriend ko. Just to remind you incase you've forgotten that you are talking to a Raconia, Mr. Carter Mathew Smith." paalala ko habang may nakakalokong tawa habang sinasabi ang mga 'to.
"Tsk okay fine." inis na rin niyang sagot na ikinatuwa ko.
"Bakit parang sa tuno ng boses mo ako pa ang humihiling na maging girlfriend mo?" pang-asar ko na ikinatuwa ko pa lalo nang tumingin ito ng masama sa cctv.
"By the way, huwag na huwag mong kakalimutang MCAIN XEN FETHERSTON ang girlfriend mo. Wherever you go, don't you ever forget the name of your girlfriend Mr. Smith. Siguro naman alam mo ang ibig kong sabihin. I'll give you time, 'till tomorrow to decide at pag-isipang mabuti ang kahilingan mo; sa iksaktong 7 am at hindi ka pa tumatawag, ibig sabihin binabawi mo na ang mga sinabi mo." pagkatapos kong magsalita ay pinatay ko na ang tawag. Tumingin siya isang beses sa cctv at saka tumalikod, iisa lang ang camera sa music room kaya hindi ko na makita kung ano ang reaction niya pero maya-maya lang ay umupo siya't nagstrum ng guitara.
I've been watching him for almost 15 minutes and he never do anything nor sing, he just keep on strumming the guitar. Sa buong buhay ko hindi ko pa naririnig ang tinutugtog niya ngayon at mukhang wala ito sa sarili na tumutugtog at ang tuno ng tinutugtog niya ay parang lullaby habang nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip.
Marami din akong iniisip, iniisip ko ang mga mangyayari kapag tinutoo niya ang kagustohan niyang maging girlfriend ako at kailangan ko pang kumbinsihin si lola para dito pero alam ko namang maiintindihan agad ni lola at papayag agad ito.
Isa lang ang alam ko, gusto ko rin naman siyang maging boyfriend ko noon pa man, at gusto kong siya ang una't huling lalaking mamahalin ko habang buhay. At gagawin ko ang lahat matupad lang yun. Kung kinakailangang ito ang dapat kong gawin para makuha siya, gagawin ko.
Nawala ako sa pag-iisip nang biglang magising si Maro at umiyak kaya binuhat ko siya agad para isayaw.
"Awwww nagising ka naman na agad baby. Sshhhh tahan naaaa. Andito ako oh. Mhmm mhmm mhmm" pag-aalo ko kay Maro na unti-unti namang ikinatigil niya sa pag-iyak.
Nangangawit na ako sa kakasayaw kay Maro dahil halos sampung minuto ko na rin siyang buhat-buhat dahil ayaw niyang ibaba ko siya kaya mabuti nalang at sa wakas ay pumayag na rin siyang bumaba at maglaro.
Makikitang ganun pa rin ang ayos ni Carter mula kanina kaya binalewala ko nalang at lipat sa carton networks ang TV para makanood si Maro, at maaari kong iwan para umihi saglit.
"Baby Maro dito ka muna okay? 'Wag kang malikot ha? Iihi lang si tita okay?" bilin ko sa kaniya at dali-dali akong tumakbo sa CR para umihi. Nakakatakot iwan si Maro na mag-isa lalo pa't hindi gaanong malapit ang CR ko dahil sa lawak ng kwarto ko pero nasanay na akong iniiwan saglit si Maro at wala namang nangyayaring masama.