webnovel

If only you knew

Hindi pa 'ko gumagawa ng pang-anim para sa huling letra na R. Sadyang hindi pa 'ko gumagawa dahil gusto kong yung panghuling guitara ay ibigay ko mismo sa kaniya at gusto ko na sana sa mga oras na magawa ko na yung huling guitara ay kilala niya na rin ako.

"Sa music room mismo kamo?" pagtatama ni ate Merly dahil wala pang nakakapasok roon, ako lang. Pati sa paglilinis ay ako din ang pumupunta para maglinis; nasa tabing kwarto lamang ni Carter ang pintuan papasok sa Music Room pero may pintuan din dito sa kwarto ko papasok dun dahil tulad nga ng sinabi ko, akin ang halos 3rd floor ng mansyon.

"Opo ate kasi maliban sa panonood ng TV sa kwarto niya at paghawak sa gadgets na meron siya ay wala na itong pwedeng gawin at naisip kong baka kailangan niyang mag-ensayo o kung ano man na maaari niyang gawin. Pakitanong lang naman ate at baka gusto niya lang." pakiusap ko na kasi nawawalan na rin ako ng dahilan kung bakit kailangan ko pang isipin ang kalagayan niya dito sa mansyon kung baka nababagot na siya dito o baka ayaw niya dito sa mansyon.

"Gusto mo lang atang makita niya yung mga ginawa mong guitara para sa kaniya e. At gusto mo na naman siyang panoorin sa CCTV" biro ni ate Merly at saka tumawa ng malakas

"Hindi a, iniisip ko lang talaga at baka nababagot na siya ate." pagtanggi ko agad dahil yun naman ang totoo

"Iniisip mo na baka mabagot siya at maisipan na niyang umalis tapos hindi mo na siya makikita? Tapos kapag hindi mo na siya nakikita, iisipin mo na naman kung 'ano kayang ginagawa ni Cart—'" hindi na natapos ni ate Merly ang pangbibiro niya sakin dahil sumungit na ako agad at hindi ko kinakaya ang pinagsasabi niya

"Huwag na nga lang, huwag mo na siyang tanongin" inis kong sabi dahil hindi talaga ako nabibirong tao. Naiinis ako kapag pinagkakatuwaan ako, tulad ngayon binibiro-biro na naman niya ako at umiinit talaga yung pisngi ko na hindi ko alam kung bakit na madalas ding sabihin ni ate Merly na nagbla-blush daw ako kapag tinutukso-tukso niya ako kay Carter kapag nahuhuli niya akong ginuguhit siya.

"Sus nainis ka na naman agad. Oh ito na pupuntahan ko na siya, pero sandali lang at ipupunta ko muna si Maro kay inay at p——" pinutol ko na naman ang sinasabi ni ate Merly dahil naalala ko si Maro, ang anak nitong magtatatlong taong gulang na, na super cute na cute dahil sa napakalusog nitong pangangatawan. At dahil wala pa akong ginagawa habang hinihintay ang sekretarya ni tito Nathan...

"'Wag mo ng ipunta kay nanay Flora(ina ni ate Merly na tagapangalaga sa mga pananim na bulaklak ng mansyon) at ipunta mo na lang sakin ate at ako muna ang mag-alaga sa kaniya habang wala pa ang sekretarya ni tito Nathan para magpa-exam sakin." Hiling ko dahil noong ipanganak ni ate Merly si Maro ay ako na ang isa sa mga tagapangalaga sa kaniya kapag wala akong ginagawa dito sa mansyon. Gustong-gusto kong nakakakita ng mga bata, lagi akong nanggigil na yakapin sila at halik-halikan na madalas akong suwayin ni ate Merly dahil kawawa na daw ang pisngi ni Maro sa kakahalik ko.

"Sige, basta 'wag mo na namang panggigilan ha?" banta niya na ikinatawa ko.

"I won't; I swear. Basta dalian mo ate at ipunta mo na siya dito." paniniguro ko na hindi na makapaghintay.

"Ito na malapit na. Basta kapag narinig mong tumunog yung signal ng door mo buksan mo na." sabi nito saka ako binabaan.

Mga dalawang minuto siguro ay tumunog na rin ang pintoan ko at sinasabi ang pangalan ni ate Merly sa signal kaya dali kong pinindot ang password ng pintoan ko sa cellphone ko para magbukas ito, at maya-maya pa ay rinig ko na ang boses ni ate Merly kaya dali-dali na akong tumayo para salubongin sila.

"Hello baby Marooooo" bati ko at saka ko siya kinuha kay ate Merly na hirap ng kargahin ito dahil may dala pa siyang bag kung saan nakalagay ang mga gatas, diaper at kung ano pa na pagpapalitan nito.

"Sige at ikaw na ang bahala sa baby ko at pupuntahan ko muna si Carter. Tignan mo at baka kung ano ang mahawakan niyan dito sa kwarto mo at masira pa niya't mapano siya." Bilin ni ate Merly na halos memorise ko na sa unang beses niya pa lang itong sinabi saakin noon.

"Opo maaari na kayong umalis at ako na ang bahala sa inyong mahal na prinsepe" pagbibiro ko at saka ito umalis.

"Bebe Marooo, ano gusto mong gawin ngayon?" tanong ko habang papunta kami sa sala malapit sa bed ko para duon ko siya ilapag at maglaro. Madalas ko siyang kwentuhan at kantahan ng mga maaaring makapagtuturo sa kaniya kung paano magbilang ng tagalog at englis. Pati din mga uri ng hayop at kung ano pa na pangbata at makapagpapalawak sa kaalaman.

Nakalimutan kong iniwan ko palang nakabukas yung TV kanina kung saan nakapalabas ang bawat footage na nangyayari sa mansyon at kita ko si ate Merly na palakad malapit sa kwarto ni Carter.

Kung ganun pala ay bumalik siya sa kwarto nito kanina pagkatapos nilang kumain.

Nächstes Kapitel