Chapter 1671: Malaki ang utang na loob ko sa Su Family (2)
"Hindi pa…" Yumuko ang taga-silbi.
Binasag ng babae ang wine glass sa sahig at nagkapira-piraso ito agad.
"Walang kwenta!"
"Huminahon po kayo, Boss… Sinubukan po naming ang makakaya naming… pero sadyang tagong-tago ang lokasyon niya… Sa tingin ko mayroon siyang pinagtataguan…"
Tumingin si Lu Yan sa labas ng kanyang bintana at agad na naging malagim ang pagmumukha nito…
Nang umalis ang asawa ng kanyang nakatatandang kapatid na babae, sumabog at bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano. Nagulat siya nang una niyang matanggap ang balitang ito.
Pagkatapos noon, agad siyang nagsaliksik… nang palihim.
At sa wakas, nakatanggap siya ng balita tungkol sa Qin Chu ilang araw na ang nakakalipas.
Ang isa sa mga mangingisda sa karagatang pinagbagsakan ng eroplano ay mayroong nakuha at inaalagaang isang lalaki.
Pero agad rin itong umalis..
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com