Chapter 1635: Alam Kong Buhay Pa Siya (16)
"Maganda naman."
"Nag-dinner ka na ba?"
"Yup. Kanin at soup. Masarap yung pagkain dito, mas masarap kaysa sa cafeteria ng South Side."
"Kain ka pa. Kung gusto mo kumain ng pagkain na wala dito, tawagan mo ako."
"Okay."
"Okay… Tulog ka nang maaga, babalik na ako." Tumayo si Su Yu.
"'Wag ka mag-alala, aalagaan ko sarili ko. Kakainin ko 'yung pagkain ko on time at matutulog ako on time." Inalo ni Huo mian si Su Yu, pero mas lalong nalungkot lang si Su Yu.
Malambot ang ngiti ni Huo Mian hanggang sa pag-alis ni Su Yu.
Umupo siya sa kama nang tahimik at tumingin sa labas ng bintana. Kita sa mga mata niya ang kawalan ng pag-asa na hindi maiintindihan ng iba.
Pagkaalis ng Military Hospital, nalungkot si Huo Mian. Alam niya na nagkukunwari lang si Huo Mian. Imposibleng okay lang siya.
Habang nag-iisip siya, tinawagan siya ni Tang Chuan at pumunta siya sa bahay ni Wei Liao.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com