Chapter 1336: Young Master Su, interesado ka bang makipag-sosyo? (7)
Hindi buo puso magsalita si Su Yu. Kaya naman, walang nakakabasa sa kung ano talaga ang nasa isip nito.
Laging sumasakit ang ulo ni Huo Siqian sa tuwing kinakusap niya si Su Yu, dahil laging parang may sarili itong mundo at nagsasabi ng mga kakaibang bagay…
Hinimas ni Huo Siqian ang kanyang sintido. "Young Master Su… Hindi ako pwedeng sumang-ayon dyan. Kapag nakuha natin ang GK, pinapangako kong ibibigay ko sayo ang kalahati, pero si Mian… ay tao, hindi bagay, hindi ko siya pwedeng hatiin… Kailangan mong hayaan na siya ang magdesisyon. Syempre, kung gusto niya ay ikaw, malaya siyang gawin 'yon at wala akong magagawa doon."
"Hindi ba halata naman 'yon at puro katangahan na ang sinasabi mo?"Ngumiti si Su Yu habang sinasabi ito.
'Kung gusto niyang makasama ka?' Mahusay maglaro ng salita si Huo Siqian.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com