Chapter 1331: Young Master Su, interesado ka bang makipag-sosyo? (2)
"Xiaoxue?" Nakilala ni Huo Mian ang boses ni Wu Xiaoxue.
"Oo."
"Nakabalik ka na ba ng China? Bakit walang nabanggit si Director Wu?" Nasurpresa si Huo Mian.
"Hindi, nasa Chicago pa rin ako."
"Kamusta ka? Kamusta anak mong babae?"
"Ayos naman ako, ayos din naman si Xinyue…" Magmula nang nakipagdiborsyo si Wu Xioaxue, mas lalo naging mature ito.
"Mabuti naman."
"Namiss lang kita kaya naisipan kitang tawagan. Buntis ka na ba?"
"Hindi pa." Pilit na ngumiti si Huo Mian.
"Ayos lang 'yan, hindi mo naman pwedeng madaliin ang pagbubuntis. Sabay ka lang sa agos at lagi ka lang masaya dapat."
"Sige."
"Nakakausap mo pa ba si… Ning Zhiyuan?" Tanong ni Wu Xiaoxue matapos ang sandaling pag-aalinlangan.
"Hindi… bakit?"
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com