Chapter 1172: Hindi Mahawakan ang Babae ng Boss (3)
"Hindi," tanggi agad ni Huo Mian.
"Bakit? Ayaw mo maghiganti?"
"Malungkot na ang buhay niya, ayaw kong pagsamantalahan… At, recently parang mabait naman siya. Pagkatapos ng nangyari sa nanay niya at sa bata niyang kapatid, parang nanahimik na siya. Ayaw kong mag-bully ng taong nabigo na."
Sa nakaraan, galit nga si Huo Mian kay Huo Yanyan, dahil para sa kanya tanga at nakakainis si Huo Yanyan.
Pero, ngayon wala na siyang nararamdaman para sa kanya. Kahit pag nakikita niyang binubully si Yanyan ng ibang babae, tutulungan niya ito.
Hindi siya mabait o maawain, sa huli lang kasi, pareho naman silang 'Huo'.
Kahit hindi siya biological daughter ni Huo Zhenghai, kilala ni Huo Mian si Huo Yanyan simula noong bata pa siya. Kaya kahit naging magkalaban sila, hindi niya kailangan magtanim ng sama ng loob.
"Okay, fine. Ang bait mo palagi…"
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com