Chapter 847: Ipaghihiganti Ko Ang Aking Nakababatang Kapatid (8)
"President Qin, sinubukan talaga namin… Hindi namin kasalanan na hindi namin nakuha yung project," matapang na reklamo ng marketing director.
"'E 'di kasalanan ko?" malamig na tanong ni Qin Chu.
Nanahimik ulit ang buong conference room…
Galit na galit ang boss nila…
Noon lang, tumunog ang phone niya…
Napatingin ang lahat sa phone, nagtaka kung sino ang may lakas ng loob para tawagan ang president ngayon.
Pero, ikinagulat ng lahat na lumambot agad ang ekspresyon ni Qin Chu nang makita niya kung sino ang tumatawag.
Sinagot niya…
"Honey, nagluto mom ko, babalik ka ba for dinner?"
"Okay lang, nasa meeting ako."
"Okay."
"Susunduin kita mamaya."
"Okay." Hindi nagpatagal si Huo Mian bago ibaba ang tawag.
Nagulat ang lahat kung gaano kabait si Qin Chu noon.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com