Chapter 767: Isang Masamang Babae (9)
"Oo… noong umalis ka kasama ang mga magulang mo… ang tagal nalungkot ni Chu."
Nagsimulang magimbento ng storya si Mrs. Qin para paniwalaan siya ni Song Yishi…
Ang totoo ay late bloomers ang mga lalaki. Noong 8 pa lang si Qin Chu, hindi niya alam kung ano ang pag-ibig.
"Mrs. Qin… hayaan niyo na po, 'wag kayong magsabi ng ganitong bagay. Kasal na si Qin Chu, paano kpag nalaman ng asawa niya ang sinabi niyo?"
"Asawa? Hindi ko kikilalanin yang asawa niya. Alam mo ba, Shi, ang nanay ng babaeng yan ay walanghiyang kerida na hindi nagtagumpay na pabagsakin ang asawa ni Huo Zhenghai. Pagkatapos, tumakas siya kasama ang driver at nanganak ng lalaki. Napakagulo talaga nila. Isipin mo, paano ko matatanggap ang ganoong klaseng babae na ganon ang pinagmulan… Tanga si Chu, hindi ko alam kung anong pinakain sa kanya ng babaeng iyon."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com