"Uh… Siguro masyadong malamig kagabi. Taglagas na kasi ngayon kaya mas malamig ang temperatura," mahinang sagot ni Huo Mian.
Malungkot na kinuha ni Qin Chu ang kumot mula sa sofa at ibinalot niya ito sa kanya. Pagkatapos, pumunta siya sa kusina at ginawan siya ng salabat na may muscavado para mainitan ang katawan niya.
Hawak ang baso ng mainit na salabat sa kamay, ngumisi si Huo Mian.
Alam niya na kahit sobrang makapangyarihan ni Qin Chu, matataranta ito kapag nakita siya nitong naghihina…
Hindi nga nito masabi kung talaga bang may sakit siya o nagkukunwari lang…
Kinabukasan sa trabaho, sumaglit sandali si Huo Mian kay Deputy Director Guo pagkatapos ng meeting sa umaga…
"Anong meron, Deputy Director Guo?"
"Huo, namimili ngayon ang South Side kung sino ang magiging best employee of the month, at ikaw ang iminungkahi ko. Kapag inaprubahan ito ni Director Wu, makakatanggap ka ng bonus na dalawampung libong yuan."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com