webnovel

Nakasanayan

Redakteur: LiberReverieGroup

Chapter 90: Nakasanayan

"Oo, hindi pa talaga ako nakakakita ng isang magandang babae na tatakpan lamang ang kanyang mukha kapag siya'y hubo't hubad," nakangising sagot ni Qin Chu.

"Hoy…" nahulog na naman si Huo Mian sa kanyang bitag. Sa sobrang hiya, gusto na niyang lamunin siya ng lupa.

"Lalabas ako ng kotse kapag hindi ka pa tumigil," sabi ni Huo Mian habang sinusubukang buksan ang pinto.

"Maupo ka," hinawakan ni Qin Chu ang braso ni Huo Mian.

Naramdaman ni Huo Mian ang init ng palad ni Qin Chu sa ilalim ng kanyang damit. Hindi niya mapigilan ang mabilis na tibok ng puso niya.

 Niluwagan ni Qin Chu ang hawak at ibinalik ang kanyang kamay sa manibela. Walang nagsalita ni isa sa kanila sa buong biyahe.

- Thirty minutes ang nakalipas -

Ang kotse ay nakaparada sa eskinita na puno ng mga kainan sa likod ng Second High School.

Ang mga memorya ay mabilis na bumalik kay Huo Mian habang tinitingnan ang kanyang dating high school.

"Sa pagkakarinig ko ay nabili na ang lupang ito."

"O talaga? Kailan?" walang paking tanong ni Qin Chu.

"Siguro ngayong taon lang? Maraming demolishment signs dito noong nakaraang taon, at ang pagkakarinig ko ay ililipat na ang school sa suburbs."

"Iba ang pagkakarinig ko. Ang alam ko ay wala nang gagalaw sa lupang ito."

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong Huo Mian habang tinitingnan si Qin Chu.

"Oo, wala daw itong business value, kaya walang nang may gusto nito," sabi ni Qin Chu habang papatalikod at pumunta sa isang tindahan ng noodles.

- Ah-Xin's Ramen –

Ang noodle house ay tinatawag na Ah-Xin's Ramen. Ang may-ari ng lugar na ito ay galing sa Taiwan, at siya ay forty taong gulang na. Ang pangalan niya ay Ah-Xin.

Ang kanyang asawa ay isang lokal sa lungsod, kaya sinundan niya ito at dito na tumira dalawampung taon na ang nakakalipas. Mayroon din silang anak na babae at lalaki at kuntento na sila sa kanilang mga buhay.

Madalas pumunta sila Qin Chu at Huo Mian dito noong high school pa lang sila.

Pumupunta rito si Huo Mian dahil masarap at mura rito.

Ang isang malaking mangkok ng ramen ay nagkakahalaga ng dalawang yuan lamang. Ito ay masarap, kahit mayroon lamang itong berdeng sibuyas na sangkap.

Noong una, nag-aalangan si Qin Chu kumain ng street food, pero hindi niya matiis ang mga imbitasyon ni Huo Mian at nagsimulang kumain na rin.

Ang mga nakasanayan ay minsan nakakatakot. Ito ay maaaring mahirap baguhin kapag nasanay ka na.

Tinitigan ni Huo Mian ang noodle house. Walang pinagkaiba ang lahat mula noong seven years ago. Sa ilang sandali, akala niya bumalik siya sa nakaraan.

Hindi na bumalik dito si Huo Mian simula noong maghiwalay sila ni Qin Chu. Natatakot siya na baka ang lugar na ito ay magpapa-alala sa kanya ng lahat at magbibigay ng sakit sa kanyang puso.

Hindi niya inaasahan na dadalhin siya ni Qin Chu rito ngayong araw.

"Sir, dalawang mangkok ng ramen," sabi ni Qin Chu.

"Walang problema!" magiliw na sagot ng may-ari ng tindahan habang sinisimulang magpakulo ng noodles.

"Bakit nakatayo ka lang diyan? Tara dito," sabi ni Qin Chu nang makita niyang tulala si Huo Mian sa may pinto.

Parang nagising mula sa mahabang panaginip, umupo na si Huo Mian.

"Sir, magkano na ang isang mangkok ng ramen ngayon?" curious na tanong ni Huo Mian.

Dapat hindi ito bababa sa sampung yuan, dahil sa pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Ngunit, tumawa lang ang may-ari at sinabing, "Pareho lang ng dati."

"Dalawang yuan?" Namamanghang tanong ni Huo Mian.

"Oo."

"Hindi ba kayo malulugi dahil mahal na ang mga bilihin ngayon?" Hindi makapaniwala si Huo Mian.

"Hindi ko masasabing nalulugi na ang negosyo ito, pero paniguradong kaunti lang ang kinikita ko," pinunasan ng may-ari ang pawis sa kanyang noo at tumawa.

"E bakit hindi mo taasan ang presyo? Hindi naman siguro magagalit ang mga bumibili."

"Dahil ayaw kong masira ang mga alaala ng mga tao. Marami sa mga high school students ang bumabalik dito para balikan ang kanilang mga alaala. Minsan, pakiramdam ko, hindi lang ako nagbebenta ng ramen noodles, parang binebenta ko na rin ang mga alaala ng mga taong minsan ay kumain na rito."

"Sir, hindi ka dapat nagbebenta ng ramen, dapat ay maging isa ka na lang manunulat. Para kang kopya ni Yu Qiuyu," tumawa si Huo Mian.

"Wag na, hindi ako edukado, kaya wala akong alam sa panitikan. Pero sabi ng asawa ko, ang kaligayahan ay hindi nabibili ng pera. Naiintindihan ko iyon kapag ang mga batang katulad niyo ay kumakain dito at sinasabi sakin na nasisiyahan kayo. Kaya, hindi namin iniisip ang pera. Hangga't mayroon kaming sapat na pang-araw-araw, ayos lang. Minsan kasi, ang pagkakaroon ng maraming pera ay mas mahirap."

"Hindi lahat ay ganyan mag-isip; bihira na lamang ang may ganyang tingin sa buhay," sagot ni Qin Chu habang nakatingin kay Ah-Xin.

Tumawa lang ang may-ari at hindi na nagsalita pa.

Pagkatapos ng ilang sandali, ang dalawang mangkok ng mainit na ramen noodles ay inihain.

Sumubo kaagad si Huo Mian. Ang lasa nito ay katulad parin noong seven years ago.

"Sobrang sarap," sabi ni Huo Mian.

"Kumain ka pa ng marami kung gusto mo," napatigil sa pagtibok ang puso ni Qin Chu habang pinapanood na mapuno ng pagkakuntento ang mukha ni Huo Mian.

"Sir, bill please!" pagkukusang sabi Huo Mian habang iniwawagayway ang kanyang kamay pagkatapos nilang kumain.

"Huwag ka nang mag-alala, si Qin Chu ay nakapagbayad na ng maraming pera." patawang sabi ng may-ari.

"Nagbayad ka na? Kailan?" gulat na tanong ni Huo Mian.

"Pitong taon na ang nakakalipas."

"Magkano ang binayad mo…?" hindi makapaniwalang tumingin si Huo Mian kay Qin Chu na para ba siyang nakatingin sa isang alien.

Nächstes Kapitel