Chapter 55: Tiwala
- First People's Hospital ng C City -
Ang desisyon ni Qin Chu ay siya na mismo ang mag-opera kay Jing Zhixin ay mabilis na inaksyunan ng hospital director. Agad-agad niyang pinag-utos na ihanda ang VIP Operation Room.
Kung hindi pa nagsuot si Qin Chu ng puting surgical gown at sobra ang pagka-focus nito sa pagbabasa ng medical files ay hindi mapapansin ni Huo Mian kung gaano ka-charming ang lalaking ito.
Hindi siya makapaniwala na totoo ang nakikita niya ngayon sa harap niya…
Hindi niya naisip na isang araw, makikita niya siyang nakatayo sa operating room bilang doktor, ang mga ilaw ay nakatutok sa kanyang gwapong mukha. Ang pamilyar na figure, ang lalaking sobrang minahal niya, ngayon nasa harap na niya. Parang hindi ito totoo.
Lumapit siya kay Qin Chu ng dahan-dahan at tahimik, ngunit napansin niya parin siya.
Pagka-kita niya kay Huo Mian, naging maamo ang tingin nito…
"Gusto kita tulungan."
"Hindi na kailangan. Antayin mo nalang kami sa labas."
"Hayaan niyo kong tumulong, gusto kong makasama ako. Andoon ako noong ginawa natin ang importanteng surgery dati, kaya hindi ako magiging problema. Magiging maingat ako."
Tiningnan siya ni QIn Chu saglit at mabagal na sinabi, "Iba ito. Kapatid mo siya. Baka madistract ka lang."
"Pero..." mukhang ayaw sumuko ni Huo Mian at marami pa siyang gustong sabihin.
"May tiwala ka ba sakin?" tanong ni Qin Chu
Nagulat si Huo Mian…
"Kung may tiwala ka sakin, hayaan mo akong gawin ito."
Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, tumango si Huo Mian…
"Dr. Qin, pwede na nating simulan ang surgery. Handa na ang lahat," binuksan ng assistant surgeon ang pinto at sinabi.
Dinampot ni Qin Chu ang surgical mask. Sinuot niya ito at tuluyang pumasak na ng OR.
Sa pagkakataong iyon, sigurado si Huo Mian, wala na siyang makikita na mas kaakit-akit na lalaki kaysa sa kanya…
Nag-antay si Huo Mian sa labas ng surgery room, kinakabahan. Kalahating oras na ang lumipas pero wala pa ring balita.
Nang biglang, may yabag ng mga paa na maririnig sa hallway. Ini-angat ni Huo Mian ang kanyang ulo at medyo nagulat siya sa taong naglalakad papunta sa kanya.
"Director, andito ka pala."
"Oo, ano na pala ang nangyayari sa loob?"
"Hindi ko pa alam," pag-aalala ni Huo Mian.
"Huwag kang mag-alala, may tiwala ako sa surgical skills ni Dr. Qin."
Tumango si Huo Mian…
Pagkatapos, sinabi ng director, "Mukhang ikaw lang ang may kayang pakiusapan siyang pumunta rito."
Medyo nahiya si Huo Mian. Hindi niya gustong ipangalandakan ang relasyon nila ni Qin Chu o kaya naman ikwento ito sa iba.
"Gusto ko talaga siyang kunin bilang doctor dito, pero sa kasamaang palad… paano ko naman matatapatan ang sweldo niya bilang presidente ng GK? Curious lang din ako sa isang bagay at bilang kaibigan niya, baka may alam ka."
"Ano iyon?" Mahinang tanong ni Huo Mian.
"Pinanganak si Dr. Qin sa isang mayamang pamilya, at isa rin siya sa tagapagmana ng GK. Kaya bakit siya nag-abroad sa loob ng seven years para lang mag-aral sa Harvard Medical School? Sa tingin ko kasi… medyo nakakapagtaka."
Napakagat-labi si Huo Mian, medyo matagal din ito bago makasagot, "Actually, hindi ko rin po alam."
Mukhang medyo na-disappoint ang director sa sagot niya…
"Anyways, huwag ka nang masyadong mag-alala. Paniguradong successful ang surgery."
"Salamat Director," puno ng pasasalamat na tumango si Huo Mian.
Paalis na ang director pero napatigil ito at humarap ulit sa kanya dahil may nakalimutan itong sabihin. "Kanina, nakatanggap ang ospital ng bayad para sa surgery galing sa GK's finance department. Ito ay nagkakahalaga ng 500,000 yuan. 300,000 para sa operasyon at ang natitirang 200,000 ay para sa mga follow-ups."
"Ta...laga?" nagulat si Huo Mian. Hindi lang mabilis na binigay ni Qin Chu ang pera, dinagdagan pa niya ito ng 200,000 para sa follow-up fees. Maaalalahin talaga siya.
Bago umalis ang director, biingyan niya ng isang meaningful na tingin ito at sinabing, "Huo Mian, napakaswerte mong babae."
Tuluyan ng tumalikod ang hospital director at umalis…
Naiwang nakatayo si Huo Mian, tuliro. Naisip niya rin na siya na ang pinakaswerteng babae sa lahat simula ng makilala niya si Qin Chu.
Ngunit, pagkatapos ng nangyari kay Uncle Jing na naging dahilan kung bakit sila naghiwalay. Naging miserable na siya, hinihiling na sana hindi nalang niya nakilala si Qin Chu.
Kung hindi lang siya pumasok sa 2nd High School…
Ngayong madaming panahon na rin ang lumipas, na-realize niya ang katotohanan sa mga salita ng director.
Tuwing kailangan niya ng tulong, kahit pa maraming tao ang nakapaligid sa kanya, si Qin Chu pa rin ang tunay na tumutulong sa kanya.
Ang presensya niya ang nagpapakalma sa puso niya.
Habang nag-iisip siya ng malalim, biglang nagring ang phone ni Huo Mian.
"Bakit mo ako tinatawagan?" Mahahalata mo na may pag-iingat sa kanyang pagtatanong.