CHAPTER 42: Ang Katapusan
"Oh, pumasok ka. Bigyan mo ako ng ilang minuto. Maghihilamos lang ako," binuksan ni Huo Mian ang pinto at pinapasok si Ning Zhiyuan.
Habang naglalakad papasok, mabagal niyang tiningnan ang paligid, at nakaramdam siya ng mixed emotions.
Naaalala pa niya kung gaano siya ka-excited noong unang lipat niya dito kasama si Huo Mian. Kahit natutulog sila sa magkahiwalay na kwarto, masaya siya sa simpleng katotohanan na magkasama sila mula umaga hanggang gabi. Kung hindi dahil sa nangyaring insidente noong highschool reunion niya, siguro kinasal na sila ngayon.
Sobrang galit si Ning Zhiyuan sa ex-boyfriend ni Huo Mian. Naghiwalay na sila, madaming taon na ang lumipas, kaya bakit pa siya bumalik para guluhin sila?
Kung ganoon siya kayaman, bakit hindi nalang siya maghanap ng ibang girlfriend? Bakit kailangan pa niyang kumapit kay Huo Mian?
Nagbihis si Huo Mian, pagkatapos pumunta sa CR para maghilamos. Pagkalabas niya, nakita niya si Ning Zhiyuan nakaupo sa sofa, nagbabasa ng dyaryo.
"Anong dahilan kung bakit gusto mo ako makita?" habang pinapatuyo ni Huo Mian ang kanyang buhok, naglakad ito papunta sa kwarto.
"Salamat sa pagpiyansa mo sakin kahapon," awkward na sabi ni Ning Zhiyuan.
Alam na ni Huo Mian kung tungkol saan ang sinasabi niya at kalmadong sumagot, "Wala lang yon."
"Mian, hindi naman talaga ako ganoon. Bad mood lang talaga ako kahapon. Iniisip ko kasi ang past nating dalawa, kaya nag-inom ako. Pagkatapos ko malasing, may babaeng naglabas sakin sa bar. Hindi ko na maalala ang mga nangyari pagkatapos nun. Paniwalaan mo ako."
"Hindi ka dapat sakin nagpapaliwanag. Ang girlfriend mo ngayon ay si He Man," pinaalala ni Huo Mian sa kanya.
"Mian, alam kong alam mo na may feelings pa din ako para sayo. Nitong mga nakaraang taon, ikaw at ako…"
"Zhiyuan, anong sinusubukan mong sabihin?" straight to the point na sabat ni Huo Mian.
"Mian, ako ang mali ngayon. Naabala ka pa sa pagsundo sakin kagabi at pag-iwan sakin sa hotel. Pakiramdam ko tuloy sobrang nagkasala ako sa 'yo. Naglolokohan lang din kami ni He Man. Hindi iyon totohanan. Ikaw pa rin ang mahal ko. Kalimutan nalang natin lahat ng nangyari, okay? Hindi ko na babanggitin ulit na may contact ka pa rin sa ex-boyfriend mo. Sobrang nagkamali ako ngayon. Idagdag na rin natin yung nangyari kay He Man kaya patas na tayo. Bumalik na tayo sa dati, okay?"
Binaba ni Huo Mian ang kaniyang towel. "Zhiyuan… Sa tingin mo ba laro ang buhay? Nagloko ka at sa tingin mo bigla nalang tayo ulit magsisimula nang ganoon lang?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa mata ni Ning Zhiyuan.
"Hindi yan ang iniisip ko. Maraming oras at effort ang kailangan gawin bago maging tayo at tutal dahil may feelings pa rin tayo sa isa't isa, bakit kailangan pa natin pahirapan ang ating mga sarili?"
"Zhiyuan, alam mo ba kung anong klase ang pinaka-hate kong tao?"
"Ano?" tanong ni Ning Zhiyuan.
"Yung sinungaling."
"Hindi ako nagsinungaling, Mian. Kahapon lang talaga yung unang beses na nagloko ako. Hindi na mauulit."
"Pero sabi nung pulis sa station ay pangalawang beses mo na raw doon. Hindi rin ito ang unang beses na nahuli ka na may prostitute na kasama. Isa kang frequent offender."
Pagkatapos magsalita ni Huo Mian, namutla si Ning Zhiyuan.
Ilang sandali ang lumipas bago niya pa-utal na sinabing, "Huwag ka makinig sa mga maduduming pulis. Mga corrupt sila. Inaaresto nila ang mga tao para sa pera. Na-setup lang ako."
"Zhiyuan, hindi iyon ang point. Ang point ay hindi na tayo makakabalik sa dati."
"Bakit? Dahil ba gusto mo pa rin makipagbalikan sa ex-boyfriend mo, hindi ba? Dahil ba na mas mayaman siya kaysa sakin?" nagsisimula ng magalit si Ning Zhiyuan.
"Huwag mo siyang idamay dito. Wala itong kinalaman sa kanya."
"Hindi ako naniniwala sayo. Paniguradong mahal mo pa rin siya. Hindi mo siya kayang makalimutan, tama ba?" tanong ni Ning Zhiyuan.
"Zhiyuan, nagpaliwanag na ako. Alam mo namang kahit kailan hindi ako nagsinungaling. Ito ay kung ano ito."
"Wala na talagang chance para magkabalikan tayo?" balisang tanong ni Ning Zhiyuan.
Tahimik lang si Huo Mian.
"Sige, naiintindihan ko," naglabas ng pera si Ning Zhiyuan sa kanyang bag at inilagay ito sa coffee table.
"Narinig ko na nagbayad ka ng two thousand para sa piyansa ko kahapon at isa pang thousand para sa hotel room. Lahat ay nagkakahalaga ng three thousand. Ito ang pera, ayoko magka-utang sayo nang kahit ano. Patas na tayo. Huo Mian, binabalaan kita. Yung desisyon mo ngayon, huwag mo pagsisihan. Kapag iniwan ka ng mayaman na lalaking yun, kapag tapos ka na niya paglaruan, huwag kang magmakaawa sakin na balikan ka. Binigyan na kita ng chance, at ikaw ang nagsayang nito."
Pagkarinig niya nito, speechless si Huo Mian.
Pagkatapos magsalita ni Ning Zhiyuan, tumalikod ito at binuksan ang pinto para umalis.
"Hoy, hindi mo pa nakukuha yung mga gamit mo."
"Ayoko na yan. Itapon mo nalang," sabi ni Ning Zhiyuan bago isara nang malakas ang pintuan.
'Ngayon, tapos na talaga ang lahat no?' isip ni Huo Mian.
Nang biglang, nagring ang cell phone niya. Tumalikod si Huo Mian para abutin ito.