Nagmumog lang sandali si Xu Jiamu, at ibinalik din kaagad kay Yang Sisi ang
baso habang hirap na hirap itong tumatayo para maglakad palabas ng CR.
Kaya dali-dali, hinabol niya ito at buong lakas itong inakay pabalik sa kama,
pero noong kukumutan niya na ito bigla siyang natigilan dahil narinig niya itong
bumubulong, "Sisi…"
"Saan pa ba ako makakahanap ng kagaya mo?
"Sisi.. Wag kang umalis…
"Sisi.. Nangako ka sakin diba… wag mo kong iwan..
"Sisi...Sisi..."
Dahil dito, biglang napakapit ng mahigpit sa kumot si Yang Sisi.
Bakit ganun… kahit tinatawag siya ni Xu Jiamu… pakiramdam niya ibang Sisi
ang tinutukoy nito….
-
Kinaumagahan, nagising si Xu Jiamu na may sobrang sakit na ulo.
Parehong pareho pa rin ang damit na suot niya sa kahapon, pero ngayon,
sobrang gusot na nito, at amoy na amoy ang alak at sigarilyo sa buong
katawan niya.
Kaya takang taka siyang bumangon at dumiretso sa CR para maligo.
Pagkababa niya, laking gulat niya nang nakita niya si Yang Sisi na
naghahanda ng hapag kainan.
Kaya bigla siyang natigilan habang inaalala niya kung paano siya sinalubong ni
Yang Sisi.
"Kagigising mo lang? Tara kain." Nakangiting yaya ni Yang Sisi.
Hindi sumagot si Xu Jiamu, naglakad lang siya papunta sa dining area at
walang imik umupo.
Habang naghahanda ng umagahan, binuksan ni Yang Sisi ang TV, at ngayong
nagumpisa na silang kumain, ang kasalukuyang palabas ay isang variety show
patungkol sa mga mga makalumang tula. Sa sobrang tahimik ng buong dining
area, medyo nailang si Yang Sisi kaya nang hindi niya na matiis, gumawa siya
ng paraan para makapagtanong. "Jiamu, anong paborito mong tula?"
Pero dahil ngumunguya si Xu Jiamu, nilunok niya muna ito bago sumagot.
"Xiangsi."
"Huh?" Gulat na gulat na tanong ni Yang Sisi.
"Red berries grow in the South, when Spring comes, I hope that my love would
bring more branches, for it is a symbol of love." Sa totoo lang, ayaw na ayaw ni
Xu Jiamu ng mga tula at literatura, at ang alam niya lang ay ang mga tulang
pinakabisado sakanila noong elementary at isa na 'dun ang "Xiangsi."
"Gusto ko rin yang tulang yan ni Wang Wei." Nakangiting sagot ni Yang Sisi.
Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot si Xu Jiamu at muli siyang yumuko para
magpatuloy sa pagkain.
-
Pagkatapos ng agahan, may natanggap na tawag si Xu Jiamu galing sa opisina
kaya dumiretso siya kaagad sa study room.
Samantalang si Yang Sisi naman ay nagpaiwan pa sa kusina para ipagtimpla si
Xu Jiamu ng kape. Pagkaakyat niya sa study room, naabutan niyang may
kausap pa rin ito sa phone habang nagyatype sa laptop nito.
Kaya para hindi ito maistorbo, dahan-dahan niyang inilapag ang kape sa tabi
nito. Pero imbes na umalis kaagad, nanatili pa siya ng halos kalahating minuto
sa kanyang kinatatayuan para pagmasdan si Xu Jiamu hanggang sa makita
niya ang pirma nito sa isang dokumento - sobrang simple pero halatang
elegante.
-
Pagkaputol ng tawag, nakita ni Xu Jiamu si Yang Sisi na nakaupo sa sofa at
abalang nagsusulat habang umiinom ng kape. "Anong sinusulat mo?"
"Pumipirma ako." Masayang itinaas ni Yang Sisi ang papel na hawak nito at
nagpatuloy, "Nakita ko kasi ang ganda ng pirma ko kaya nainggit ako, pero
kahit anong gawin ko, ang pangit talaga eh… Pwede mo ba akong tulungang
pagandahin?"
Tumungo si Xu Jiamu.
Kaya dali-daling tumayo si Yang Sisi, dala ang papel at ball pen, papunta sa
lamesa.
Walang imik na kinuha ni Xu Jiamu ang ballpen, at kagaya ng request ni Yang
Sisi, tinulungan niya itong pumirma, pero sa dami ng 'Yang Sisi' na naisulat
niya, hindi talaga siya makuntento.
Kaya nagpatuloy siya, pero habang nasa kalagiutnaan, bigla itong sumigaw.
"Jiamu, hindi ako si Song Xiangsi."