webnovel

Pagpapatuloy (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pero hindi pa rin kumain si Song Xiangsi.

Siguro hindi pa talaga siya handang makipagusap kahit kanino, kahit kay Xu

Jiamu pa, kaya noong sinubukan nitong subuan siya ulit, bigla siyang

bumangon at walang imik na naglakad papunta sa kwarto ng papa niya, kung

saan naglock siya ng pintuan.

Ilang beses na kumatok si Xu Jiamu, pero dahil ayaw talagang buksan ni Song

Xiangsi, lalo lang siyang nag'alala kaya bandang huli, napagdesisyunan niyang

hanapin nalang ang susi.

Nang mahanap niya na ito, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at

pumasok sa loob, kung saan nakita niya si Song Xiangsi na nakasalampak sa

sahig habang tinutupi ang mga damit ni Mr. Song.

Sa totoo lang, nirerespeto niya naman talaga ang pagluluksa ni Song Xiangsi

at sadyang nagaalala lang talaga siya dahil ilang araw na itong hindi kumakain,

pero noong nakita niyang maayos naman ang lagay nito, hindi na siya

nagsalita pa at tahimik nalang na naglakad palapit para samahan itong

magtupi.

Hindi maintindihan ni Song Xiangsi kung ano ba talagang gustong mangyari ni

Xu Jiamu. Hanggat maari, gusto niya sana talaga munang mapag'isa, pero

akmang itataboy niya sana ito ulit, bigla siyang natigilan nang makita niya ang

namamaga nitong kamay, kaya bandang huli, yumuko nalang siya at

nagpatuloy sa pagtutupi.

Sa kabinet ni Mr. Song, may isang lumang kahon na nakita si Song Xiangsi.

Hindi niya alam kung anong laman nito, pero noong sinubukan niyang kunin,

sobrang bigat, kaya kahit hindi siya humingi ng tulong, nang mapansin ni Xu

Jiamu na nahihirapan siya, walang pagdadalawang isip itong lumapit para

tulungan siya.

Pagkabukas niya ng kahon, tumambad sakanya ang mga litrato niya mula

noong kinder pa lang siya hanggang noong grumaduate siya ng high school.

Sa loob nito, may iba't-ibang klase rin ng libro, notebook, sketchbook, at mga

award… At habang iniisia-isa niya ang mga ito, muli nanaman siyang naging

emosyunal at hindi napigilan ang sarili niyang umiyak.

Ang natatanging tao na kilala niyang sobrang nagmahal sakanya ng buong

puso na alam niyang pwede niyang sandalan kahit anong oras ay iniwan na

siya… At mula ngayon, wala na siyang ibang pwedeng asahan kundi ang sarili

niya…

-

Pagsapit ng gabi, hindi pa rin kumain si Song Xiangsi, at dahil dito, nawalan na

rin ng gana si Xu Jiamu, kaya bandang huli, iniligpit nalang nito ang mga

nakahandang pagkain at inilagay sa ref.

Sa kwarto ni Mr. Song natulog si Song Xiangsi, samantalang si Xu Jiamu

naman ang natulog sa kwarto niya.

Pagsapit ng alas onse, bumuhos ang malakas na ulan, na may kasamang

kidlat, kaya si Xu Jiamu, na kakatulog palang, ay biglang napabangon sa

sobrang gulat.

Naalala niya ang sinabi sakanya ni Mr. Song noong huling beses silang

nagusap. Nabanggit ng matanda na kahit mukhang matapang at malakas na

babae si Sisi, ang totoo ay malambot talaga ang puso nito, at ang kidlat ang

pinaka kinatatakutan nito.

Dahil dito, dali-dali siyang bumangon at walang pagdadalawang isip na

pumunta sa kwarto ni Mr. Song, pero pagkabukas niya ng pintuan, laking gulat

niya dahil wala si Song Xiangsi sa kama.

Kaya kabang-kaba at punong-puno ng pagmamadali niyang hinalughog ang

buong kwarto, at nang makumpirma niyang wala talaga ito sa loob, bumalik

siya sa kwarto ni Song Xiangsi para kunin ang kanyang phone, at nang

sandaling mag'connect na ang tawag, narinig niyang may nagriring galing sa

loob ng kwarto ni Mr. Song.

Sa pagkakataong ito, lalong kinabahan si Xu Jiamu, kaya kahit nakapantulog

pa siya, kumaripas siya ng takbo palabas.

Sa sobrang pagmamadali, wala na sa utak niyang magdala ng payong kaya

pagkasakay niya ng sasakyan, basang basa ang buong katawan niya. Ang una

niyang naisip ay baka pumunta ito sa puntod ni Mr. Song, kaya dumiretso siya

dun, pero noong walang Song Xiangsi siyang nakita, dali-dali siyang

nagmaniobra pabalik. Pagkarating niya sa bahay ng mga Song, nagmamadali

naman siyang tumakbo papasok para tignan kung nakauwi na ba ito, pero bago

pa siya makapasok, bigla siyang naigilan at pagkalipas ng halos dalawang

segundo, nagmamadali siyang tumakbo papunta sa Baishulin District.

Habang patagal ng patagal, palakas din ng palakas ang ulan, kaya maging ang

mga ilaw sa kalsada ay lumabo na rin, na lalo pang nagpahirap sa paghahanap

niya kay Song Xiangsi.

Kaya gamit ang flash light ng kanyang phone, inikot niya ang buong park

hanggang sa may makita siyang isang taong nakaupo sa isang gilid na

nakayuko sa pagitan ng mga tuhod nito.

Base sa pajama ng tao, sigurado siyang si Song Xiangsi 'yun.

Kaya bigla siyang nakahinga ng maluwag at walang pagdadalawang isip na

naglakad papunta rito, pero noong malapit na siya, bigla siyang natigilan nang

marinig ang mga hikbi nito na sumasabay sa ulan at kidlat.

Nächstes Kapitel