webnovel

Pagpapatuloy (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tinignang maigi ni Mr. Song si Xu Jiamu – maayos itong manamit at sobrang

gwapong binata… Siguro dahil sinabi sakanya ni Song Xiangsi na may

pagmamay-ari itong isang malaking kumpanya, medyo nahiya siya dahil normal

na tao lang siya. Alam niya rin na kahit sikat na si Song Xiangsi, sobrang layo

pa rin ng mundo ng mga ito, kaya bilang ama, bigla rin siyang kinabahan.

Nakatitig lang siya sa kay Xu Jiamu, na nakangiti sakanya, at nahimasmasan

lang nang maglapag si Song Xiangsi ng upuan sa tabi ng kama niya, at doon

lang siya dali-daling tumungo at sinabi habang tinuturo ang upuan, "Upo, upo."

Magaling makiramdam si Xu Jiamu ng tao kaya nang mapansin niyang naiilang

si Mr. Song sakanya, siya na mismo ang nagumpisa ng usapan, "Uncle,

kamusta na po ang pakiramdam niyo?"

"Mabuti, mabuti." Nagmamadaling sagot ni Mr. Song.

Para mabawasan ang tensyon, tinignan niya si Song Xiangsi na nakatayo sa

tabi niya, at habang inaalala ang mga sinabi nito bago sila pumasok sa kwarto,

maingat niyang hinawakan ang kamay nito.

Muli, mahinahon siyang nagpatuloy, "Uncle, ang sabi po ng doktor, hanggat

positibo ka magisip, kayang kaya pang humaba ng buhay mo, ako at…"

Biglang natigilan si Xu Jiamu, para alalahanin ang palayaw ni Song Xiangsi, "at

si Sisi ay may plano na po. Gusto po sana naming magpakasa sa October at

gusto po namin na nadun kayo."

Kahit na malinaw na dinikta ni Song Xiangsi kay Xu Jiamu ang mga sinasabi

nito, para sakanya, sobrang sarap pa rin nitong pakinggan, na para bang

nanaginip lang siya.

Sa walong taon nilang pagsasama, tanging siya at ang langit lang ang

nakakaalam kung ilang beses niyang pinangarap na mapakasalan si Xu

Jiamu….

Pero sa tuwing iisipin niya yun, lagi lang siyang nasasaktan, na maging sa

pagtulog niya ay hindi niya magawang isiping gusto siyang pakasalan nito.

Bilang ama, sobrang saya ni Mr. Song sa sinabi ni Xu Jiamu, kaya kahit alam

niya sa sarili niya na malabo ng maka'abot siya sa araw na 'yun, masaya pa

rin siyang sumaggot, "Oo, oo."

Nagpatuloy si Xu Jiamu sa paghawak sa kamay ni Song Xiangsi. "Uncle,

pasensya na talaga kung ngayon ko lang po kayo nadalaw sa tagal namin ni

Sisi."

"Ano ka ba… Ayo slang yun… Ang sabi akin ni Sisi, sobrang busy mo raw…"

Walang bakas ng sama ng loob na sagot ni Mr. Song.

...

...

Hindi inaasahan ni Song Xiangsi na magaling palang umarte si Xu Jiamu… Sa

sobrang galang at galing nitong makipagusap, kitang-kita niya kung gaano

kasaya ang papa niya, na bandang huli ay nagawa pa siyang biruin, "Sisi,

ngayon na nakita ko na ang boyfriend mo, pwede na akong mamatay."

Napangiti nalang si Song Xiangsi, pero si Xu Jiamu ay nagpatuloy pa rin,

"Uncle, ano bang sinasabi mo…. Pwede kong ipahanap ang pinaka magaling

na medical team para gamutin ka."

Ngumiti lang si Mr. Song, at imbes na sagutin ang paglalambing ni Xu Jiamu,

muli siyang tumingin kay Song Xiangsi. "Sisi, nakapag'book ka na ba ng mga

ticket?"

"Hindi pa po, magbubook na po ako," Sgaot ni Song Xiangsi habang kinukuha

ang kanyang phone.

"Anong ticket po?" Nakangiting tanong ni Xu Jiamu.

"Gusto sana naming umuwi," Paliwanag ni Mr. Song.

"Kailan po?" Muling tanong ni Xu Jiamu.

"Ngayon na."

Dahil dito, biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu at pasimple siyang sumilip

kay Song Xiangsi, na abalang nagbubook ng ticket. Pagkatapos, walang

pagdadalawnag isip niyang inagaw ang phone nito, at kinuha ang sarili niyang

phone. "Magbook ka ng tatlong ticket… Sige, isesend ko nalang sayo ang mga

identification number at kung saan kami pupunta…"

Pagkaputol ng tawag, ibinalik niya kay Song Xiangsi ang phone nito. "Isulat mo

ang identification number niyo ng papa mo."

Nächstes Kapitel