Huminto si Xu Jiamu sa harapan ni Song Xiangsi, at bigla, hinawakan niya ang
baba nito para tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. "Papayag ka sa
kahit ano?"
Bukod sa nanlilisik nitong mga mata, ramdam din sa boses nito ang matinding
galit.
Ito ang Xu Jiamu na kilala ni Song Xiangsi, at ngayong muli niyang nakita ang
nakakatakot nitong personalidad, halos hindi siya makapagsalita sa sobrang
takot, pero para kay Little Red Bean handa siyanggawin ang lahat, kaya pinilit
niyang kumalma at tumungo.
Pero imbes na bitawan, lalo lang hinigpitan ni Xu Jiamu ang pagkakawak nito
sa kanyang baba. "Paano kung gusto kitang makasama ng tatlong araw at
tatlong gabi? Papayag ka?"
Hindi inaasahan ni Song Xiangsi na hanggang nagyon ay ganito pa rin kababa
ang tingin ni Xu Jiamu sakanya… Pero… Kung tatanggi siya, paano naman
ang anak nila? Kaya kahit ang ibig sabihin ng pag 'oo' niya ay muli niya itong
binibigyan ng kapangyarihang tapakan ang pagkataon niya, pumayag siya…
"Payag ako."
Galit at kahihiyan ang naramdaman ni Xu Jiamu matapos niyang marinig ang
sagot ni Song Xiangsi…'Song Xiangsi… Bakit tayo umabot sa ganito…' Ilang
segundo pa ang lumipas na nakatitig lang siya sa mga mata nito, bago niya
galit na alit na binatawan ang baba nito at nagmamadaling naglakad palabas.
Medyo malakas ang pagkakasanggi ni Xu Jiamu kaya na'out of balance si
Song Xiangsi, pero agad siyang tumayo ng maayos at dali-daling humabol dito.
Walang tingin-tingin, dumiretso si Xu Jiamu sa driver's seat. Hinintay niya lang
si Song Xiangsi na makasakay, at hindi pa man ito nakakapag seat belt, bigla
niyang inapakan ng madiin ang accelerator kaya literal na humarurot sila ng
takbo.
Habang nasa byahe, wala ni isa sakanila ang nagsasalita.
Nakatutok lang si Xu Jiamu sa kalsada, pero habang papalapit sila ng
papalapit sa ospital, lalo lang tumitindi ang galit na nararamdaman niya.
Huminto sila sa tapat mismo ng emergency room ng ospital, at waalang
tanong-tanong kay Song Xiangso, dumiretso siya sa blood center, nirolyo ang
kanyang manggas at umupo.
Kaya nang makita ito ng nurse, nanlaki ang mga mata nito sa sobrang
pagkagulat, pero buti nalang, nakahabol kaagad si Song Xiangsi, kaya
naipaliwanag niya ang lahat.
"Malala na ang lagay ng pasyente. Sa tingin ko, 800 ml ang kailangan niya,
pero 400 ml lang ang pwedeng idonate ng isang tao…."
Pero bago pa man matapos sa pagsasalita ang nurse, biglang sumabat si Xu
Jiamu. "Wag kang magaalala, kunin mo sakin lahat ng kailangan niya."
Kaya naguguluhang tumingin ang nurse kay Song Xiangsi.
"Jiamu…"
"Dahil may deal tayo, dapat lang naman na maging patas ako, tama?"
Pangasar na sagot ni Xu Jiamu kay Song Xiangsi, bago siya muling humarap
sa nurse. "Kunin mo na!"
-
Sa dami ng dugong nakuha kay Xu Jiamu, napapikit nalang siya sa sobrang
hilo. Pero wala siyang balak na indahin ito, kaya pagkalipas ng halos
kalahating minuto, tumayo sakanyang kinauupuan at naglakad palabas ng
emergency ward.
Kaya nang makita ito ni Song Xiangsi, na nakatayo lang sa isang gilid sa
kabuuhan ng proseso, ay dali-dali siyang tumakbo para alalayan ito. "Ihahatid
na kita pauwi."
"Wag na," Tanggi ni Xu Jiamu, na hinang-hinang itinaas ang kanyang kamay
para pumara ng taxi.
"Mukhang hindi ka okay, kailangan mo munang kumain para mabawi mo yung
dugong nawala sayo.
Isa pa…"
"Mrs. Song, bilang tindera at kliente, sa tingin ko parang hindi na natin dapat
pinaguusapan ang ganitong bagay, tama?"
Hindi inaasahan ni Song Xiangsi na ganito ang magiging sagot ni Xu Jiamu
sakanya, at bilang taong tumanggap ng pabor mula rito, malinaw na wala
siyang karapatang sumagot ng pabalabang, kaya hindi na siya nakipagtalo pa
at napayuko nalang.
Hindi nagtagal, may humintong taxi sa harapan nila, pero nang sandaling
maglakad si Xu Jiamu papalapit dito, medyo gumewang ito, kaya dali-dali
siyang lumapit para alalayan ang braso nito. "Ayos ka lang ba?"
Ngunit hinawi lang siya nito, at nagdire-diretsong binuksan ang back seat ng
taxi.