Hindi na sumagot si Xu Jiamu.
Kaya hindi na rin gumawa ng kahit anong ingay ang manager ni Song Xiangsi
at tahimik nalang na lumabas.
Ngayong magisa nalang si Xu Jiamu, paulit ulit niyang inalala ang mga sinabi
ni Song Xiangsi na sobrang tumagos sa puso niya.
"Sa loob ng tatlong taon, wala lang ako para sayo, at ganun ka rin naman sa akin! Kasi
nga, business lang ang lahat ng nangyari sa atin. Ngayong pareho na tayong bayad sa
isa't-isa, tapos na rin tayo.
"Eh ano pa ba? Kasi kung hindi ganito ang sinasabi ng puso ko, bakit pinalaglag ko
yung anak mo…"
Ngayong naintintindihan niya na ang lahat, mangiyak-ngiyak nalang siyang
natawa sa sarili niya.
'Wala lang pala ako para sayo, at kagaya ng sinabi mo, wala ka lang din para
sakin…So, sa tagal ng pinagsamahan natin, ganito lang pala talaga ang
naramdaman mo.'
'Xu Jiamu… Pwede bang sumuko ka na?'
'Hindi ka nga niya mahal'
'Diba, matagal niya naman na talagang gustong umalis?'
'Sa totoo lang, alam mo naman eh… pero naghintay ka pa talaga na
manggaling sakanya… oh ano ka ngayon?'
'Sobrang binaba mo na yung sarili mo… Tama na, Xu Jiamu…"
-
Pagkaalis ni Song Xiangsi sa The Capital Club, dumiretso siya sa Su Yuan
apartment.
At sa harap ng isang floor-to-ceiling window, nakatulala lang siya sa kalangitan
na may sobrang gulong utak.
Alam niya sa sarili niya na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya pagdating
kay Xu Jiamu.
Pero kahit ano pa man ang nararamdaman niya, alam niya naman na wala na
talagang pagasang magkabalikan pa sila.
Hindi na siya ang Song Xiangsi eleven years ago, na maraming oras para
mainlove, maghintay, at magmuni-muni dahil ang Song Xiangsi ngayon ay
thirty years old na, at may isang anak na dalawa't-kalahating taong gulang
palang. Mula noong talikuran niya ang buhay niya sa Beijing, maraming pera
na ang nawala sakanya, kaya ngayon, kailangan niyang kumayod ng sobra
para sa batang umaasa sakanya.
Walang nakakalam kung anong naramdaman niya noong nagising siya isang
araw at narinig niya mula mismo sa bibig ni Xu Jiamu ang mga salitang,
"Paano ko naman siya papakasalan?"
Mula noong araw na 'yun hanggang noong unang beses silang naghiwalay,
sobrang laki ng ibinaba ng tingin niya sa kanyang sarili, pero kapag kaharap
niya si Xu Jiamu, ginagawa niya ang lahat para magpanggap na masaya at
ayos lang ang lahat…ngunit sa tuwing mag-isa siya…palagi siyang umiiyak at
tinatanong ang sarili niya kung bakit kailangan maging ganun ang maging
tadhana niya.
'Ano ba yan, Song Xiangsi… Tama na. Hindi na natin mababago ang
nakaraan…' Huminga siya ng malalim at umiling para gisingin ang kanyang
sarili sa katotohanan, at noong maglalakad na sana siya pabalik sa sala, sakto
namang nagring ang kanyang phone.
Nang silipin niya ito, tumambad sakanyang screen ang isang hindi nakasave
nanumber, kaya noong una, medyo nagalangan pa siya bago niya ito sagutin.
"Excuse me, Miss Song. Si Song Xiangsi po ba ito?
"Oo." Naguguluhang sagot ni Song Xiangsi.
"District One Hospital po ito. Nagkaroon po ng car accident sa Ring South
Road at ang sasakyan ay may plate number na 643. Base sa rescuers, may
isang matanda, at isang tatlong taong gulang na batang babae sa loob ng
sasakyan. Pareho po silang nasa ospital ngayon. Kasalukuyan pong
nakacomatose ang matanda, at ang batang babae naman ay malala rin ang
kondisyon…"
Nang marinig ito ni Song Xiangsi, bigla niyang nabitawan ang kanyang phone
sa sobrang kaba.
Car accident. Batang babae. Malala ang kondisyon…. Si Little Red Bea ba ang
tinutukoy ng kausap niya?
Pakiramdam ni Song Xiangsi ay parang mahihimatay siya sa balitang kanyang
narinig, pero dala na rin siguro ng adrenaline rush, dali-dali niyang kinuha ang
kanyang bag at tumakbo palabas ng apartment.
-
Alas kwatro na noong umalis si Xu Jiamu sa The Capital Club.
May dinner meeting pa siya noong araw na 'yun, kaya dumiretso na siya
kaagad sa Xu Enterprise, pero noong nasa tapat na siya ng building,
naramdaman niya na wala talaga siya sa mood kaya tinawagan niya nalang
ang kanyang secretary na iurong ng dalawang araw ang nakaset na meeting,
bago siya magmaniobra pabalik sa Mian Xiu Garden.
Pagkauwi niya, saktong papasok din ang sasakyan ni Lu Jinnian, nauna lang
ito ng konti sakanya kaya imbes na dumiretso sa bakuran niya, ipinarada niya
nalang ang kanyang sasakyan sa labas lang ng villa.