"Eh ano naman ang two plus two?" Muling tanong ni Little Rice Cake.
Bilang dalawa't-kalahating taong gulang, hindi pa talaga marunong mag add si
Little Red Bean… Nakabisado niya lang ang ang sagot sa one plus one, dahil
lagi nila itong napaguusapan ng kuya Qiao An niya noong nasa America pa
siya, at para sa two plus two na tanong ni Little Rice Cake, hindi niya na alam,
kaya gulong-gulo siyang umiling dito.
Gustong gustong kalaro ni Little Rice Cake si Little Red Bean, pero dahil
naubusan na sila ng paguusapan, kailangan niya nanamang magisip ng bago.
"Hindi mo alam? Okay lang yan, tuturuan nalang kita."
"Two plus two equals four," Kasabay nito, tinuruan niya si Little Red Bean na
mag'add gamit ang mga daliri nito. "One, Two, Three, Four."
Tinitigan maigi ni Little Red Bean ang apat na naiwan niyang daliri, at
pagkatapos ng ng ilang segundo, masaya niya itong itinaas at sinabayan si
Little Rice Cake, "Four."
Dahil nakita naman ni Little Rice na interesado ang kalaro, nagpatuloy lang
siya sa pagtuturo. "Four plus four equals eight."
Kagaya noong nauna, tinulungan niya itong gamit ang mga daliri nito . "One,
Two, Three, Four, Five, Six, Seven, Eight."
Manghang-manghang tumungo si Little Red Bean at inulit, "Eight."
"Eight plus eight equals…"
Para sa tanong na ito, itinaas ni Little Red Bean ang lahat ng mga daliri niya,
pero nang mapansin niyang kulang na, nagtataka siyang tumingin kay Little
Rice Cake, kaya para hindi siya mahirapan, dali-dali nitong idinikit ang mga
daliri nito sa kamay niya at sinabayan siyang magbilang, "Sixteen."
Hindi kagaya ng ibang mga bata, interesado si Little Red Bean na matuto ng
math kaya ngayong may pagkakataon siya, tutok na tutok siyang nakatitig sa
sampu niyang mga daliri at sa dagdag na anim na daliri ni Little Rice Cake.
Hanggang 'ten' palang ang naituturo ng mommy niya sakanya, kaya
pagkatapos nito, hindi niya na alam ang kasunod. "Ten,ten,ten…"
Buti nalang, naintindihan kaagad ni Little Rice Cake, kaya dali-dali siyang
tinulungan nito. "Eleven, twelve, thirteen, fourteen, fifteen, sixteen."
Pagkatapos nilang magbilang, muling nagtanong si Little Rice Cake, "Sixteen
plus sixteen…"
Pero muli, tinitigan lang siya ni Little Red Bean na punong puno ng pagtataka.
Kaya nang napansin ng pilyong Little Rice Cake na wala nanamang ideya ang
kalaro niya, bigla siyang namula dahil sa totoo lang, hindi niya rin alam ang
sagot kaya pagkalipas ng ilang segundo, masaya siyang nagpatuloy, "Sixteen
plus sixteen equals two sixteen."
-
Sa totoo lang, inaasahan na ni Qiao Anhao na iiyak at magtatantrum si Little
Rice Cake sa unang araw nito sa kindergarten kagaya ng laging nangyayari,
kaya sobrang nagulat siya na kinabukasan, alas sinco palang ng umaga ay
kumakatok na ito sa kwarto nila ni Lu Jinnian para madaliin silang maghanda
para makapasok na ito sa school.
Pero ang pinaka nakakagulat sa lahat, ang anak niya na hirap na hirap siyang
pakainin ng mansanas ay talagang nagrequest pa na magbaon ito ng ilan sa
school.
-
May dinner meeting si Xu Jiamu ngayong araw at pagkatapos nila, nagyaya si
Mr. Zhang na maglaro ng mahjong.
Ilang taon na rin simula noong naging anti-social si Xu Jiamu, at kagaya ng
laging nangyayari, tumanggi na siya sa yayang ito noong una, pero nang
makita niyang masama ang panahon, naisip niya na ang lungkot naman kung
didiretso siya kaagad sa office lalo na wala naman siyang gagawin, kaya
bandang huli, mabigat man sa loob niya, nagdesisyon siyang bumalik nalang
sa private room.
Lahat ng mga kasama niya, bukod sakanya, ay sobrang saya at hayok na
hayok maglaro.
Pero kumpara sa mga ito, di hamak na mas maswerte siya, kaya sa tatlo o
apat na magkakasunod na round, siya lang ang laging nanalo.
Ang lalaking nakaupo sa harapan niya, na nasa kwarenta na rin siguro ang
edad, ay si Mr. Luo, na kilala bilang isa sa mga prominenteng negosyante sa
mundo ng makeup industry. Kilang-kilala ang brand nito sa buong China dahil
sa mga dekalidad na mga artista ng kinukuha nito bilang endorser, at ngayong
gabi, bumili siya rito ng tatlumpung porsyento ng shares sa pinaka bago
nitong produkto.
Kaya habang tumataya si Mr. Zhang, sinulit nito ang pagkakataon na
mapagusapan ang ibang mga plano ng nasabing negosyante. "Mr. Luo, may
plano ka bang palitan ang endorsement model para sa brand mo ngayong
taon?"