webnovel

Ang Katapusan (28)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin para maniwala ka?" Muling tinitigan

ni Song Xiangsi si Xu Jiamu ng diretso sa mga mata, at nagpatuloy, "Oo,

pinalaglag ko ang anak mo…"

Pero sa pagkakataong ito, tuluyan ng nandilim ang paningin ni Xu Jiamu.

Galit na galit niyang hinablot ang balikat ni Song Xiangsi at walang

pagdadalawang isip itong binalibag sa lamesa.

Bukod sa pagkahilong naramdaman niya noong tumama ang ulo niya, tagos

sa puso ang sakit na naramdaman ni Song Xiangsi, pero wala siyang balak

na muling magpakababa para kay Xu Jiamu kaya imbes na indahin ang sakit,

nanitili siyang kalmado, na para bang walang nangyari.

Kaya lalong nagalit si Xu Jiamu at sinakal siya ng mahigpit. "Ibalik mo ang

anak ko! Ibalik mo ang anak ko! Sasakalin kita hanggang sa mamatay ka!

Papatayin kita!"

Hindi siya nagpumiglas, bagkus, pumikit lang siya at hinayaan si Xu Jiamu na

ilabas ang lahat ng galit nito habang sinasakal siya.

Habang tumatagal, pahigpit ng pahigpit ang kamay nito, kaya bandang huli,

halos hindi na siya makahinga, pero noong akala niyang mamatay na talaga

siya, bigla siyang binitawan ni Xu Jiamu. Ang buong akala niya ay tapos na,

pero hindi pa man din siya nakakabuwelo ay muli nanaman siyang hinawakan

nito sa braso kaladkarin papunta sa sala, at ibalibag sa sofa.

Kanina pa tumatama ang ulo niya, kaya sa oras na 'to, sobrang nahihilo na

siya. Wala siyang ideya sa kung ano ng nangyayari sa paligid niya, pero hindi

nagtagal, nakarinig nalang siya ng matining na tunog, kaya dali-dali niyang

hinawakan ang kanyang tyan.

Pagkasilip niya, kitang-kita niya si Xu Jiamu, na parang nababaliw na sa

sobrang galit. Ibinabato nito ang kahit anong gamit na madaanan ng mga

mata nito, at maging ang mga upuan at bumbilya ay hindi rin nito pinalampas.

Sobrang daming bubog na nagsitalsikan, kaya bandang huli, nagkanda sugat-

sugat na ang mukha nito, pero parang wala na itong nararamdaman.

Mahigit isang oras na nagwala si Xu Jiamu, at noong oras na huminto siya,

halos wala ng gamit na natira sa buong sala dahil nagkapira-piraso ang mga

ito sa sahig. Gamit ang kanyang buong lakas, dahan-dahan siyang tumayo at

mangiyak-ngiyak na tinitigan si Song Xiangsi ng sobrang tagal….Pagkalipas

ng ilang sandali, na walang nakakalam kung gaano katagal, naglakad siya

papalapit kay Song Xiangsi at hinawakan ang baba nito, na may nanlilisik na

mga mata. "Song Xiangsi, iba ka… iba ka talaga…

"Masahol ka pa sa hayop…Sabi ng iba, kahit gaano pa raw kabangis ang

tigre, hinding hindi nito kakainin ang sarili nitong anak… Wala kang puso,

pinatay mo yung sarili mong anak!"

"Anong karapatan mo para patayin ang anak ko? Tinanong mo ba ang

opinyon ko?"

"Huh huh…" Habang nagsasalita si Xu Jiamu, hindi niya mapigilang matawa

dahil hindi niya na alam kung paano niya ilalabas ang sama ng loob na

nararamdaman niya. Mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata, at tungo

nalang siya ng tungo habang nakatitig kay Song Xiangsi. At… bigla…ibinaling

niya ang kanyang tingin sa bintana, at emosyunal na sinabi, "Walong

taon….ngayon ang ikawalong taon na magkakilala tayo…"

Walong taon….sobrang habang panahon…kanina, sobrang sigurado na siya…

pero ngayon….

Ngayong gabi…desidido na sana siyang magpropose, pero ang napaka ganda

niyang plano ay biglang nasira ng abortion paper na ipinakita nito.

Kung anak nga nila mismo, hindi nito matanggap, eh paano pa siya?

Tama…Puro yung nararamdaman niya lang ang pinagtuunan niya ng pansin,

akala niya sapat na ang pagmamahal niya, pero oo nga pala... ni isang

beses, hindi siya nagtanong kung gusto rin ba siya nito.

Muli, natawa nalang si Xu Jiamu at tinitigan ang mangiyak-ngiyak na mga

mata ni Song Xiangsi. "Song Xiangsi, mula ngayong araw, wala ng

namamagitan sa atin!"

Nächstes Kapitel