webnovel

Ang katapusan (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ilang tao ba ang naging mapusok noong kabataan nila?

Ang tunay na pagmamahal ay laging mapagbigay, at hindi makasarili.

Noong una, puro si Lu Jinnian lang ang nakikita ni Qiao Anxia. Hindi dahil

mahal niya ito o nagseselos siya kay Qiao Anhao, kundi dahil may gusto

siyang patunayan.

Pero bandang huli, naintindihan niya na hindi pagmamahal ang naramdaman

niya.

Kasi kung mahal niya talaga ito, bakit hinayaan niyang maging kumplikado

ang buhay nito ng dahil sakanya?

Kasi ang buong akala niya ay sasaya siya kapag nakita niya itong

malungkot…

Pero nakakalungkot lang, na kung kailan malapit na siyang mamatay, ay doon

niya lang naintindihan ang lahat.

Habang kinakausap niya si Chen Yang, naiiyak na siya, pero pinilit niyang

ngumiti, na ibang iba sa pangkaraniwan niyang ngiti…. Sobrang ganda,

inosente, at totoo…

"Chen Yang, kung alam ko lang…. na makikilala kita… Hindi na sana ako

naghanap ng maraming…"

Muli siyang umubo, na sa pagkakataong ito ay may kasama ng dugo. Maging

ang kanyang paningin ay nanlalabo na rin kaya bago niya pa sabihin ang

salitang boyfriend ay tuluyan pumikit.

Totoo ang lahat ng sinabi ni Qiao Anxia…Walang dagdag, walang bawas…

Akala niya talaga si Lu Jinnian ang kanyang one true love at dahil hindi niya

ito makuha kuha, nakipagdate nalang siya kung kani-kanino para lang

patunayan dito na pwede niyang makuha ang anuman o sinumang gustuhin

niya.

Wala pa siyang kamuwang-muwang noon… Pero ngayong nahanap niya na

ang taong gusto niyang makasama habambuhay, pinagsisihan niya na ang

lahat…

Kung pwede niya lang sanang ulitin ang nakaraan at balikan ang kabataan

niya…Kung alam niya lang na darating yung araw na makikita niya ang taong

para sakanya, sisiguraduhin niyang magpapakatino siya.

Pero minsan, karanasana din talaga ang magtuturo sa isang tao…

Gusto sanang tignan ni Qiao Anxia sa huling pagkakataon, pero sobrang

pagod na siya para imulat angt kanyang mga mata.

At sa tagal niyang nakikipaglaban, ngayon lang siya kinabahan…

Mamatay nab a siya?

Ibig sabihin, hindi niya na makikita si Chen Yang at Qiao Qiao?

Pero… pero.. pinagsisihan niya naman na ang lahat, diba? Gusto niya lang

namang magsorry sa dalawa pero bakit biglang nagkaganito?

Kaya takot na takot niyang sinubukang dumilat, pero kahit anong gawin niya

ay hindi niya talaga magawa. Sa huling pagkakataon, gusto na sanang

tawagin ang pangalan ni Chen Yang, pero bago pa siya makapagsalita ay

tuluyan ng nagdilim ang paligid niya.

At kasunod nito ay isang patak ng luha na tumulo sa braso ni Chen Yang.

Nang maramdaman ito ni Chen Yang, dali-dali niya itong niyakap at kahit

hindi siya humagulgol, alam ng lahat ng kasama niya na umiiyak siya.

Oo… Ito ang babaeng mahal niya. At pangalan nito ay Qiao Anxia. Hindi ito

ang pinaka magaling at maraming may ayaw dito.

Aminado siya na maraming naging boyfriend ang babaeng mahal niya, at

hindi ito naging matino noong kabatan nito…

Nächstes Kapitel