webnovel

Peligro (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kaya biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu at sinundan ng tingin si Song Xiangsi.

Mula pa kagabi, nararamdaman niya ng may kakaiba… Una, umuwi itong lasing na lasing. Noong tinanong niya kung anong nangyari, hindi ito umiimik. Pangalawa, pagkatapos niya itong hintaying maligo, natulog ito kaagad at noong sinubukan niyang hawakan ito, bigla itong nagalit at sinapa niya. Sa totoo lang, magagalit pa nga sana siya pero bago pa siya makapagsalita ay bigla itong bumangon na may dalang unan at naglock sa guest room.

Kaninang umaga, akala niya sabay silang pupunta sa "Isang daang taong kaligayahan", pero pagkatapos niyang maligo, bigla nitong kinuha ang bag nito at nagdire-diretso na parang hindi siya nakita kaya dali-dali siyang nagbihis at kinuha ang ang susi ng sasakyan nito. Pagkalabas niya, ang buong akala niya talaga ay hihintayin siya ni Song Xiangsi, kaya laking gulat niya na umalis na pala ito gamit ang sasakyan niya. Pero ang pinaka malala sa lahat ay…. pagkarating niya sa venue, nakita niya ang sasakyan niya na nakapark sa labas na may police ticket…

Dahil pinark lang naman ni Song Xiangsi ang sasakyan niya sa ilegal na paradahan!

Ang pinagtataka niya lang, sobrang dami namang bakante sa underground parking, pero bakit naisip nitong iparada ang sasakyan niya sa kalagitnaan ng kalsada!

Pero… binalewala niya lang yun… Pagkapasok niya sa venue, sinadya niyang tabihan ito para itanong sana kung may problema ba ito o kung anong nangyari, pero kagaya ng mga ikinilos nito noong mga nakaraan, hindi nanaman siya pinansin nito…

Aba'y teka… ngayon lang siya naging ganito ka'clingy sa loob ng pitong taon nilang pagsasama tapos binabalewala lang siya nito?!

Habang patagal ng patagal, paubos na rin ng paubos ang pasensya niya, pero noong nagyaya ang assistant ni Lu Jinnian na magumagahan, sinubukan niyang suyuin ito ulit. Pero… bigla itong tumayo at iniwan siyang parang tangang nakahawak sa kutsara…

Grabe na talaga ang babaeng to!

Natawa pa siya noong una at sinubo nalang ang isang kutsarang lugaw, pero bago niya pa ito malasahan, naiinis niyang inilapag ang buong mangkok na hawak niya sa isang gilid. Wala talaga siyang ideya kung bigla nalang itong nanlamig kaya sumandal muna siya sa sofa ng ilang sandali para isipin kung ano ba talagang dapat niyang gawin hanggang sa hindi niya na kinaya at nagaalalang sinundan ito sa CR. 

Sa pagitan ng changing room at ng CR, may madadaanang mahabang hilera ng mga kabinet na punong-puno ng mga singsing.

At pagkadaan niya rito, may isang partikular na kabinet ang umagaw ng kanyang atensyon kaya sinadya niyang huminto muna para silipin ang singsing na may kulay pink na diamond.

"Sir, ano pong hanap ninyo? Proposal o wedding ring?" Magalang na tanong ng staff noong nakita nitong may tinitigan si Xu Jiamu.

At dahil dun, biglang nahimasmasan si Xu Jiamu, at sakto, nakita niyang palabas ng changing room si Song Xiangsi, kaya dali-dali siyang umiling at naglakad ng mabilis papunta sa CR, kung saan nagsigarilyo muna siya ng sandali.

Sa totoo lang, habang tinitignan niya yung singsing, naramdaman niya na gustong gusto niya yung bilhin para kay Song Xiangsi…

Mula pagkabata niya, tumatak na sa isip niya ang ibang kahulugan ng pag'aasawa – at yun ay ang papakasalan niya lang ang isang babaeng na kapantay ngg antas niya sa buhay.

Noong nagdivorce sila ni Qiao Anhao at nabili ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise, wala siyang kaalam alam sa mga kasamaang nagawa ng mama niya, kaya tinanggap niya ang plano nito na muli siyang magpakasal, at sa pagkakataong ito, kay Lin Qianqian naman, na di hamak na mas prominente kumpara sa mga Qiao. Noong panahon na 'yun, wala silang kontak ni Song Xiangsi, kaya kahit ayaw niya sa pabebeng ugali ni Lin Qianqian, hindi na siya tumanggi pa. 

Pero pangako palang naman yun, at wala pa namang opisyal na kasal. Ni hindi pa nga sila nageengagement ceremony, at may mga panahon na mahigit isang buwan niyang natitiis na hindi sila nagkikita…

Nächstes Kapitel