"Sa lalong madaling panahon… Sa susunod na Miyerkules? Kasal yun ng kaibigan ko kaya hindi ako pwede sa araw na yun… O sige, sa susunod na Biyernes nalang… Bye."
Pagkaputol na pagkaputol ng tawag, ang Song Xiangsi, na kanina pa pinipilit na maging matapang, ay tuluyan ng bumigay at umiyak at sa sobrang sama ng loob, tila ayaw magpaawat ng kanyang mga luha na tuloy-tuloy lang sa pagdaloy.
Pitong taon…. Mula noong mga panahong inosente pa siya, hanggang ngayon na may sarili na siyang kakayahang magdesisyon, wala siyang ibang ginawa kundi ibigay ang lahat ng pagmamahal niya kay Xu Jiamu.
Pero bandang huli, siya pa rin pala ang talo.
Sa buhay ng isang tao, pwede siyang mabaliw o magpakababa, pero hindi naman ibig sabihin nun ay hahayaan niya nalang na habang buhay siyang nasa laylayan.
Mula siya sa isang mahirap na pamilya na nakatira sa isang baryo na normal nalang ang kahirapan at kahit anong gawin niya ay hindi niya na mababago ang katotohanan na isa siyang babae na binenta ang kanyang sariling katawan para mailigtas ang nagaagaw-buhay niyang tatay. Kaya, bakit nga ba pinapantasya niya na mapangasawa ang isang Xu Jiamu, na mula pagkabata ay hindi manlang nabahiran ng hirap ang mga palad?
Oo… siya ang may kasalanan ng lahat ng kanyang paghihirap at wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya dahil masyado siyang naging ambisyosa kaya nakalimutan niya na ang isang kagaya niya ay walang karapatang maging masaya…
Bigla siyang namutla sa sobrang paghagulgol. Hindi niya alam kung saan eksaktong parte ng puso niya ang masakit at ang malinaw lang sa kanya ay masama ang kanyang loob…at sa sobrang galit niya sa naging kapalaran ng kanyang buhay, bigla niyang kinuha ang mga test results at pinagpupunit ang mga ito. Bandang huli, hindi pa siya nakuntento, kinuha niya rin ang dalawang kahon ng folic acid, at bumaba ng driver's seat para itapon ito sa pinaka malapit na basurahan, bago niya iharurot ng sobrang bilis ang kanyang sasakyan.
-
May kadinner na isang kliente si Qiao Anxia ngayong gabi sa China World Hotel, at hindi niya inaasahan na doon pa talaga sila magkkasalubong ni Cheng Yang, na isang buwan niya ng hindi nakakausap.
Medyo makulit ang kliente niya at pinipilit siya nitong uminom ng uminom. Sa totoo lang, hindi naman siya yung tipo ng babae na madaling malasing, pero dahil tuloy-tuloy at medyo matagal na rin siyang nagiinom, bandang huli ay tinamaan na rin siya.
Kaya sa kalagitnaan ng kanilang dinner, hindi niya na talaga kinaya kaya inutusan niya ang kanyang secretary na pumalit sakanya sa pakikipagusap sa kliente niya at umalis.
Pagkasaradong pagkasarado niya ng pintuan, sakto namang bumukas din ang pintuan sa katapat na kwarto, kaya bigla siyang napatingin sa lumabas, na hindi niya namang inaasahang si Cheng Yang pala. Nakasuot ito ng kulay electric blue na shirt at nakangiting palabas sa nasabing pinto habang sinasabi sa mga kasama nito s loob na "babalik ako kaagad".
Kagaya ni Qiao Anxia, napatingin din si Cheng Yang sa taong nakatayo sa harapan ng kabilang pintuan, at nang makita niya ang kanyang ex-girlfriend, bigla siyang natigilan at tinitigan din ito.
Kagaya ng nakasanayan, kalmado lang ang itsura ni Qiao Anxia at nang maramdaman niya na mukhang wala naman itong intensyon na makipagusap, bigla siyang tumalikod at naglakad papunta sa sa CR.
Samantalang si Cheng Yang naman ay nanatili lang sakanyang kinatatayuan habang sinusundan ng tingin si Qiao Anxia.
Para kay Qiao Anxia, wala siyang halaga…Hindi naging perpekto ang relasyon nila, at kagaya ng ibang mga magkarelasyon, madalas din silang mag'away, pero sa tuwing nangyayari yun, siya nalang ang palaging nagpapakumbaba kaya sa pagkakataong ito, naisipan niyang umiwas naman. Sa totoo lang, naghihintay lang naman talaga siya na kausapin nito, pero sa isang buwan na lumipas, ni isang beses ay hindi siya kinontak nito…
Kaya napailing nalang siya at natawa sa sarili niya, at hindi nagtagal, sinundan niya rin ito sa CR.
Hindi maintindihan ni Qiao Anxia kung dala lang ba ng kalasingan o dahil nararamdaman niyang sinusundan siya ni Chen Yang, pero noong malapit na siya sa CR ng mga babae, bigla siyang natapilok, na sa sobrang lala ay muntik na siyang matumba sa sahig. Pero buti nalang, nakasunod sakanya si Cheng Yang, na mabilis siyang sinalo.
Nagaalala itong nagtanong, "Masakit ba yung paa mo?"
Maging si Qiao Anxia ay hindi rin maipaliwanag kung bakit, pero nang sandaling marinig niya ang boses ni Chen Yang, bigla siyang kumalma at napanatag.