webnovel

Ang pagbisita sa mga magulang (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kaya biglang kumunot ang noo ni Song Xiangsi.

May tao ba sa lounge?

Kinuha niya ang kanyang bag na kalalapag niya lang sa sofa, at dahan-dahang

naglakad papunta sa lounge. Habang papalapit siya ng papalapit, palinaw din ng

palinaw na babae ang nagsasalita, "Kuya Jiamu, diba nangako ka sa akin na

ililibre mo ako ng sine pagkatapos ng trabaho mo ngayon? Bakit ba kasi

nagbago nalang bigla ang isip mo?"

Nang sandaling marinig ni Song Xiangsi na binanggit ng babae ang pangalan ni

Xu Jiamu, bigla siyang natigilan, at kanyang kamay, na kalmadong nakahawak

sakanyang bag, ay bigla nalang nanginig sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya kahit medyo malayo pa siya, kitang kita

niya na may magandang dalaga na nakahiga sa kama. Nakayakap ito sa braso

ni Xu Jiamu at walang tigil itong niyuyugoyog, na parang batang namimilit

magpabili ng laruan.

Mukhang pagod na pagod si Xu Jiamu dahil sa kabila ng pangungulit ng dalaga

ay nakapikit lang ito at halatang walang pakielam.

Kaya biglang ngumuso ang dalaga at pabebeng sinabi, "Luya Jiamu, pumunta

pa naman ako dito para makita ka, tapos ayaw mo naman pala akong kausapin,

ah ah ah ah…"

Kasabay ng pagbubunganga ng dalaga, mas lalo pa nitong nilakasan ang

pagyugyog sa braso ni Xu Jiamu.

Kilala niya si Xu Jiamu kaya alam niyang hindi magtatagal ay maiirita na ito, at

kagaya nga ng hula niya, bigla itong dumilat at pasinghal na nagsalita. "Qian

Qian, pwede bang tumigil ka na? Pagod na pagod ako. Diba may company event

sa baba? Bakit ba nandito ka? Ayaw mo bang makisaya doon?"

"Ayoko!" Walang prenong sagot ng babae, na Qian Qian pala ang pangalan,

habang paulit ulit na umiiling. Hindi nagtagal, bigla itong pumatong kay Xu

Jiamu at niyakap ng mahigpit ang leeg nito at muling nagsalita, "Kuya Jiamu,

kinasal na sina Lu Jinnian at ate Qiao Qiao. Kailan ba kasi tayo magpapakasal?"

Sa pagkakataong ito, parang biglang huminto ang tibok ng puso ni Song Xiangsi

at nanigas sakanyang kinatatayuan.

Nakatitig lang siya sa dalawa at nang dahil lang sa isang napaka inosenteng

tanong, pakiramdam niya ay tuluyan ng gumuho ang kanyang mundo. Hindi niya

pa man din napoproseso ang mga bagay-bagay, muli niyang narinig ang boses

ni Xu Jiamu, at sa pagkakataong ito, di hamak na mas kalmado, "Pagusapan

nalang natin ang tungkol jan pagkatapos mong grumaduate. Sa ngayon, pwede

bang bumaba ka nalang muna nang makatulog na ako."

"Kuya Jiamu, gusto ko sa simbahan tayo ikasal ha! Isa pa, nakita ko yung plano

sa wedding ni sis Qiao Qiao kaya pag tayo na ang ikakasal, gusto ko ganun na

ganun ha…"

Pero sa puntong ito, hindi na talaga matiis ni Song Xiangsi ang mga naririnig

niya kaya bigla siyang napayuko at dali-daling naglakad palabas.

Sa totoo lang, para siyang iniwanan ng kanyang kaluluwa at hindi niya

namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil nang mahimasmasan siya ya

nakita niya nalang ang sarili niya na nakaupo na siya sa loob ng kanyang

sasakyan.

Dahil nasa underground parking siya, natural lang na sobrang dilim at tahimik.

Hanggang ngayon ay naninigas pa rin ang katawan niya at walang ibang

tumatakbo sakanyang isipan kundi ang narinig niyang pinaguusapan nina Xu

Jiamu at ng kasama nitong dalaga.

Ibig sabihin, may bago na palang fiancé si Xu Jiamu…

Bale noong hinanap siya nito, wala pa rin pala itong intensyon na pakasalan

siya…

Kung ganun... masyado ata siyang naging maawain. Sa totoo lang, noong

niyakap siya ni Xu Jiamu at nang marinig niya ang nakakawa nitong boses nang

sabihin nitong "pagod na ako", parang biglang nawala ang lahat ng

pinanghahawakan niya kaya sa kabila ng lahat, tinanggap niya ito ng buong buo

at hinayaan pang tumira sa sarili niyang bahay para damayaan ito sa lahat ng

mga pinagdadaanan nito.

Pero walang pala ito talaga para kay Xu Jiamu… ngayon man o noong

nakaraang pitong taon, ang tingin lang pala talaga nito sakanya ay isang

produkto na pwedeng pwede nitong bilhin.

Masyadong mataas ang naging tingin niya sa kanyang sarili at akala niya sapat

na ang ganda niya para mahalin din siya ng taong mahal niya.

Sa sobrang bigat ng loob ni Song Xiangsi, bigla niyang kinuha ang kanyang

phone para tawagan ang gynecologist, na pinuntahan niya kanina, "Dr. Jiang? Si

Xiangsi ito. Ibook mo ako ng appointment dahil gusto kong magpaabort!"

Nächstes Kapitel