Dahil dito, hindi napigilan ni Qiao Anhao na yakapin ng sobrang higpit ang braso
ni Lu Jinnian at pagkalipas ng ilang minutong pananahimik ay muli siyang
nagsalita, "Lu Jinnian, alam mo ba kung ano ang pinaka nakakakilig na salita sa
buong mundo?"
Dahan-dahang hinaplos ni Lu Jinnian ang kanyang mahabang buhok at
malambing na sumagot, "Ano yun?"
Bahagyang umangat si Qiao Anhao para bumulong sa tenga ni Lu Jinnian,
"Mister."
Hindi napaghandaan ni Lu Jinnian ang cheesy line ni Qiao Anhao kaya para
siyang naging estatwa na halos isang minutong nakatulala bago niya ito biglang
itulak at mapusok na halikan.
Kung pwede lang….gustong gusto niyang gawin ang paboritong gawin ng kahit
sinong magasawa…
Pero sa ngayon… hanggang imagination nalang muna…
Medyo matagal silang naghalikan bago pakawalan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao
at hinihingal na sinabi. Qiao Qiao, alam mo ba ang pinaka nakakakilig na salita
sa buong mundo?"
Ata kagaya ng ginawa ni Qiao Anhao kanina, dahan-dahan siyang lumapit sa
tenga nito at bumulong, "Misis."
Nye… ginaya lang siya ni Lu Jinnian eh… Pero kahit na ganun, natawa pa rin si
Qiao Anhao sa klilig.
At muli, lumapit siya tenga nito at bumulong, "Lu Jinnian, may hindi pa pala ako
nasasabi sayo."
"En?"
Sa totoo lang, nalove at first sight ako sayo… En…" huminto ng sandali si Qiao
Anhao bago magpatuloy, "Ibig sabihin, nainlove ako sayo noong sumilong tayo
sa bubong habang nagpapatila ng ulan… kaya ibig saihin… labintatlong taon na
kitang pinangarap."
Mula noong nabasa ni Lu Jinnian ang love letter, ang buong akala niya ay
limang taon palang na may gusto sakanya si Qiao Anhao. Tapos noong pumunta
sila sa school kanina, nalaman niya na nagaral ito ng maigi para maging
magkaklase sila sa Class One kaya naisip niya na baka noong first year high
school siya nagustuhan nito. Sa totoo lang, hindi naman mahalaga sakanya
kung kailan siya nagustuhan ni Qiao Anhao dahil ang mahalaga ay pareho na
sila ngayon ng nararamdaman para sa isa't-isa, pero hindi niya naman akalain
na dito mismo manggaling na nalove at first sight ito sakanya at kagaya niya,
labintatlong taon na rin siyang gusto nito…
Kaya parang biglang huminto ang ikot ng mundo niya kasabay ng sobrang bilis
na tibok ng kanyang puso. Literal na nakatulala lang siya kay Qiao Anhao ng
ilang sandali bago siya sumagot, "Kung ganun… pareho pala tayo… dahil
labintatlong taon na rin kitang gusto."
-
Dahil abala rin sa trabaho sina auntie at uncle Qiao, tumawag muna si Qiao
Anhao sa mga ito para magtugma ang mga schedule nila at dahil pare-pareho
silang libre ng Sabado, napagkasunduan nila na dun nalang bumisita.
Noong kinaumagahan noong araw na yun, maagang gumising sina Lu Jinnian at
Qiao Anhao para maghanda at dumaan muna sa sementeryo.
Nakalagak sa magkaibang sementeryo ang mga magulang ni Qiao Anhao at ang
mama ni Lu Jinnian at medyo may kalayuan din ang mga ito sa isa't-isa kaya
alas onse na noong nakabalik sila sa siyudad at dahil tanghalian ang
napagusapang oras, dumiretso na sila sa bahay ng mga Qiao para hindi sila
mahuli.
Si uncle Qiao ang sumalubong sakanila kaya pagkatapos bumati ni Qiao Anhao
ay pinakilala niya kaagad si Lu Jinnian, na magalang ding bumati rito.
Ang buong akala ni Qiao Anhao ay humihingi lang si Lu Jinnian ng ideya kung
anong magandang ibigay sa auntie at uncle niya, kaya maging siya ay nagulat
noong binili pala nito lahat ng mga sinabi niya at pagkarating nila, napuno ang
napakalaki nilang sala ng mga nakabalot na regalo.
Noong mga oras na yun, nasa kusina si auntie Qiao para bantayan ang mga
katulong habang nagluluto kaya nang marinig niya ang boses ni uncle Qiao,
nagmamadali siyang tumakbo papunta sa sala para batiin at paupuin si Lu
Jinnian. Masaya talaga si auntie Qiao kapag may bumibisita sakanila, lalo na
pagdating sa mga nobyo ng mga anak niya kaya siya pa mismo ang naghiwa ng
prutas na pansamantala nilang pagsasaluhan habang hinihintay ang tanghalian.
Habang pinagmamasdan ni Qiao Anhao ang sala, takang taka siya na hindi niya
makita si Qiao Anxia kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataon na makasingin
habang naguusap sina Lu Jinnian at Uncle Qiao, hindi niya na napigilang
magtanong, "Nasaan po si sis? Hindi ba siya umuwi?"
"Ah nasa taas si Xia Xia… Teka… tatawagin ko siya…" Nakangiting sagot ni
auntie Qiao, pero pagkatayong pagkatayo nito, saktong nakita rin ni Qiao Anhao
ang pinsan niya, na nakasuot ng kulay light blue na knitted long sleeves, na
pababa ng hagdanan.