Si Qiao Anhao, na halos maiyak na sa sobrang kaba, ay hindi napigilang
matawa ng malakas. Pero buti nalang, naalala niya kaagad na nasa loob nga
pala siya ng library kaya dali-dali niyang tinakpan ang kanyang bibig.
Hay nako... napaka isip bata ni Li Jinnian... dalang dala naman siya kagaad sa
love letter game! hmpf...
Sa kabila ng pagtawag ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian ng isip bata, bandang huli,
sinakyan niya rin naman ito at nagreply ng mas isip bata, "Kuha ko, classmate
Lu."
-
Paglabas ni Qiao Anhao ng library, madilim na ang kalangitan.
Mula sa pwesto niya, medyo malayo pa ang sports field at base sa
pagkakatanda niya, noong nasa middle high palang sila, lagi siyang naglalakad
ng dalawampung minuto papunta doon pagkatapos ng pinaka huli niyang klase.
Kahit na atat na atat na siyang makita si Lu Jinnian, hindi niya pwedeng
kalimutan na buntis siya kaya para sa kapakanan ng baby nila, pinilit niyang
kumalma at maglakad ng sakto lang ang bilis. Isa pa, iilan lang ang mga
nakabukas na poste, at dahil dito, kinailangan niyang doblehin ang ingat para
hindi siya matalisod kaya seven forty na noong nakarating siya sa basketball
court.
Bago siya makapasok sa sports field, kailan niya munang dumaan sa basketball
court.
Tandang tanda niya ang itsura ng sports field nila noon. Maraming maliliit na
ilaw sa stage kaya sa mga normal na araw, sobrang liwanag nito sa loob. Pero
ngayon na walang mga batang naglalaro, tanging mga normal na poste lang ang
binuksan para sa mga dadaan.
Pagkarating na pagkarating niya sa racing track, muling nag'alert ang kanyang
phone: [Mula sa kinatayuan mo, maglakad ka pa paharap.]
At pagkatapos ng ilang hakbang, muli nanamang nagtext si Lu Jinnian. [Ngayon
naman, tumalikod ka sa stage at maglakad papunta sa gitna.]
Sa totoo lang, hindi maintindihan ni Qiao Anhao ang nangyayari pero dahil si Lu
Jinnian ang naguutos sakanya, alam niyang walang masamang mangyayari
sakanya, kaya walang pagdadalawang isip siyang tumalikod at naglakad
papunta gitna ng sports field, kagaya ng gusto nitong mangyari.
Habang papalapit siya ng papalapit sa gitna, padilim din ng padilim. Hindi niya
na nabilang kung nakailang hakbang na siya, pero nang hindi niya maaninag si
Lu Jinnian, bigla siyang natakot kaya muli niyang kinuha ang kanyang phone
para tawagan ito pero bago niya pa maiunlock ang kanyang phone nang sabay-
sabay na namatay ang lahat ng ilaw na nakabukas.
Nang magdilim ang buong paligid, literal na wala na siyang ibang makita bukod
sa buwan at iilang mga bituin.
Sa pagkakataong ito, lalo siyang kinabahan kaya dali dali niyang hinanap ang
number ni Lu Jinnian, pero sa pangatlong beses na pagtatangka niyang tawagan
ang asawa, muli nanaman siyang natigilan dahil may bigla siyang narinig na
tunog ng paputok.
Nagtataka siyang tumingala at hindi siya makapaniwala na bubulagain siya ng
napaka gandang fireworks.
Napanganga siya sa sobrang pagkamangha at literal na hindi makapagsalita sa
sobrang saya habang pinapanuod ang kalangitan na punong puno ng makukulay
na ilaw.
At bandang huli, ang napakadilim na sports field ay napuno ng magagandang
ilaw mula sa fireworks.
Pero nakakalungkot at nakakabitin lang dahil pagkalipas ng limang minuto, unti-
unti itong nawala at muli nanamang nagdilim ang buong paligid.
Dahil dito, biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at muling inunlock ang
kanyang phone para tawagan si Lu Jinnian at sa sobrang saya, kasasagot
palang ng kabilang linya ay sinalubong niya na ito kaagad, "Ikaw yung nagpa set
up ng fireworks?"
"Nagustuhan mo ba?"
Dalawang beses niyang narinig ang sagot ni Lu Jinnian.... Ang una ay direkta sa
tenga niya mismo at ang pangalawa ay galing sa phone.
Kaya bigla siyang natigilan at pagkalipas ng tatlong segundo, dali-dali niyang
sinundan ang pinanggalingan ng boses at kagaya ng inaasahan, nakita niya si
Lu Jinnian na nakatayo sa banda niyang kaliwa.
Nakapamulsa ang isa nitong kamay, at nakahawak naman sa phone ang kabila
habang nakatingala at nakangiting pinapanuod sa huling fireworks.