webnovel

Pagbabalik tanaw sa ating masasayang kahapon (9)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kasi dun lang ang pwesto na matatanaw niya ang basketball court dahil tuwing

Miyerkules ng hapon, habang nasa kalagitnaan ng pangatlo niyang klase, lagi

niyang pinapanuod si Lu Jinnian na maglaro ng basketball habang nagp'PE ang

Class One.

Medyo matagal na nakatitig si Lu Jinnian sa parehong direksyon bago niya

muling tignan si Qiao Anhao ng diretso sa mga mata at malungkot na

nagpatuloy, "Alam mo ba, akala ko magiging kaklase kita dati."

Ramdam ni Qiao Anhao ang biglaang pagbabago ng mood ni Lu Jinnian pero

hindi niya maintindihan kung bakit sobra siyang kinikilig sa simpleng mga sinabi

nito.

Noong taong 'yun, sinadya ni Lu Jinnian na iwanang walang sagot ang kalahati

ng test paper niya para lang bumagsak at makapunta sa Class Three,

samantalang si Qiao Anhao naman ay nagaral ng maigi lang makarating siya sa

Class One. At yun, ang kauna-unahang pagkakataon na sinubukan sila ng

tadhana.

Dahil dun, parang may biglang bumara sa lalamunan ni Qiao Anhao… masakit

na nakakakilig… Ngumiti siya at nedyo nanginginig ang boses na sumagot,

"Talaga? Alam mo ba, akala ko magiging magkaklase rin tayo eh!"

Gulat na gulat na tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at hindi

makapaniwalang nagtanong, "Ibig sabihin, sinadya mong ipasa yung exam para

makapunta ka sa Class One kasi gusto mong maging magkaklase tayo?"

"Oo."Tumungo si Qiao Anhao at dahan-dahan siyang sumandal sa lamesa na

para bang inaalala niya ang masasaya nilang kahapon at pagkalipas ng ilang

segundo, muli siyang napatuloy, "Hay nako, naramamdaman ko nanaman tuloy

ang bangungot na yun! Anim na buwan… anim na buwan na wala akong ibang

ginawa kundi mag aral ng mag aral para lang makapasok ako sa Class One.

Alam mo ba, ala una na ata ng madaling araw ang pinaka maaga kong tulog…"

Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita, bigla siyang hinila ni Lu Jinnian

para yakapin ng mahigpit at muli itong nagsalita na punong-puno ng emosyon,

"Ibig sabihin, nagaral ka ng mabuti para makapasok ka sa A University dahil sa

akin?"

"En," Mahinahon niyang sagot bago niya halikan ang mga labi nito.

Sa kalagitnaan ng matamis nilang paghahalikan, biglang lumayo si Lu Jinnian

at hinihingal na sinabi, "Qiao Qiao, sobrang saya ko."

'Sobra, sobrang saya'

Wala siyang kaalalam alam na sa mga panahong akala niya siya lang ang

gumagawa ng paraan para makalapit kay Qiao Anhao ay gumagawa rin pala ito

ng sarili nitong paraan para makalapit din sakanya.

'Hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal ko noong kabataan ko, at ngayon

sobra sobrang saya ko.'

Muli, hinalikan ni Lu Jinnian ang mga labi ni Qiao Anhao at sinulit ang napaka

tahimik na paligid na lalo pang pinaganda ng pumapasok na liwanag mula sa

sinag ng araw.

Sobrang saya.

Noong taon na nagkakilala sila, yun din pala ang taon na nagumpisa ang

kwento nila.

At pagkalipas ng labintatlong taon, sa wakas nagkrus na rin sila ng landas.

Kahit na marami ng nagbago sakanila, lalo ang mga pisikal nilang katawan, siya

pa rin ang batang Lu Jinnian na mahal na mahal pa rin ang batang Qiao Anhao.

Ilang minuto rin silang naghalikan.

At sa sobrang tahimik ng paligid, tanging ang mga paghahabol lang nila ng

hininga ang maririnig.

Kahit na magasawa na sila at buntis na siya, kinikilig pa rin si Qiao Anhao sa

tuwing naghahalikan sila kaya nahihiya siyang yumuko.

Samantalang si Lu Jinnian naman ay nakatitig lang sa napakagandang babae

na nasa harapan niya at dahan-dahan niyang hinimas ang buhok nito. Hindi

nagtagal, muli niyang hinawakan ang kamay nito at sinabi, "Tara, lakad lakad

ulit tayo?"

Magkahawak kamay silang lumabas ng classroom at naglakad papunta sa

Class One. Sa pagkakataong ito, hindi na sila pumasok, pero noong sandaling

dumaan sila sa bintana, huminto pa rin sila para sumilip.

Hindi pa nabura ang mga nakasulat sa black board kaya mula sa pwesto nila,

kitang kita nila ang mga graph at ilang kumplikadong formulas na nakasulat.

Nächstes Kapitel