Kung ano ang mga ginamit nilang lamesa, sampung taon na ang nakakalipas,
yun pa rin ang lamesang ginagamit ng mga bata ngayon kaya hinding hindi niya
makakalimutan kung saan madalas humiga si Qiao Anhao.
Pero sampung taon na yun…Bigla lang nagturo si Lu Jinnian ng isang lumang
upuan at parang siguradong sigurado na ito kaagad sa sinasabi nito kaya akala
ni Qiao Anhao ay nagbibiro lang si Lu Jinnian. "Hay nako Lu Jinnian, gumagawa
ka ng kwento."
Nang makita ni Lu Jinnian ang reaskyon ni Qiao Anhao, bahagyang tumaas ang
kilay niya pero hindi siya nakipagtalo, bagkus, bigla niyang binitawan ang
kamay nito at naglakad papunta sa tinuro niyang lamesa. Hinila niya ang upuan
na nasa ilalim para umupo at may kiniskis na isang parte ng lamesa bago siya
muling magsalita. "En, ito oh."
"Anong meron jan?" Nagtatakang tanong ni Qiao Anhao dahil wala talaga
siyang ideya sa mga pinagsasabi ni Lu Jinnian.
Imbes na sagutin ang tanong ng asawa, maingat niyang hinawakan ang kamay
nito para ipakapa ang bandang kaliwa ng lamesa.
Noong sandaling yun, may naramdaman si Qiao Anhao na nakaumbok sa
lamesa kaya gulat na gulat siyang napatingin sa asawa.
Wala pa ring imik si Lu Jinnian at nagpatuloy lang sa paghawak ng kamay nito
para ipakapa ang mga nakaukit. Hindi nagtagal, naramdaman ni Qiao Anhao na
para ngang may letra na nakasulat kaya muli siyang tumingin kay Lu Jinnian at
takang taka na nagtanong, "S?"
Tumungo lang si Lu Jinnian at inilipat naman ang kamay nito sa iba pang mga
letra, na sa tuwing makakapa ni Qiao Anhao ay magtatanong para
mangumpirma.
"H?"
"M?"
"I?"
"L?"
"Y?"
Pagkabigkas niya ng huling letra, muling natigilan si Qiao Anhao para
pagtugtong-dugtungin sa isip niya ang mga nakapa niya, "Shmily?"
"Ang ibig sabihin ng Shmily ay 'See, How, Much, I, Love, You'…" Habang
nagsasalita, bigla siyang nagtaka kung paano at kailan naiukit ni Lu Jinnian ang
mga yun kaya muli siyang tumingin ng diretso sa mga mata nito at
naguguluhang nagtanong, "Inukit mo yan jan?"
"En," Pabulong na sagot ni Lu Jinnian habang dahan-dahan siyang tumatayo.
Sa totoo lang, alam naman na talaga ni Qiao Anhao ang sagot pero gusto niya
lang din talaga na kay Lu Jinnian manggaling. Ngayon na kinumpirma na nito,
nakutuban niya na ang mga sagot sa iba niya pang mga tanong. "Ibig sabihin,
noong nalipat ka ng Class Three galing Class One, sinadya mo talagang umupo
sa lamesa na lagi kong hinihigaan?"
Dahan-dahang ibinalik ni Lu Jinnian ang upuan sa dati nitong pwesto bago niya
muling tignan si Qiao Anhao ng direst sa mga mata.
Medyo nahiya si Qiao Anhao sa pagtitig ni Lu Jinnian kaya babaguhin niya
nalang sana ang usapan dahil ayaw niyang isipin nito na masyado siyang
asumera, pero noong magsasalita na siya, bigla naman itong sumagot ng
mahinahon. "Hindi lang yung lamesa, pati yung upuan mo. Pero siguro nasira
nay un, kasi hindi ko na makita eh."
Habang nagpapaliwanag, muling tinignan ni Lu Jinnian ang paligid at itinuro
ang pang limang upuan sa may bandang bintana, "Diba dun ka nakapwesto
dati?"
Kumpara dun sa upuan at lamesa, mas naalala ito ni Qiao Anhao. Totoong
nakaupo siya sa pang limang upuan sa may bandang bintana. Well, sa totoo
lang, si Qiao Anxia talaga ang nakapwesto dun dati kaya para lang pumayag ito
makipagpalit, ipinusta niya ang dalawang buwan niyang baon at sandamakdak
na iba pang suhol.