"Mmmh, naiintindihan ko." Kalmadong tumungo si Lu Jinnian na para bang
nakikinig lang siya ng report mula sa assistant. Pero nang sandaling
maproseso niya ang sinabi nito…. bigla siyang natigilan.
Hindi niya maipaliwanag ang saya na bigla niyang naramdaman kaya bigla
niyang hinawakan ang kamay ng kanyang assistant at hindi mapalagay na
nagtanong, "Buntis si Qiao Qiao?"
Medyo mabigat ang kamay ni Lu Jinnian, pero para hindi sirain ang
momentum, tiniis niya nalang ito at tumungo. "Congratulations, Mr. Lu!
Magiging tatay ka na!"
At hindi nagtagal, muling nagsalita ang host para tuluyan ng isara ang signing
ceremony.
Biglang tumayo si Lu Jinnian habang masayang nakatingin sakanyang
assistant. Nang mapansin ng assistant na nakatingin ang mga tao kay Lu
Jinnian, dali-dali niyang hinatak ang kanyang braso n at bumulong, "Mr. Lu,
pwede bang umupo ka muna."
Pero sa kabila ng pagmamakaawa ng assistant, hindi ito pinansin ni Lu
Jinnian at biglang naglakad palabas ng VIP section at nagpumilit na umakyat
sa entablado.
Noong oras na 'yun, katatapos lang magsalita ng host kaya paalis na sana
ang mga manunuod at magliligpit na ang organizers, pero nang makita ng mga
ito na kumakaripas si Lu Jinnian papunta kay Qiao Anhao, biglang natigilan
ang lahat at para panuurin ang eksena. Maging si Qiao Anha, na walang
kaalam-alam, ay naintriga at napatingin din sa direksyon kung saan nakatingin
ang lahat.
May nakita siyang lalaking nakasumbrero at nakatakip ang kalahati na mukha
na papalapit sakanya at dahil masyadong maliwanag ang ilaw, hindi niya
maaninag ang mukha nito.
Bigla siyang kinabahan at gusto niya sanang tumakbo pero bago niya pa
magawa, bigla nitong hinawakan ang siko niya. Dahil dito, lalo pa siyang
kinabahan kaya manlalaban na sana siya pero biglang nagsalita ang
misteryosong lalaki, "Buntis ka?"
Teka, si Lu Jinnian! Pero… diba dapat nasa sasakyan lang siya? Bakit nandito
siya?
Gulong-gulong tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at tumungo, "Mmh,
kahapon ko lang nalaman. Ang sabi ng doktor, one month old na daw ang
baby."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lu Jinnian at hindi makapaniwalang
tumingin ng diretso sa mga mata ni Qiao Anhao. "Ibig sabihin, magiging tatay
na ako?"
"Oo." Masayang tumungo si Qiao Anhao ng paulit-ulit.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon!" naiinis na sigaw ni Lu Jinnian.
Hindi makapaniwala si Qiao Anhao sa magiging reaksyon nito…. gusto niya
lang naman itong sorpresahhin ngayon…
Napayuko nalang siya sa sobrang lungkot, at noong hahawiin niya na sana
ang kamay nito para magwalk out, bigla itong lumuhod at binuhat siya.
Nagulat si Qiao Anhao sa ginawa ni Lu Jinnian kaya bigla niyang natabig ang
sumbrero nito.
Ngayon na wala na itong disguise, kitang-kitang na ng mga nasa front row ang
mukha ni Lu Jinnian at sa sobrang kilig, hindi na napigilan ng mga ito na
kunan ang dalawa ng picture. May dalawang babae pa na nakaupo sa tabi ni
Lu Jinnian kanina ang napasigaw sa sobrang kilig, "Katabi lang natin siya
kanina!"