Magpapatuloy sana si Xu Jiamu sa pagkain ng kanyang noodles pero muli
siyang natigilan at sa pagkakataong ito, dahan-dahan niyang ibinaba ang
kanyang chopsticks.
Narinig niya ang naiinis na boses ni Song Xiangsi, na parang nagagalit sa
manager nito dahil sa pagtanggap ng trabaho na hindi nito gusto.
Ilang sandali rin niya itong tinitigan, at bilang hindi niya naman ito pwedeng
lapitan hangga't may iba itong kausap, dahan-dahan siyang tumayo at naglakad
papunta sa bintana para muling manigarilyo. Nang maramdaman niyang
pumasok na sa sistema niya ang nicotine, muli niyang inalala ang sinabi ni Song
Xiangsi: hindi imposible na matrauma siya kagaya ni Mr. Lu at habang buhay na
rin siyang magiging ilag sa iba…"
-
Malinaw kay Lu Jinnian na isa siya sa pinaka maimpluwensyang tao sa mundo
ng entertainment industry ng bansa kaya ginamit niya ang interview bilang
pagkakataon na itatak sa isip ng mga tao ang isa sa mga punto na gusto niyang
bigyan ng diin.
Lalo na noong sinabi niya ang linyang, "Kung talagang gusto ko siyang agawin,
dapat ginawa ko na 'yun five years ago noong engage palang sila kasi kung
ako lang, ayokong hayaan yung sarili ko na makita yung babaeng pinaka
mamahal ko na makasal sa iba kaya bakit kailangan ko pang magtiis ng
limang taon?" Alam niyang maraming magkakagulo dito at sa pamamagitan
nito, pwedeng siyang magtanim ng ideya sa isip ng mga manunuod na
naninirang puri lang ang media.
Pero kagaya ng inaasahan niya, marami pa ring nanindigan na hindi maniniwala
hanggat wala siyang nailalabas na ebidensya.
Kaya pagkatapos ng interview, muli nanamang nagkakagulo ang buong internet
dahil sa walang tigil na pagpapalitan ng mga salita ang mga naniniwala sa mga
hindi.
Pero sa pagkakataong ito, wala ng pakielam si Qiao Anhao sa sasabihin ng iba,
lalo na ng mga netizens, at ang gusto niya nalang pagbuhusan ng pansin ay ang
mga taong nagpapasaya sakanya ngayon – si Lu Jinnian at ang magiging baby
nila.
-
Pagkatapos nilang mag'gabihan, dumiretso si Lu Jinnian sa study room para
magtrabaho. Ang buong akala niya ay maabutan niyang nagpapractice si Qiao
Anhao ng nakakahilo nitong sayaw, kaya laking gulat niya nanag makita niya
itong nakahiga sa kama habang nagphophone. "Bukas na ang competition, hindi
ka ba magpapractice?"
Sa takot ni Qiao Anhao na baka biglang sumilip si Lu Jinnian, dali-dali niyang
inexit ang site na nagsasabi ng ilang tips kung anong dapat gawin ng mga buntis
at payabang na sinabi, "Magaling na ako kaya hindi ko na kailangang
magpractice."
"Hehe, Qiao Qiao, lagi ka nalang may palusot sa katamaran mo." Natatawang
sagot ni Lu Jinnian habang niyayakap siya. Hindi nagtagal, maramdaman niya
na unti-unting gumagapang ang kamay nito sa loob ng kanyang pajamas, kaya
bilang pagsunod sa bilin ng doktor, dali-dali niyang hinawi ang kamay nito at
pabirong sinabi, "Lu Jinnian, ano ka ba! Kailangan kong galingan sa competition
kaya hindi mo ako pwedeng pagurin."
Bigla itong natigilan at tinitigan siya ng seryoso, "Osige, babalikan kita bukas."
Kailangan niyang galingan ang pagarte hanggang bukas kaya para hindi
makahalat si Lu Jinnian, ngumiti nalang siya at nagpanggap na pumayag. "Sige
ba."
Pero sa loob-loob niya, kinakabahan siya na baka talagang umasa si Lu Jinnian
sa pangako niya kung sakali mang hindi siya magtagumpay ang mga plano niya
bukas.
-
Maaga pa masyado kaya hindi pa sila inaantok, pero dahil naninindigan si Qiao
Anhao na hindi sila pwedeng magsex, nagusap nalang sila ng mga bagay-
bagay.
Noong una, medyo naiirita si Lu Jinnian dahil atat na atat siyang gawin ang
kanilang 'night routine', pero hindi nagtagal, kusa rin namang kumalma ang
katawan niya.
At niyakap ang kanyang napakapalambing na asawa habang
nakikipagkwentuhan.
Sa totoo lang, kahit wala ang sex, masaya siya..... sobrang saya…
Habang nasa kalagitnaan ng paguusap, naalala ni Qiao Anhao noong bigla
siyang nagising kagabi at naisip na gusto niyang magmigrate kung sakali mang
totoong buntis siya, kaya bahagya niyang iniangat ang kanyang ulo para tignan
si Lu Jinnian, at sinabi, "Lu Jinnian, punta tayo sa ibang sa bansa?"
Sa pagiisip na baka sobrang nastress si Qiao Anhao sa mga pambabash ng mga
netizen, ang buong akala ni Lu Jinnian ay gusto lang nitong magbakasyon kaya
para suportahan ang asawa ay walang tutol siyang sumagot, "Sige, saang bansa
mo gustong pumunta? Ipapaayos ko sa assistant ko bukas."