Hinimas ni Lu Jinnian ang buhok ni Qiao Anhao at malambing na sinabi, "Qiao
Qiao, basta kasama kita, masaya ako kahit na dumugin pa ako ng pinaka
mabibigat na problema."
Ano bang sinasabi mo Qiao Qiao… Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na
hinayaan mong dugtungan ng pangalang 'Lu Jinnian' ang napakagandang
pangalang 'Qiao Anhao'.
Para sa akin, wala ng gaganda pa sa pinagsamang 'Lu Jinnian' at 'Qiao Anhao'.
Ngayon na nailabas na ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian ang lahat, di hamak na
mas gumaan na ang kanyang pakiramdam at para nalang siyang bata na
naghahanap ng lambing, "Pero sabi ng netizens, hindi raw ako karapat-dapat
sayo."
"Totoo naman yun…" Sobrang seryoso ng pagkakasabi ni Lu Jinnian kaya si
Qiao Anhao, na naguumpisa palang sumaya, ay muli nanamang nalungkot. Hindi
pa naman kasi siya tapos… Itinuro ni Lu Jinnian ang sarili niya at nagpatuloy,
"Ako ang…" at tinapik si Qiao Anhao, "….hindi karapat-dapat sayo."
Hay nako, kainis….ang linaw ng pagkakasabi ko na ako ang hindi karapat-dapat
sakanya, pero bigla naman namang pinalitan na siya ang hindi karapat-dapat
sakin....
Naiinis si Qiao Anhao dahil malinaw na niloloko siya ni Lu Jinnian sa
kalagitnaan ng pagdadrama niya kaya kahit gusto niyang magalit, natawa
nalang siya habang mangiyak-ngiyak, "Lu Jinnian, para ka namang tanga eh!"
Kalmadong tumingin si Lu Jinnian sa namumugtong mga mata ni Qiao Anhao.
Kanina, sobrang bigat ng pakiramdam niya habang pinagmamasdan itong
malungkot at umiiyak, kaya ngayon na medyo nabuhayan na ito, masaya na rin
siya.
Pinisil niya ang matanong nitong ilong at pabirong sinabi, "Hindi ka ba nahihiya?
Kanina umiiyak ka tapos ngayon naman tumatawa ka. Para ka talagang bata."
"Bakit? Bakit naman talaga ako ha… Isang three and a half years old…" pacute
na sagot ni Qiao Anhao.
"Talaga?" naghahamong tanong ni Lu Jinnian bago niya biglang isandal si Qiao
Anhao sa pader at dahan-dahang ipasok ang kanyang kamay sa loob ng damit
nito para pisilin ang isa nitong dibdib. "Paano naman nagkaroon ng ganito ang
isang three and a half years old?"
"Lu Jinnian, ang bastos mo naman!" Naiinis na sigaw ni Qiao Anhao, pero bago
pa siya magpatuloy, bigla siyang hinalikan ni Lu Jinnian at sumagot, "Mmmm…"
At lumapit ito sa kanyang tenga para bumulong na halatang nangaakit, "Kaya ko
pang mas maging bastos."
Sa pagkakataong ito, hindi na siya umalma at tuluyan na ring nagpadala sa
tawag ng kanyang katawan.
-
Si Qiao Anhao lang ang nagiisang taong nagbibigay kay Lu Jinnian ng
kapanatagan kaya pagtapos nila, sinulit niya ang pagkakataon na yakapin ito ng
mahigpit at titigan ng diretso sa mga mata. Alam niyang hindi pa rin tuluyang
napapawi ang lungkot nito kaya gusto niyang iparamdam dito ang suporta at
tiwala na mayroon siya.
"Qiao Qiao, wag mong intindihin ang mga sinasabi ng ibang tao. Na hinila mo
ako pababa o hindi ka karapat-dapat sa akin…sinasabi lang nila 'yun, kasi hindi
ka nila kilala.
"Napakaraming babae sa mundong ito ang mas maganda sayo, mas matalino,
mas magaling, pero ito lang ang tandaan mo… hindi ko sila kailangan, dahil ang
gusto ko lang ay ang nagiisang tinitibok ng puso ko.
"Ay yun ay walang iba, kundi ikaw.
"Mula noon, hindi yun nagbago at pinapangako ko sayo na kahit kailan ay hindi
yun magbabago.
"Kaya wag ka ng magoverthink at malungkot. Nangangako ako sayo, gagawan
ko ito ng paraan para tantanan na nila tayo. Magtiwala ka lang sa akin."
Ramdam na ramdam ni Qiao Anhao ang pagmamahal at sinseridad sa bawat
salitang binitawan ni Lu Jinnian kaya pagkatapos nitong magsalita, hindi niya
napigilan ang isang luha na pumatak mula sakanyang mata.