webnovel

Ang Desisyon ni Xu Jiamu (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tinatawag siya ng mga netizens na Pan Jinlian 1 dahil siya raw ang modern

version nito.

Nakakatawa talaga dahil kaninang umaga, ang saya-saya niya pa dahil nagising

siyang pinupuri ng mga tao dahil sa naging performance niya kagabi at bukod

dun, binoto rin siya ng buong sambayanan hanggang sa makuha niya ang

number one spot, pero pagkalipas ng walong oras, ang mga netizens na

nagangat sakanya kanina ay ang mga parehong netizens na naglalaglag at

tumatawag sakanya ngayon ng malandi.

Alam niya na mas malala ang scandal na kumakalat ngayon kumpara sa

balitang desperada siya kay Lu Jinnian dahil noon, may mga pruweba siya na

nagsasabi talaga siya ng totoo pero ngayon, di hamak na mas sensitibo ito at

hindi siya pwedeng basta-bastang lumaban.

Malaki ang posibilidad na ito na rin ang maging katapusan niya sa entertainment

industry dahil wala ng tatanggap sakanyang kahit anong commercial o pelikula,

tatatak sa isip ng mga tao kung gaano siya kalandi, pero ang pinaka inaalala

niya sa lahat ay mahihila niya rin si Lu Jinnian pababa.

Nakatanim sa isip ng mga netizen na nakikipaglandian siya habang kasal sa iba

kaya ibig sabihin, lalabas na kabit si Lu Jinnian.

Parang ilang oras palang ang nakakalipas na mahal na mahal ng mga tao ang

Lu Qiao napalitan na ang imahe nila bilang isang patapon na lalaki at isang

walang kwentang babae.

Pero masyadong palaban ang mga fans ni Lu Jinnian at hindi hahayaan ng mga

ito na madungisan ang pangalan ng diyos nila kaya para protektahan ito,

sakanya binuntong ang lahat ng sisi.

Iniisip ng mga ito na hinihila niya pababa si Lu Jinnian kaya wala siyang ibang

mabasa sa Weibo kundi ang galit ng mga ito: [Wala kang karapatan sa asawa

ko[, [Pwede ba? Layuan mo nalang ang dream guy ko], [Hindi naming hahayaan

na sirain mo ang lalaking pinaka mamahal naming]. Bukod sa mga public

comments, may mga fans na hindi pa nakuntento at naglong message pa

sakanya para tigilan niya na si Lu Jinnian.

May isang fan ni Lu Jinnian na nagstatus sa Weibo ang umabot na ng ilang

milyong likes, [Hindi mo ba napapansin? Dahil sayo, lagi nalang napapahamak

ang dream guy namin].

Sa totoo lang, pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili niya na hayaan nalang ang

mga netizens dahil wala naman talagang alam ang mga ito, pero bilang siya ang

ginigisa, hindi pa rin ito madali para sakanya…

Tama naman ang mga fans… Sampung taon ng namamayagpag si Lu Jinnian sa

entertainment industry at kahit kailan ay hindi ito nagkaroon ng kahit mababaw

na scandal, pero mula noong dumating siya sa eksena, palagi nalang itong

naiipit. Sa kagustuhan nitong protektahan siya, pinapasan nito ang galit na

dapat para sakanya kagaya noong pinakalat nito sa internet na anak ito sa labas

ng Xu Family para lang matabunan ang scandal niya na nagdodroga siya.

Masyado ng masakit ang mga comments at messages kaya bandang huli,

pinatay niya nalang ang computer at yumuko sa computer table habang sinisisi

ang sarili niya kung bakit naiipit nanaman si Lu Jinnian.

Para sa mata ng mga tao, isa siyang salot na walang ibang ginawa kundi

dungisan ang pangalan ng napaka perperktong Lu Jinnian…

Mahal na mahal niya ang asawa niya, pero lagi niya nalang itong binibigyan ng

problema…

Kanina pa niya pinipilit maging matapang… Kung para lang sakanya, wala

siyang pakielam pero habang iniisip niya si Lu Jinnian, hindi niya na napigilang

mapaiyak.

Hanggang ngayon, rinig na rinig niya pa rin ang mga reporters na nagkakagulo

sa baba at ang walang tigil na pagtunog ng doorbell.

-

Siguro dumating na yung property management na tinawagan ni Lu Jinnian dahil

pagkalipas ng isang oras, wala na ang mga magugulong reporters sa labas.

Biglang tumahimik ang paligid.

Sa wakas nakahinga na rin siya ng maluwag. Tumayo siya mula sa kanyang

kinauupuan para sumilip sa bintana at nakumpirma niya na wala na talaga ang

mga reporters at tanging mga basura na nagkalat nalang sa sahig ang mga

naiwan.

Galing pa si Lu Jinnian sa isang golf course na nasa western suburbs kaya

imposibleng makauwi ito ng kalahating oras.

Ngayon na sobrang laki na ng scandal niya, siguradong mainit siya sa mata ng

mga tao kaya hindi siya pwedeng basta-bastang lumabas. Masyado ng mabigat

ang puso niya dahil sa mga nabasa niya sa internet at ayaw niya namang

maabutan siya ni Lu Jinnian na nagmumukmok kaya bumaba nalang siya para

magluto ng dinner na pagsasaluhan nila ni mamaya.

Nächstes Kapitel